Napatingin ako sa isang picture na kung saan si James ang nilalaman. I stared at it. Parang photoshoot kasi sa isang magazine, naka puti siyang polo at naka brush up ang kanyang buhok habang nakangisi at kumikindat. Ba't ang gwapo ng nilalang na'to?
"Scar." Nagitla ako nang marinig nanaman si Lorraine na tinatawag ang pangalan ko.
Napalingon ako sa kanila at nakitang nakasakay na sila sa elevator sa dulo ng corridor. Tumakbo ako papunta sa kanila at ngumiti, "Sorry, masyado akong nawili sa pagtingin."
Pumwesto ako sa gitna kasama si Lorraine. Nasa likod si James habang si Jamie ay nakasandal malapit sa control button ng elevator. Pagkapasok ko ay pinindot niya ang pang-apat, "We get that a lot, mga bisita namin palaging ganyan." Sabi niya na nagpangiti sakin.
Sumulyap ako sa likod at nakitang nakayuko si James. Napalingon naman siya sa'kin kaya mabilis kong binalik ang tingin sa harap.
I gulped and stared at my reflection in the elevator door, kahit hindi ako nakatingin ay nararamdaman ko siyang nakatingin sakin.
"Why do you have to look at my picture when I'm here?" I hear him say at nahigit ko ang aking hininga. Nakita niya akong nakatitig sa picture niya. Gago.
"Gosh James. Are you hitting on Scarlet right now? You're so... ugh." Irap ng kambal niyang nakahalukipkip sa tabi ko at napahalakhak siya sa likod. Yung tawa niya... mygod.
Nakataas naman ang kilay ni Lorraine sa'kin, nangaasar. Umiling ako sa kanya.
Nang bumukas ang pintuan ay napanganga uli ako, first time namin ni Lorraine dito sa fourth floor at nakakamangha parin ang interior design ng bahay na'to.
Naglalaro lang ang kulay sa gold, green, white, tan and hints of black. Ang sahig ay gawa sa kahoy at ang pader ay white marble na may specs of gold at may malalaking halaman na nakapwesto sa gilid gilid. The whole place is illuminated with warm and cool tones. Ang lamig sa mata, ang sarap tingnan.
Sinundan namin si Jamie sa pagliko liko niya and I just looked around the paintings on the wall.
"Our bedrooms are all here at nasa dulo ang office ni Dad." Lingon sa'min ni Jamie. Tumigil kami sa malaking double doors na katabi ng sitting room sa may hagdanan.
Kumatok muna si Jamie bago kami pumasok, nagtaka pa ako nang makitang andito pa ang tatlo nilang kapatid, akala ko ay may pasok ang mga 'to?
Ang loob ng office ni Sir ay halos dark brown at black. Ang lamesa niya ay nasa kanan at may dalawang upuan sa harap nito, nasa kaliwa ang malalaking cabinet at may magkabilaang shelves na puno ng libro na pinapanggitnaan ng malaking bintana sa gitna, nasa tapat naman nito ang set ng couches na umiikot sa isang coffee table.
The room smelled musky and I scrunched my nose, smelling the scent of tobacco.
Sa likod ng lamesa nakaupo si Sir Archie at nakatayo sa tabi niya si Kuya Jupiter. Sa mahabang sofa naman nakaupo si Jane at Jaceon, umangat ang mga tingin nila pagpasok namin.
"They're here." Anunsiyo ni Jamie. Tumango si Sir sa'min at iminuwestra ang mga upuan sa harap, kaya umupo kami ni Lorraine doon at lumapit sa'min si Jamie.
"This is only a safety precaution don't worry." Sabi niya nang may inabot sa'ming papel si Kuya Jupiter, nagmumuka siyang kanang kamay ng Daddy niya.
YOU ARE READING
Red Strings of Fate (Haunted Series 2)
RomanceScarlet Hope is a broke college student who applied as a maid for a rich family. Timothy James Del Valle is an agent on a mission. His secret mission is to protect her, and being their maid made it easier. Secrets and red strings interwoven too much...
Strings 11: Sir
Start from the beginning
