Strings 30: Chaos & Depression

Start from the beginning
                                        

"Yes. You."

"Gago, you know what I mean. Don't you have important work to prioritize?"

"You think so lowly of me, Hope. I finished everything and came here as soon as I could—Though it kept me longer than it should've because people are incompetent morons."

"Anong nangyari?"

"I can't say it, baby." He looked apologetic.

Bumuntong hininga ako. "At bakit mo naman gugustuhin dito?"

Pinitik niya ang noo ko, "Bobo, ikaw nga ang gusto ko."

"Makatawag to ng bobo! Tanga."

Umirap ako pero hindi ko maiwasang mapangiti. It's our thing, this banter. Yes, we have a thing. It is sickening, and it makes my insides flutter, and no matter how chaotic my brain feels about myself, he's the only one making it stable.

Especially now that things are getting messier and threatening.

Ang araw na bumisita si TJ, pinakilala ko siya sa mga kaibigan ko at palagi niya akong hinahatid sundo sa ospital, ito ang mga pinaka normal na araw na namimiss ko.

Simula nang bumalik siya galing sa San Raigo, hindi niya ako iniiwan kung hindi ko lang siya pinipilit na umalis. Dahil nung nakaraang araw, ako at si Ate Beauty ang nagbabantay kay Lorraine—palagi niya akong sinasamahan pag pumupunta ako sa ospital na mag isa—lumabas sa balita ang nangyari at ipinakita ang sketch na ginawa ko para ma isapubliko ang identidad ng lalake.

Nagulat ako na ipinasa nila iyon sa mga reporter, pero mas nagulat ako nang malakas na napasinghap si Ate Beauty sa kwartong naririnig lang ay ang balita at ang mahinang hilik ng natutulog na Lorraine.

Taka akong lumingon sa kanya.

"Scarlet. Yung lalake sa balita, siya ang manliligaw ko."

Ang ghoster niyang manliligaw na nagsisimula ang pangalan sa letrang 'J'.

The way my heart swallowed my whole body with fear. Hindi ko maintindihan kung bakit pati staff ng mga Del Valle—ako ay target ng mga Itasaki. Ilang linggo na raw itong nanliligaw kay ate, bago pa kami umalis papuntang San Raigo. Kaya tina-target nila ako dati pa, at hindi ko alam kung para saan... dahil ba nakita nila akong kasama ni TJ?

Mabilis kong sinabi sa kanya ang impormasyon na nalaman ko. He said they'll investigate about it and we had to move away to one of their safe house on the day itself. We moved in a much secure place and he had our co-workers from their house help us so the location isn't easily disclosed. Nahihiya nga ako na dumating sila Tinang, Ate Lalaine, at ang demonyitang si Ate Gie kasama ang sandamakmak na agents.

Pero kahit anong mangyari, hindi na nawawala ang takot sa puso ko. Ang isa pang dumagdag sa bangungot ko? Kasama si Ate Beauty at Nana sa mga binabaril ng lalakeng 'yon. He brutally murders them in front of me and all I could do in my nightmares is scream.

"You're going to therapy?"

"That's nice. That's a good step, Lorry."

Isang araw bago ma discharge si Lorraine, she decided she'll undergo therapy. Masaya ako at gusto ko maki-celebrate kasama sila pero biglang tumawag si Ate Beauty na nagpabilis ng tibok ng aking puso.

Gumilid ako at mabilis itong sinagot. Simula nang nalaman kong ang manliligaw ni Ate Beauty na nagpakilalang 'Jun' ay ang lalake sa Itasaki, hindi na ako mapakali. "Ate? Anong nangyari?"

"Pula... nadulas si Nana mo." Naramdaman kong gumuho ang mundo sa ilalim ko. "Tumama ang ulo niya sa lamesa. Andito na kami sa ospital kung saan ka, sorry hindi kita natawagan agad."

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Where stories live. Discover now