NEW ROUTINE

95 1 0
                                    

LEMUELA'S POV



Ngayon lang nalaman ni Jazzy na nakalipat na ng presinto si Melvin. Ngayon ko lang siya nakitang nagkaroon ng sigla pagdating galing sa trabaho. At ngayon ko lang siya nakitang namrublema kay Melvin dahil matagal na niyang sinisikil ang kanyang damdamin.



Mukhang malaking problema dahil kailangan pa niyang uminom ng beer. Pero isang lagok lang at inawat ko na siya kaagad. Hindi siya puwedeng uminom dahil nagpapa-breast feed pa siya. Hindi iyon advisable sa tulad niya. Tuwing umaga, bago siya umalis sa mansion ay pinapapa-breastfeed muna niya si Benjie. Iyon ang morning ritual nilang dalawa.



Maaga na siyang gumigising tapos ipapasyal na ang anak sa bakuran. Madalas sila sa pavilion at iniikot-ikot doon ang bata. Tapos uupo sila sa bench na dati naming upuan ni Justice. Para silang may mother and son morning heart- to- heart talk.



Pagpasok niya sa loob ng mansion, kukunin na ni Justice si Benjie...kukunin ang robe niya at didiretso sa likod para makapag-swimming. After 15 minutes, pag-akyat ay maliligo tapos bihis na bihis na siya. Saka pa lang mag-aalmusal at handa na para umalis patungo sa trabaho.



Ihahatid namin siya kasama si Baby Benjie.



"Benjie boy...behave kina Lolo at Lola. "



"Naku eh huwag mong iisipin para di umiyak."



"Ganoon po ba iyon?" Saka ko naisip na iyon nga ang ginagawa ko kahapon. Hmm, di pala puwede iyon. Kawawa naman kung sakaling mag-iiyak si Benjie. Nakakahiya kina Mama at Papa. "Hug ko si Baby. Love ka ni Mommy...Mwaaahhhh!"



"Bakit po ganito, Mama? Naging unfair ba ako kay Benj all this time for not telling him that I love someone else tapos pinsan pala niya si Melvin." Hindi ko masabi ang buong katotohanan...will it change her mind kung sakaling malaman niya ang buong kuwento? Pagbibigyan din kaya niya si Melvin na maging bahagi ng buhay niya kahit biyuda pa siya?



"Sabi mo, matagal mo siyang hinintay tapos ngayon at lumalapit na siya...nagpapa-hard to get ka na naman."



"Mama naman eh. Hindi po ako nagpapa-hard to get...Eh halos nakita na niya ang kabuuan ko ng paanakin niya ako. Ano na lang ang maitatago ko sa kanya? Wala di ba?"



"Hahaha, speaking of that, have you talked?"



Nakita ko na hiyang hiya siya noon habang ikinukuwento namin ang nangyari. Ramdam daw kasi niyang lalabas na talaga ang bata kaya inihiga na lang siya ni Melvin sa pavilion. Wala ng choice si Melvin...mukhang siya nga ang magpapaanak kay Jazzy and so he successfully did it. Pagdating namin, sapo niya ang buong katawan ng bata. Isang palo lang sa baby at nag-iiyak ito. Wala na siyang malay noon.



Si Melvin pa ang nagbuhat sa kanya sa stretcher... umalis kaagad ang binata noon at hindi na nagpakita sa amin simula noon. Umiwas siya sa binyag ng kanyang pamangkin. Sinabi ko nga kay Jazzy na ilagay si Melvin na ninong... nakita ko ang pagtutol niya pero nakita ko namang sinunod niya ang sinabi ko.



Bakit ba kailangan niyang sikilin ang kanyang nararamdaman? Walang problema kung biyuda siya. Si Melvin na lang ang puwedeng gumawa ng paraan. Kung paano at anong diskarteng gagawin niya ay siya na ang bahala.



Hindi ako tututol. Basta't siguraduhin niyang hindi na nga iiyak si Jazzy.



"Anong mangyayari kay Jazzy ngayon?"



"Hmm, may bago ba? Parang si Leeam lang yan... and we're back to basics Honey. At least ngayon, hindi na ako mapapahiya kay Benjie. Damit lang at diaper, okay na siya. Di tulad noon kay Leeah..." Bigla kaming nagtawanan at nakita din si benjie sa amin habang hawak niya ng kanyang lolo.



Isinakay namin siya sa stroller at nag-ikut-ikot kami sa loob ng villa. Ipinasyal namin siya sa buong bakuran hanggang sa likod-bahay, hanggang sa obstacle courses ay pinuntahan namin at last stop namin sa swimming pool.



Doon naghihintay ang aming kape. Ah, I never thought that this is another day to stay with another child in the mansion. This time it's a baby boy.



"Nakita ko ang anak mo kagabi, umiinom ng beer. Puwede bang sa personal ref na lang natin sa taas mo ilagay ang mga beer mo?"



"Bakit mo na naman pinagdidiskitahan ang mga beer ko?"



"Pati kasi anak mo eh natututo nang uminom ng alak para magpaantok ."



"Ano bang problema?"



"Makibalita ka nga kay hepe kung kumusta naman si Jazzy ngayon. Isama mo na rin si Melvin."



"Sa tingin mo ba..."



"Ano sa tingin ko? OO, sa tingin ko...mahal pa rin ni Melvin si Jazzy kahit noong sabihin niyang trabaho lang at walang personalan. He could not resist Jazzy that's for sure."



"Lemuela, relax ka lang. Hayaan mo munang dumiskarte ang mga lahi ni Adan. Hindi ka dehado dahil ang anak mo ay biyuda , suwerte pa rin niya sa lalaking iyon."



Tama... Hihintayin ko na lang. Alam kong mapapalambot din ni Melvin ang puso ng anak ko. Si Jazzy pa ba? Hindi siya likas na suplada. Magiliw siya at mababaw ang kaligayahan.


THE BLACK WIDOWWhere stories live. Discover now