Strings 12: The Boss

Start from the beginning
                                        

Papunta ako sa wall gallery nila sa unang palapag dala ang maliit na vacuum. Hindi ko na natapos ang paglilinis sa kwarto ni James dahil ang landi niya, bahala na siya.

Pagdating sa unang palapag, hindi ko talaga maiwasan mamangha sa dami ng picture na nakasabit dito. I lightly smiled after seeing Kuya Jupiter standing in front of a wall, "Oh. Hi Scarlet." Ngiti niya.

"Hello po, kuya." Sa kanilang magkakapatid, pinagsabihan kami ni Jamie na 'wag silang tawaging ma'am at sir, masyado daw kasing pormal. Sumusunod naman ako, pero hindi ko kaya kay James. Parang ang awkward sabihin ng pangalan niya pag 'di sa utak ko.

"Maglilinis ka ba dito?" Tumango ako sa tanong niya. Nagsimula na akong linisin ang mga litrato at hindi ko maiwasang mapansin ang tinitingnan niya, ito yung family picture nila kasama ang isang baby na hindi ko kilala.

Hindi ko maiwasang magtanong, "Sino ho ang baby na hawak ng Mommy niyo?" 

Napatigil siya sa tanong ko, kaya sa panahong iyon, nagsisi ako sa nagawa nang makita ang pag bago ng kanyang ekspresyon.

Ngumiti siya, "She's our baby sister." Napatango nalang ako at hindi na nagsalita. 

Napatay ba siya noong gabing sinabi sa amin ni Rossana? I can't believe they experienced that horror. My heart ached at nagtaasan ang balahibo ko nang mapagtantong andaming nawala sa kanila nung gabing 'yon.

"Scarlet!" Napapitlag ako nang marinig ang boses ng lalakeng kanina ko pa iniiwasan. Biglang nawala ang sakit sa puso ko sa sigaw niya, jusko naman.

Napaharap kami ng kuya sa pinanggalingan ng boses at nasa loob pa siya ng elevator, nakatayo habang naka pamewang. Anong meron?

"James, don't shout. She's here." Saway ng kuya niya pero 'di niya naman ito pinansin at naglakad parin patungo sa'kin.

"Make me a sandwich." Napataas ang kilay ko sa sinabi niya, magpapagawa lang ng sandwich sisigaw talaga?

"You can do that James. As you can see, she's doing something." Pangaral ng kuya niya. Si Kuya Jupiter nalang crush ko, mabait eh.

Sinamaan lang niya ng tingin ang kapatid, "But I want her." Sabi niya na nagpatigil sakin. 

Kung umiinom ako ngayon, siguro nabulunan na ako. He wants me?

Gaga. Para gumawa lang ng sandwich.

Ngumisi nalang si Jupiter at napatango habang inaayos ang kanyang kurbata, "Anyway, I'll leave you two kids here. I'll be having a meeting with the board in... 15 minutes." Tumingin siya sa relo niya.

"With the traffic going on, good luck arriving in fifteen minutes." Iling ni James.

"Well, I'm the boss..." Kumibit balikat ang kuya niya kaya napailing naman ang isa.

Itinaboy niya ang kapatid, "Umalis ka na."

"Okay, I got it!" Tawa niya bago bumaling sa'kin, "Bye, Scarlet."

Ngumiti ako at yumukod ng bahagya, crushable talaga si kuya, "Sige po."

"Why are you saying goodbye to her." Naiiritang tanong ni James na ikinatawa ng kuya niya. He waved his hands nang paliko na siya at nang mawala siya sa paningin namin, bumaling si James sa'kin ng tingin, "Now, make me a sandwich."

Bossy amputa. Kumunot ang noo ko, "May ginagawa pa ako."

"Makakahintay 'yan. My hungry stomach can't." Napairap nalang ako pero dahil amo ko naman siya, I went into the kitchen.

Habang naglalakad kami, napapansin ko siyang nag s-skip sa gilid ko kaya hindi ko mapigilang mapakunot ang noo, "Hindi ka talaga matino noh?"

