SETTLING DOWN

144 2 0
                                    

Kahit mukha akong sawi ay pumapasok pa rin naman ako sa trabaho. Naging mas busy ako sa pagsama sa lahat ng operasyon namin. Kahit day off ko ay palagi akong alerto sa mga tawag sa opisina lalo na kapag alam kong may ikinakasang entrapment operation ang aming departamento.



"Uy Melvin...nandito ka na naman. Day off mo di ba?" Tumango lang ako. "Magpahinga ka din, Sarge. Mag-lovelife ka din para medyo magkaroon ng buhay ang ..."



"Pare puwede bang huwag mo na lang akong pakialaman. Hindi kasi iyan ang priority ko."



"Oppssss, sorry ha. Di ko akalaing ganyan ka kaseryoso pagdating sa ... alam mo na... pasensiya na, Pare. Kahit ganito lang ang trabaho natin, may buhay pa rin tayo pagkatapos nito." Tinitigan ko ng masama si Sgt. Gonzalo. Totoo ang sinabi niya.



Pagkatapos ng aming operasyon, diretso kaming lahat sa kantin.

"Hellooo, Sgt

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Hellooo, Sgt. Miranda. Anong order mo?" Si Aleli , ang cashier sa kantin na iyon. Kahit sana cash register lang ang dapat intindihin eh siya pa ang kukuha ng order ko. "Ay, pagod na ang sweetheart ko. Beast mode ka na naman." Madalas niyang idaan sa biro ang lahat kahit wala ako sa mood makipag-joke sa kung kanino.



"Ate...ito o..." Itinuro ko ang order ko.



"Kuya, Aleli po ang name ko. Hindi ate. Besides, hindi naman tayo magkaanu-ano."



"E di huwag mo din akong tawaging Kuya. Akin na nga..."



"Supladoooo!!!!" Inis na inis siya sa akin. Nagdabog pa siya. Lahat ng mga kasama ko ay naintriga sa narinig nila. Hindi ko sila pinansin.



"Anong problema nun?" Matagal na siyang papansin pero di ko siya pinapansin. Crush nga daw niya ako eh pero ako itong mailap sa kanya.



Mabuti nga't may mga kasama ako ngayon. Minsan na niya akong tinabihan habang kumakain ako. Gusto ko sanang kumain ng tahimik at payapa pero hindi ko naman siya kayang bastusin para itaboy.

THE BLACK WIDOWWhere stories live. Discover now