Hinawi ko ang kamay nito sakin balikat at binuksan ang aking kotse.

Kunot ang noo nito sakin ginawa.

At sa huling sulyap ko kay nilo, parang nahihinuha niya kung ano ang nangyayari sakin.

“I’m sorry.” He mouthed that word kahit na hindi ko narinig.

Sorry? Hindi siya dapat ang humihingi nun sakin.

At kahit na lumuhod sakin harapan si Rafael ay hindi na mapapawi ang sakit na naibunga niya sakin puso.

Mariing kong pinikit ang aking mga mata. At pagdilat ko’y wala na si Nilo.

Muling kumawala ang luha sakin na pilit kong nilalabanan sa harapan nito.

Tang ina nila!!

Maya maya lang ay narinig ko ang pagring ng aking cellphone. Kumunot ang aking noo dahil kay kuya jayson # yun.

“Kuya,” garalgal ang aking boses. Pero hindi iyon pinansin ng kausap ko sa kabilang linya.

“Jocel si daddy.” At ito naman ang napaiyak ng banggitin nito si Daddy.

Bigla akong nagpanic. Umayos ako ng upo at pinunasan ang luha sakin pisngi.

“Kuya what happen?”

“ Pumunta ka ng St. Lukes Jocel, nasa operating room si dad.” Tigalgal ako ng nagsalita siyang muli.

And again, dumoble ang sakit na aking nararamdaman. Pinipiga sa magkabilang panig ang aking puso.

“Daddy.” Iyon lang ang nasabi ko at patuloy ako sa paghagulhol.

//~//

Naramdaman ko ang kamay ni kuya sakin balikat. Tiningala ko siya. Kitang kita ko ang lungkot at pag-aalala sa kanyang mukha.

“ May naghihintay sayo sa labas?”

Tiningnan ko siya saglit at bumalik kay daddy. Hangga’t maari ay ayaw ko ng may nagtatanong sakin sa mga nangyari. Hindi ko pa kayang pag-usapan ang lahat.

“ Ako muna ang titingin sa kanya, papunta na rin si mommy dito.” Nagbaba ako ng tingin sa kuya ko. Hindi ko alam kung ano ang dahilan niya para manatili pa rito. Alam namin na galit sa kanya si daddy at hindi nito magugustuhan kong siya ang makikita nito.

Pero wala akong nagawa at umalis ako ng kwarto at sakin paglabas ay agad na nahagip ng aking mga mata ang grupo ng mga kalalakihan naghihintay sa hallway.

Alas kwatro na nang madaling araw at hindi ko alam kung bakit nandito sila Cyrus.  Humawi ang mga ito at sa gitna ay si Rafael na nakatakip ang mukha at tila kagagaling sa pag-iyak.

“ We heared about your dad jocel, I’m sorry about what happen.” Si Kelvin at tinapik ang aking balikat. Tango lamang ang naging pagtugon ko sa kanila. Hindi ko alam kong ano ang dahilan ng mga ito sa pagsama sama sa sandaling ito.

Hindi ako gumagalaw sakin kinaroroonan.at nang nagtama ang mga mata namin ni Rafael, muling nanumbalik ang sakit at mga pangyayari kanina.

Ngayon alam ko na ang pakiramdam ng lokohin ka ng taong mahal na  mahal mo sa kabila ng katotohanan kaya mo silang ipaglaban hanggang dulo.

Ito siguro ang naramdaman ni Anna. Nang mahuli niya ang kanyang asawa na nagtataksil sa kanyang likuran. Ang pakiramdam ni Mommy ng ilang beses niyang mahuli si daddy na nambabae.

The One that got away.....Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt