Strings 11: Sir

Depuis le début
                                        

"Scarlet!" Napalingon ako sa back door ng kusina nang sumigaw mula roon si Lorraine, "Pinapatawag tayo ni Sir Archie!"

Nakahinga ako ng maluwag, makakatakas ako sa nilalang na 'to. Mabilis akong naglakad palayo, pero habang naglalakad ako papasok, hindi ko mapigilang lumingon at kumunot ang noo nang maramdamang sumusunod siya.

"Parehas tayo ng pupuntahan." Sabi niya na parang nabasa ang iniisip ko sabay taas ng kilay at inunahan pa ako sa paglalakad. Nakahinga ako ng maluwag nang dumaan siya sa sliding door papuntang entrance hall.

Pagpasok ko ng bahay, sinalubong ako ni Lorraine at pinindot pindot niya agad ang bewang ko. "Anong nangyari sa inyo ni James?"

Tinapik ko ang kamay niya, "Wala." Andyan lang ang ipis sa malapit! Baka marinig niya at ano pa ang maisip non. 

Pagkapasok ay nakita naming nasa hapagkainan parin si Jamie na bumati samin at si James na nakatayo sa tabi niya. "Dad's waiting for us, let's go?" Tumay na siya sa upuan kaya napatango kami.

Sinundan namin silang dalawa hanggang sa kabilang dulo ng bahay kung nasaan ang elevator. Dumaan kami sa receiving area at lumiko pa kanan, ngayon lang ako nakarating sa parte ng bahay na'to. 

Puno ang hallway ng mga litrato nila, at pag sinabi kong puno, I meant the whole two walls are literally filled with pictures. Nakaayos itong nakapwesto at hindi pangit o magulong tingnan as it's all intricately framed.

Meron pang mga certificate and medals na naka frame din. Lumapit ako sa isa at nakitang Valedictorian certificate iyon, may katabi pang medal at ang pangalang Jupiter Kaiser Del Valle ang nakalagay. 

Nahagip ng paningin ko ang isang picture frame dahil malaki ito, bata pa ang magkakapatid na Del Valle at lahat sila ay nakaupo kasama ang kanilang Mommy at Daddy sa isang mahabang sofa. Magka-akbay ang kambal sa gilid na nakangiti, katabi ang Mommy nila na kandong ang sa tingin ko ay isang baby Jane. Katabi naman niya si Sir Archie na buhat ang batang Jaceon— na wala pang ngipin sa harapan at nakangiti ng malapad. Sa huli ay ang batang Kuya Jupiter na nakangisi habang naka akbay sa Dad niya.

Nalipat ang tingin ko sa kaliwang pader at may nakitang malaking frame din doon kagaya ng kanina, pero medyo pormal naman. Napakunot noo ako, may isa pa bang kapatid ang mga Del Valle? 

Dahil sa picture frame na tinitingnan ko, naka pwesto ang apat, (ang kambal, si Kuya Jupiter at Jaceon sa likod). Sa harap nakaupo si Sir Archie, kandong ang medyo batang Jane, at katabi nito ang asawa na may hawak na baby na mukhang ilang buwan lang ang tanda.

Lumipat na ang tingin ko sa katabing picture frame nito, ang magkakapatid lang ang magkasama. Binata at dalaga na sila dito pero kasama nila ang dalawang lalake na pamilyar na sa akin, ang kambal na si Evan at Ethan. Malalaki ang ngiti nila at magka akbay silang lahat, sa gitna nila ang dalawang babae na si Jane at Jamie.

Putik nawala sa isip ko 'yun. Mga kapatid pala 'to ng jowa ni Rossana.

Napangiti ako nang lumipat ang tingin ko sa magkakasunod na picture ng ultrasound ng magkakapatid, may doodle pa ng pangalan nila sa ibaba. Magkakasunod ito pero nagtaka ako nang may kasunod pa ang picture pagkatapos ni Jane. Tiningnan ko ang pangalan at nakasulat ang 'Jennifer'. 

Ito ba ang baby kanina? Kapatid din kaya nila? Saan na siya ngayon?

May isa pang litrato na tinitigan ko ng maigi. Andami talagang litrato at nawiwili na ako sa pagtingin, meron pang wedding pictures ng mag asawang Del Valle at ang cute nilang tingnan. 

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant