Inawat na siya ng kanyang mga kasamahan at sinamantala ko ang pagkakataon na ligpitin ang mga gamit ko. I had tendered my one-year leave but if I will not be able to comeback after a year, it is as good as resignation.



Saka ko nasulyapan ang picture frame sa ibabaw ng kanyang mesa. Pati si Mang Felix ay napahinto doon.



"Ma'am Jazzy, bakit nandito ang picture mo? "



"Ano po?"



"Ito po Ma'am o... Kamukhang kamukha ni Sir ang anak mo...Para silang mag-ama." At balang araw ay hindi na namin maitatago ang katotohanang anak nga talaga siya ni Melvin. Pagkatalikod niya ay kinuha ko ang larawang iyon. Ayokong maiwan ang anumang alaala sa kanya lalo na ni Benjie. Napaupo ako sa aking mesa at napaiyak. Ambigat sa kalooban habang masaya ang nararamdaman ko.



Nagmadali kong pinuntahan si Hepe. Sinabi kong emergency ang pag-alis naming ng aking anak. Hindi ako nagpapigil pero kinausap ko ng madalian si M/Sgt. Gaspar.



"Sir, gusto ko lang makapag-isip-isip...kayo na po muna ang bahala kay Melvin. Kung di na ako makabalik...pakisabi na lang na mahal ko siya..."At tuluyan kong niyakap ang pulis na dating sunod lang ng sunod kay Papa.Tito ang tawag sa kanya ni Leeah. Sila ang mga pulis na madalas sa mansion lalo na noong hinahanap si Ava.



"Jazzy..."



"Hindi ko po kayang ipaliwanag ngayon...Sir, aalis na po ako." Luhaan akong umalis sa opisina. Nagmadali akong umuwi. Pinaharurot ko ang kotse bago pa niya ako maabutan.




LORENZO MANSION



Buo na ang desisyon ko na umalis. Masinsinan kaming nag-uusap nina Mama at Papa sa loob ng library. Nasa kuwarto ko si Benjie at binabatayan ni Romana ng dumating si Melvin. Nagulat kaming lahat.



"Jazzy..." Lumuhod siya sa harap ko at nagmakaaawa..."Huwag ninyo akong iwan ni Benjie...Jazzy naman, making ka muna. "



"Hindi ako makikinig sa sinungaling na tulad mo..."



"Jazzy, nagawa ko iyon dahil mahal na mahal kita. Ayokong magpakasal ka Kay Benj pero mahal ko din ang pinsan ko."



""Huwag mo akong hawakan. Layuan mo ako..."



"Jazzy , please naman. HUwag mo akong iwan...Huwag ninyo akong iwan ni Benjie please...Susundin ko kahit anong gusto mo, huwag mo lang akong iwan." Humahagulgol siya sa harapan ko at hirap na hirap ako. Awang awa ako...gusto kong maiyak.



"Layuan mo kaming mag-ina. Ayaw na kitang makita."



"Jazzy..."



"Lalayuan mo ako at ang anak ko o maghaharap tayo sa korte dahil idedemanda kita for rape. Malalaman ng buong sambayanan na ang isang tulad mo ay masamang tao. Mabubulok ka sa bilangguan."



"Jazzy..." Inawat na ako ni Mama. Alam kong gusto na nila si Melvin. "Anak..."



"Mama,sorry...mahal ko siya...Mahal na mahal ko siya."



"Jazzy...akyat ka muna."



"JAZZY, HUWAG MO AKONG ILAYO KAY BENJIE, PARANG AWA MO NAAAA...HUWAG MO AKONG IWAANNN.... JAZZYYYYY..."



Para akong mabibingi sa sigaw ni Melvin sa loob ng mansion. Doon ko lang naranasan ang alingawngaw. At tinikis ko si Melvin. Humagulgol ako sa tabi ng kama , sa harap mismo ni Benjie.



"Anak, sorry kung magkakalayo kayo ni Dada. Mag-iisip lang muna si Mommy ha. Pero sasama ka sa akin ha. Lalayo muna tayo."



Hanggang sa dumating ang araw ng pag-alis naming ni Benjie. I shut off all my connections. Ayokong makatanggap ng tawag o balita mula sa Pilipinas.



Aalis ako sa pinakamasakit na paraan dahil hindi ko alam kung kailan ko palalayain ang aking mismong sarili sa aking kahibangan. Nakita ko kung gaano kasakit ang mapaglaruan ng tadhana ng ganito. Gusto ko lang makapag-isip-isip ngayon. Ayokong may madamay lalo na ang anak ko. Babalik din naman ako at haharapin ko ang panibagong buhay kasama ni Melvin.



Iyon eh kung mahihintay pa niya ako.

THE BLACK WIDOWWhere stories live. Discover now