"What?" Kumunot ang noo niya at napatigil.

"Wala." Iling ko nalang. Baka mag super saiyan naman 'to. Tsaka ayaw ko basagin trip niya.

"I want the bread toasted first." Napahinga ako ng malalim. Patience, Scar. Patience. Nandito kami sa kusina at nakaupo siya sa island counter. Nakahalumbaba habang ginagawa ko ang request niya.

"Nalagyan ko na ng palaman." Sabi ko. He wanted a peanut butter sandwich pero nang ginagawa ko ay bigla siyang mag rereklamo ng ganito.

Umiling siya na parang bata at humalukipkip, "I want the bread to be toasted first, then spread the jam."

Kumunot ang noo ko habang naglalagay ng tinapay sa toaster. Then I asked him, "Akala ko ba peanut butter ang spread?"

Kumunot din ang noo niya, "I want nutella."

Napatanga ako, ba't ang indecisive naman nito, "Gagi ano ba talaga?"

Inosente siyang ngumiti. "Pineapple jam." Napahinga nalang ako ng malalim at napaangat ng tingin sa langit. Oh Lord, give me strength. Pinagtitripan ata ako ng isang 'to eh.

"Anong gagawin ko dito?" Tanong ko sakanya habang ipinapakita ang tinapay na nalagyan ko na ng peanut butter. Paborito ko pa naman peanut butter, 'wag niyang sabihing itatapon ko 'to!

Nakatingin siya sakin at sinusundan ang bawat galaw ko, and then he smiled at bumalik sa pagkahalumbaba, "Eat it."

Bigla akong nailang. Kinagat ko nalang ang tinapay at tumalikod habang hinanap ko ang pineapple jam sa kanilang pantry. Ang maganda, parang lahat ata ng pangangailangan nila ay nandito na kaya madali lang makakuha. Sana all may 7/11 sa bahay diba.

Nang tumunog ang toaster, kinuha ko na ang tinapay at nilagyan ng palaman and I rolled my eyes after hearing him talk again, "I want it evenly spread out."

"Yes boss." I smiled at him sarcastically sweet. Nilagay ko muna 'yun sa platito bago ibinigay sa kanya. Umarte naman siya na parang isang kritiko habang inikot ikot ang platito sa kanyang harap. He hummed then took a bite on it.

"Not perfect but good." Napairap ako, it's a sandwich, not a gourmet recipe,
"I want juice."

"Anong juice?" Tanong ko habang nakayuko at tinitingnan ang mga juice sa loob ng ref. 

Nang hindi siya sumagot, tumingin ako sa kanya at napatayo ng tuwid nang makitang nakatitig siya sa sa'kin... or sa pwet ko? 

"Hoy!"

"Anything would do." Umangat ang tingin niya sakin at ngumiti. Umiling nalang ako at kinuhaan siya ng unang juice na naabot ng kamay ko. Akala ko may i-pupuna nanaman siya, pero iba ang lumabas sa labi niya, "Why do you call my siblings by their name and you call me Sir?"

Nakanguso siya habang ngumunguya, and I was flustered. Napansin niya pala 'iyon, "Ikaw po kasi ang bossing ko." Hindi ko alam kung gets niya na sarcastic iyong pagkasabi ko non, pero bigla siyang ngumiti.

"Am I the only person you call that way?" Still confused by the way he acts, tumango ako at ngumiti naman siya, mas malapad pa. "Then ako lang ang tatawagin mong Boss o Sir?"

Napangiti ako dahil sa tono niya at umiling, hindi makapaniwala kung bakit ganito siya umakto. Gusto ng special treatment ganon?

I stared at his smiley face at di napigilang tumango sa sinabi niya. 

Tumayo siya dala ang plato ng sandwich at baso ng juice, and before he left, bumaling pa siya sa'kin sabay kindat, leaving me completely dumbfounded. Luh?








¯\_ಠ_ಠ_/¯

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Where stories live. Discover now