A LITTLE REGRET + HAPPINESS

102 2 0
                                    

AMALIA'S POV



Hindi ko pa nakakausap ng masinsinan si Jazzy pero plano ko sanang sabihin ang lahat sa kanyang ina. Maaaring napakamisteryoso ng buhay pati na ang mga sitwasyong kinasasangkutan natin. Hindi natin masabi kung nagkataon lang ba ang lahat o bahagi lang ng isang mas magandang plano sa buhay ni Jazzy, ni Benj at ni Melvin.



Alam kong dumistansya si Melvin simula ng magtagpo si Benj at Jazzy. Lahat ng mahahalagang okasyon sa buhay ni Benj ay first time na pinalampas ni Melvin. Of all people, si Melvin pa ang wala. Kinausap ko naman siya pero alam kong gusto lang niyang umiwas na hindi sila magtagpo ni Jazzy.



Pero ngayon, paano pa nila maiiwasan ang isa't isa? Hindi nagsasabi si Melvin kung ano ang plano niya pero ang paglipat niya sa presinto kung saan nagtatrabaho si Jazzy ay simula na. Naawa ako sa sinapit ni Jazzy ng mawala si Benj. Bakit naging ganito ang plano? Binawi rin sa akin si Benj. Hindi sa sakit kundi sa isang trahedya. Hindi lang ako ang nawalan kundi pati si Jazzy at ang kanilang anak.



Palagi kong tinitingnan ang plano ng Diyos para sa kanilang tatlo na nasangkot sa ganito kasalimuot na sitwasyon. Sinisikap kong maintindihan ang kanilang mga sitwasyon. Kung paano, kumbakit eh pinapasaDiyos ko na lang din. Ipinagdarasal ko na pare-parehong maghilom ang sugat na dulot ng pagkamatay ni Benj. Gusto ko ding tulungan si Melvin para naman magising siya sa katotohanan. I am also thinking na sabihin din ang totoo kay Jazzy para hindi niya pahirapan si Melvin. Si Melvin naman talaga ang interesado sa kanya at hindi si Benj. Magkasundo lang silang dalawa dahil pareho silang sugatan...luhaan at broken-hearted.



Matapos ang burol ay naging mailap sa amin si Melvin. Madalas ko siyang tawagan para kumustahin. Hindi ko na alam kung ano na ang nangyayari sa kanya. Hindi ako kampante sa mga pa-ok-okay niya. Hindi ko siya madalaw sa kanyang apartment dahil kahit minsan ay hindi naman niya kami doon pinatuloy o pinapunta para dalawin siya. Inilayo na niya ang loob sa amin lalo na ngayong patay na si Benj.



Wala na siyang magulang at wala na si Benj. Wala naman dito ang aking bunsong anak...mabuti na lang at nandito si Charlotte. Napapakisuyuan ko siya sa pangungumusta sa kanyang ninong. Napapanatag naman ako dahil okay naman daw ang ninong niya.



"Melvin...ano na ba ang lagay mo ha?"



"Tita...anong oras ko po kayo susunduin sa Sunday?"



"Magsisimba muna tayo tapos saka tayo pupunta kina Jazzy." Alam niya ang Villa Lorenzo dahil siya daw ang nagbantay kay Jazzy habang wala siya sa sarili. "Kumusta kayo ni Jazzy?"



"Okay lang po ako..."



"Melvin..."



THE BLACK WIDOWOnde as histórias ganham vida. Descobre agora