Strings 30: Chaos & Depression

Start from the beginning
                                        

I was the problem. Every day, it gets harder to wake up and think that I have nothing to live for. I had to relieve that pain someplace else... so I cut. Alam kong mali at sobrang sama ng pakiramdam ko pagkatapos, to the point na hindi ko na matingnan ang sarili ko sa salamin, pero hindi ko mapigilan—because the physical pain is better than the emotional pain."

"Oh Lorry..." Marianne hugged her. "Andito lang kami. You're not alone, Lorraine. We'll always be here for you."

"Please don't do that again." Bulong ko, she looks at me with her tear-streaked face, and I hold her foot at my side. "I'm going to drag you from purgatory back here if you do."

Lorraine cried all night, and we stayed with her.


"Please, ayaw ko na pag usapan sarili ko. I'm emotionally drained, kailangan ko ng chismis to charge." Napailing ako kay Lorraine at binigay sa kanya ang binabalatan kong orange.

Bawa't araw ay papalit palit kaming apat sa pagbabantay kay Lorraine, ngayong araw lang uli kami nakumpleto. She jokes around and laughs with us but I know each one of us are still scared she'll do it again if we leave her alone.

Nung isang araw, bumisita ang mga katrabaho namin sa Casa Del Valle. Bumalik na raw silang lahat dito sa syudad... pero hindi parin ako kino-contact ni TJ.

"Pula, anong narinig ko kay Tinang na may namumuo sa inyo ng boss natin?"

Lumaglag ang panga ko at sinubo nalang ang buong ponkan sa kanyang bibig. "Girl, wag natin pag usapan ngayon."

"Anong meron?" Lumapit si Rossana at hininaan ang TV sa kwarto.

"Then when? When will it be good enough for you to be discussed?" Hindi sinabi ni Marianne na naabutan niya ako sa harap ng kwarto ni TJ, pero hindi ko rin naman binanggit na galing siya sa kwarto ni Ethan noon. Kaya tinitigan ko lang siya ng mariin para manatiling tahimik. Tumawa siya.

"You're delaying the inevitable. Anong nangyari sa inyo?" Usisa ni Lorraine habang nginunguya ng malakas ang prutas. "I have the 'I'm sick' excuse, you have to give me what I want."

Tumaas agad ang gitnang daliri ko sa kanya.

Huminga ako ng malalim at pinasadahan silang lahat ng tingin, habang nasa tabi ako ni Lorraine, nasa paanan si Rossana, at nakasiksik sa maliit na couch si Ellena at Marianne. Nagsimula akong magkwento na nalaman kong si James ang kababata ko sa San Raigo, na kaklase namin dati. Marami akong iniwan na detalye—karamihan ay tungkol sa kanyang trabaho at ang insidente sa yate.

"So what's the status?"

Lahat sila ay nag-aabang sa sagot ko sa tanong ni Lorraine. "We're... dating?"

"Why are you questioning yourself?"

"I like," love—I don't think I could loudly admit I want to be loved, how I desperately want someone to hold my wrist, kiss my palms, smile, and want me the way I want to be wanted... Like what TJ does— "Being with him, I like it so much..."

Tumaas kilay ni Rian, "I could feel a 'but' coming."

"But—it's his world. It's so overwhelming. Sino ba naman ako diba? I'm their maid. A normal person."

Sabay sabay nagsalita ang mga kaibigan ko, napailing si Ellena. "Ano ba siya? Prinsipe?"

"Ikaw si Scarlet Hope Salvacion. Minsan baliw at nakakahiya pero most of the time masipag, maalaga, at talented. Who wouldn't want you?" Sinamaan ko ng tingin si Rossana. Hindi ba niya ako pwedeng i-compliment ng walang pang aasar? "Stop being a coward, you won't achieve anything if you live in fear."

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Where stories live. Discover now