Tumango uli siya, "It's fine, at least you're courageous enough to stop someone in the house. I do have to talk to you Scarlet— Scarlet right?" Tumango ako at napangiti ng alanganin sa unang sinabi niya, "I have to talk to you and your friend Lorraine later."

Tumango nalang uli ako bago umalis roon. My heart was racing, akala ko matatanggal uli ako sa trabaho ko. Dumiretso ako sa kusina at nakita kong tumutulong si Tinang sa Nanay niya, "Good Morning Scarlet."

"Good Morning Tinang." Ngiti ko habang diretso ang lakad palabas, papunta sa kabilang bahay.

Ginising ko na ang tulog mantikang si Lorraine, dahil parang trip nitong matulog hanggang hapon. "What the fuck." 'Yun lang ang sinabi niya pagkagising sabay takbo sa banyo. Kasalukuyan siyang naliligo habang inaayos ko ang gamit niya. Yes, ganito ko siya ka baby. 

"Oy una na ko ha!" Kumatok muna ako sa pintuan ng CR bago nagsalita. Hindi ko na siya hinintay at nauna na sa main. 

Pagbalik ko sa mansyon ay nagulat ako nang marinig na ang ingay ng magkakapatid, andito na'rin sa kusina si Ate Pepay na kasalukuyang nagtitimpla ng juice sa pitcher, "Hi Ate Pepay."

Lumingon siya sakin, "Hi Scarlet."

Sumilip ako kung anong nangyayari sa dining room at nakitang kumpleto ang magkakapatid sa hapag kainan. 

May bluetooth speaker na bitbit ang bagong gising na Jane kaya nag rereklamo sa ingay si Jaceon na nasa harap niya. Si Jamie ay nakatayo sa gilid habang hawak ang isang piraso ng tinapay, naka suot siya ng gym clothes at pawis na pawis. Nakasuot ng polo na tinupi hanggang siko naman si Kuya Jupiter habang kumakain at pinapagalitan ang dalawang magkapatid na nagbabangayan. Si James... Si James ay nakatingin sa'kin ngayon.

Sa sandaling ang kanyang ginintuang mga mata ang sumalubong sa akin, nagmamadali akong pumasok sa kusina at umikot ikot sa island counter dahil biglang hindi na ako mapakali. Patong patong na ang ginagawa kong kalokohan kasama yang James na 'yan eh.

Napahinga ako ng malalim at nag pasyang lumabas para magpahangin. Dumiretso ako sa labas and inhaled all the fresh air I could get nang makasalubong ko si Lorraine na papasok. 

Napataas ang kilay niya habang tinitingnan ang hindi mapakali kong mukha, "Anong nangyari sayo?"

"Hmm? Wala naman." Sabi ko habang nagpatuloy sa paglalakad. Nakita kong sinusundan niya ako ng tingin bago napailing.

Nakita ko lang na nakatitig sa'kin ang James na 'yun naging ganito na ako?

Paglakad lakad ko ay muntikan ko pang mabangga si Ate Gie na nag didilig ng mga halaman dito sa labas. Kumunot ang noo niya sakin, "Ano ba ang ginagawa mo? Ba't ka paikot ikot? Turista ka ba? Sayang ang bayad sayo kung pasyal lang ang pinangagawa mo."

Napahinto ako. Tama nga naman siya, ano bang ginagawa ko na'to, "Ah opo." 

Pumunta ako sa pool at nagpasyang maglilinis ng mga dahon sa paligid nito. Absent minded akong paikot ikot sa pool area at hinigpitan ang hawak sa leaf vacuum nang marinig ang pamilyar na bigat ng paa.

"Scarlet." Napatalon ako ng bahagya at humarap agad sa kanya. My eyes were wide as I processed that he's in front of me in loose sando and pants.

"Bakit... sir?" Napangiwi ako. Hindi ko alam kung bakit sir ang tinawag ko sa kanya! Bigla lang iyon lumabas sa isip ko!

Nakataas na ngayon ang isang kilay niya sa'kin, "Sir?" Sabi niya parang nang aasar pa, biglang nagtaasan ang balahibo sa batok ko, anong nangyayari sakin?

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Where stories live. Discover now