A FATHER'S POV

91 2 0
                                    

JUSTICE' POV



Kinausap namin ng masinsinan si Jazzy. Iniisip namin na sobra siyang nagpadalus-dalos sa kanyang desisyon na umalis ng bansa. Pero pinag-uugnay ko ang lahat ng mga pangyayari at inisip kong malinis siyang kumilos. Tahimik at pulido... hindi namin nabalitaan kina Gaspar. Inilihim niya sa amin ang lahat.



Ilang oras pa lang siyang nakakaalis... bumalik siya na dala ang isang kahon. Nakiusap siyang kakausapin kaming mag-asawa at hindi namin inasahan ang kanilang drama ni Melvin. Sinundan siya ng binata sa mansion. Nakita ko ang pagmamakaawa niya. Lumuhod siya at pinipilit si Jazzy na makinig sa kanyang paliwanag pero... anong aasahan mo sa isang taong sarado na ang isipan sa katwiran? Tiyak na wala siyang maiintindihan kundi ang kanyang nasaktang kalooban.



Hindi niya nakikita ang magiging epekto ng kanyang naging desisyon kay Benjie.



Parang tigre si Jazzy kung magalit. Wala siyang sinisino.



Iba ang naging saloobin ko sa nangyari. Iba ang pananaw ko sa mga bagay-bagay. Hindi man kami pareho ng sitwasyon noon, nauunawaan ko ang kanyang kalagayan.



"Justice, anong gagawin natin ngayon?" Pareho kaming di makapagsalita ni Lemuela. Nasa bulwagan kami... sa bench na nasa tapat ng fountain. Noong wala pang bulwagan na mukhang gazebo, malawak lang na bakuran iyon. Mistulang berdeng damuhan lang. Ramdam namin ang hangin mula sa mga punungkahoy sa paligid nito. Mahigpit naming hinawakan ang kamay ng isa't isa.



"Lemuela, hindi ko inaasahan ito. Paano nangyari ang ganito kay Jazzy? Pero magkagayunpaman...gusto kong lawakan ang aking pang-unawa sa kanya para kay Benjie at Melvin. Gusto kong magkasundo sila sa halip na humantong sila sa korte. " Tama ang hinuha namin. Iisipin ni Jazzy na pinagsamantalahan siya ni Melvin. Too much love will either kill you or put you into danger.



Kung tutuusin ay wala naman talagang namagitan kina Benj at Jazzy. Hindi naman niya iyon papayagan kung malalagay sa alanganin ang kanyang pagkababae. Pero paano sila nalusutan ni Melvin? Matindi ito.



Hindi namin inaasahan ang ganitong komprontasyon at ang kanyang pagtataboy sa binata. Mahal niya si Melvin pero ayaw niyang aminin. Sa kabilang banda, habang ang akala namin ay pumapasok si Jazzy sa opisina, wala kaming kalam-alam na inaasikaso na pala niya ang kanilang pag-alis ng kanyang anak.



"Bakit hindi mo sa amin sinabi? Hindi na sana umabot sa ganito ang lahat."



"Nagi-guilty po ako...pinag-alala ko kayong masyado sa halip na hindi na ninyo kami pasanin dito sa mansion. "



"Jazzy..."



"Nahihiya po ako. Simula ng mangyari ang trahedyang iyon...hindi ko po inaasahan na magbubunga ang inaakala kong... Papa, Mama...sorry po...I failed you."



"Jazzy, you have never been a failure to us. Mahal ka namin. Wala kaming gusto para sa iyo kundi sundin mo kung ano ang sinasabi ng iyong puso mo ngayon. Matuto kang magpatawad at mahalin mo si Melvin tulad ng pagmamahal niya sa iyo."



"Hindi....Hindi... Ayoko...sinira niya ang buhay ko at ang pagtitiwala ko. Bakit niya kailangang ilihim sa akin ang lahat? Ayaw ba niya akong makita? Ayaw ba niyang magkasama kami?"



"Walang kasalanan si Melvin sa issue mo dahil wala ka namang magandang ipinakita sa kanya kundi ang pagsusungit mo, ang panglalait mo sa kanya at hindi ka sa kanya interesado..."



"Mama, I was wrong...I can not admit that I have come to love him. I love him so much pero bakit ganoon ang ginawa niya?"



"Anak, hindi kita masasagot dahil hindi ko din alam." Wala kaming nagawa ni Lemuela kundi hintaying kumalma si Jazzy. Sinamahan namin siya sa kanyang kuwarto at nadatnan naming nagwawala si Benjie. Lalong umiyak si Jazzy. Alam niya na hindi madaling patahanin si Benjie unless narinig niya ang boses ni Melvin. At iyon ang aming inaalala ni Lemuela. Paano na kung umalis ang mag-ina at malayo ang mag-ama sa isa't isa?



Makakaya ba niyang pakinggang ang iyak ng kanyang anak na nasanay kay Melvin?

THE BLACK WIDOWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon