Chapter 10

74 12 0
                                    

Naririnig ko na ang pag-apak ng mga gulong sa mga bato. Nandito na siya. Makalipas ng mahigit isang oras ay nakabalik na rin siya sa wakas. Ngunit pagkarinig palang ni Steff ng pagsara ng pinto ng kotse ay agad din itong lumabas at sinalubong si Sapp.

"Sapp!", at ihampas niya sa braso. "Akala ko 'di ka na babalik eh.", mukhang nagtatampo siya.

"Sinabi ko naman kay Jade na babalikb ako eh. Hindi niya ba sinabi sa'yo?"

"Sinabi naman, pero-"

"Pero wala kang tiwala sa akin?"

"Syempre, mayro'n.", pagmamaktol niyang sagot.

"Mukhang wala akong mapagpipilian ah.", nakangiti niyang sabi.

"Dapat lang.", 'saka ngumiti na rin.

"Pumasok na tayo.", pag'aya niya.

Pasimple lang akong nakangiti habang nakatingin sa kotse ko. "Jade.", napalingon naman ako kay Sapp. "Hindi ka pa ba papasok?", tanong niya.

"Ahm. Mauna na kayo. I'll just check my car.", pagdadahilan ko.

"Tss!"

"Magkaanak sana kayo ng kotse mo.", sabi ni Steff sabay dila. At tuluyan na silang pumasok.

Binalik ko naman ang tingin ko sa kotse ko. Kunwari ay pumasok ako para kumuha ng flashlight. Sabay check ng GPS kung saan pumunta si Sapp. Ini-scan ko ang monitor at.

"Ha? Na saan na? Bakit wala? Saan pumunta si Sapp? Bakit walang trace?", patuloy lang ako sa pag-scan at naopen ko na lahat ng pweding paglagyan ng GPS niya pero wala talaga. Napatingin ako sa bahay nila Steff at kitang-kita sa bintana si Sapp. Tiningnan ko siya ng masama mula sa malayo. "Sapphire."

**

SAPPHIRE'S POV

Alam kong i-chi-check ni Jade ang GPS ng kotse niya kaya binura ko agad ang file na pweding paglagyan ng history nito. Sa pagdating ko ay kitang-kita ang excitement niyang malaman ang location ng bahay namin, kahit ano pang gawin niyang pagtago. Pagsilip ko sa bintana ay kunwari ay chini-check niya kung may gasgas ba ang kotse at may hawak pa siyang flashlight. Sa bawat paghakbang niya ay kapansin-pansin ang mabibigat na pagpadyak nito.

"Sapp, ano ba kalaki 'yung bahay niyo? Katulad ba ng bahay namin? O ng bahay nila Jade?", tanong ni Steff.

Napatingin naman ako sa kanya. "Ha? Ahm. Malalaman mo rin. Soon.", nakangiti kong sagot.

"Eih. Kailan ba kasi 'yang 'soon' na 'yan Sapp?", pagmamaktol niya.

"Soon."

"Argh. I hate you.", at inirapan ako.

Bigla namang pumasok si Jade na nakabusangot. "Oh. May gasgas ba?", salubong kong tanong.

"Wala!", pasusuplado niya.

Nilapitan naman siya ni Steff at inayos ang salamin niya. "Ano'ng nangyari sa'yo? Ayaw mo ba no'n, wala naman palang gasgas eh. Bakit parang galit ka? Gusto mo gasgasan ko?"

"Wala!", muli niyang pagsusuplado at masamang tumingin sa akin.

Pigil ang tawa na sinalubong ko ang matatalim niyang mga mata. "Oh. Ba't ganyan ka makatingin?"

"Wala nga!", at padabog na umakyat papunta sa kwarto ni Steff.

Lumingon si Steff sa akin. "Ano'ng problema no'n?", nakakunot ang noo na tanong niya. Nagkibit-balikat nalang ako sabay lumilingo-lingo biglang pagsagot. "Poor, Jaden. Masiyado ka kasing halata."

SAPPHIRE: Battle Of A Heiress [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon