CRUELTY 2

99 2 0
                                    

MELVIN'S POV



Hindi ko inaasahan ang pagdalaw nina Ma'am Lemuela at Sir Justice sa bahay, kasama si Benjie. Nasa baba ako noon at nagsisikap na maglakad-lakad sana. Sa tuwing wala ng tao at wala na din si Jazzy ay nag-i-ehersisyo ako. Makirot ang aking kalamnan.



"Mabuti naman at ..." Napangiti sila sa kanilang nakikita.



"Masakit na rin po ang likod ko sa kahihiga at kauupo."



"Dapat lang...baka nakakalimutan mo ang usapan natin, Melvin." Nagkatinginan silang mag-asawa.



"Hindi ko po nakakalimutan ang usapan natin."



"So, kailan natin ito pag-uusapan?"



"Sir, bigyan pa po ninyo ako ng sapat na panahon."



"Bakit? Di pa ba umaamin...Ang hina mo naman."



Hindi ko kayang samantalahin ang pagkakataon para mapapayag ko siya pero sa tuwing pagsasalitaan ko siya ng masakit na salita, nasasaktan din ako. Minsan ay tatalikod na lang siya at magmamadaling umalis sa loob ng kuwarto at baba sa sala. Hindi niya maitatago sa akin ang kanyang malungkot na mga mata. Nandoon pa rin ang labis na pag-aalala. Ginawa ko na ang paraan para ipagtabuyan siya ngayon pero naging mapagpakumbaba siya ngayon at di niya ako pinapatulan. Kahit panay ang pagsusungit ko sa kanya ay nakikita ko pa rin siya sa bahay.



Naka-leave ako para mas maka-recover ang katawan ko sa traumang nangyari sa amin sa Mindanao.



"Magpagaling ka na ,pre...Palagi na lang si Jazzy ang kasama namin. Nami-miss na namin ang inuman natin sa Club Roman." Text ni Sgt. San Juan. "Kumusta na? Ano? Kasalan na ba ang susunod?" Madaling kutuban itong mga kasamahan ko. Bakit ko pa daw ba sinisikreto? Okay lang daw mag-asawa kahit biyuda...ngunit sa bandang dulo, lolokohin na naman nila ako. Si Jazzy daw ang bahala sa akin. Solve na ang problema ko sa kama kung sakaling di pa ako marunong. Mga hudas talaga...pinagkaisahan na naman nila ako.



Malaki na nga si Benjie. Magtatatlong taon na rin siya. Halos isang taon din kaming nagkalayo ng dalhin siya ni Jazzy sa America. Mabuti naman at umuwi siya kaagad. Sa tuwing mag-iisa ako, palagi kong naaalala ang kuwento nina Manang Marte at Manong Saiyas tungkol sa aking mag-ina. Mabubuting tao daw ang pamilya ng Lorenzo at aliw na aliw sila kay Jazzy. Hindi ko din naitago ang katotohanan sa kanila.



"Sir, bakit parang kamukha mo po ang anak ni Ma'am Jazzy kung pinsan mo lang naman pala ang naging asawa niya?"

THE BLACK WIDOWWhere stories live. Discover now