Chapter 12

40 1 0
                                    

Nandito kami ulit sa bahay nila Jade para mag-prepare ng kakantahin namin bukas para sa 'First Anniversary' nina Chad at ng girlfriend niya.

"Ano kayang magandang kantahin? Gusto ko 'yung kikiligin talaga 'yung girlfriend niya pag narinig niya 'yung lyrics." pagdi-daydream ko.

"Forever is a long time
But I, wouldn't mind spending it by your side--"

"Ang cute. Sige, tuloy mo Jade."

*

SAPP'S POV

Nakapikit lang si Steff habang pinapakinggang kumanta si Jade, samantalang nakatitig naman siya kay Steff. Matagal ko na ring napapansin si Jade sa tuwing napapag-usapan si Steff. Pero ngayon, parang unti-unti ko na ring naiintindihan ang mga ikinikilos niya.

Pumalakpak si Steff pagkatapos sa huling stanza ni Jade. "Ang ganda 'di ba Sapp? Ang cute pa ng melody niya. Nakakakilig."

"Kinilig ka?" tanong ko.

"Oo naman. Lalo pa na maganda rin ang boses ng kumanta." siniko niya si Jade at napangiti naman siya. "Siguro, mas nakakakilig 'pag kinanta 'yan ni Trevor sa akin. Eeih." kilig na kilig na pag-i-imagine niya.

Tinulak siya ni Jade. "Ano ka ba Steff? Wala pang kalahating araw nang makilala mo 'yang Trevor na 'yan. Akala mo naman magiging kayo talaga."

"Bakit? Gwapo siya, maganda naman ako. Hindi ba pwede 'yon?" hindi pa rin naaalis ang kilig sa mukha niya.

"Hindi." seryoso niyang sagot 'saka nag-walk out at ibinagsak ang pinto.

Lumingon si Steff sa akin. "Anong problema no'n?" kunot-noo niyang tanong sa akin. Nagkibit-balikat nalang ako at ibinalik ang tingin sa librong hawak ko.

"Bahala kayo diyan." nakangisi kong pagsabi sa isip ko.

Kinabukasan, maaga kaming pumasok para mag-prepare sa presentation ng kaklase ni Steff. "Ano kaya ang mga mangyayari sa araw na 'to?"

"Nasa gate na siya. Ganito, kapag binigay na nung lalaking 'yon 'yung unang bulaklak, ituturo niya kayo. Kapag nakita niya kayo sigurado lalapit kaagad sa inyo 'yon. Pagkatapos ibigay niyo 'to habang kumakanta kayo. Papasok ako sa eksena 'pag patapos na ang kanta. Okay?" pagpapaliwanag niya sa mga gagawin namin.

"Chad? I prefer kung sa chorus ka papasok sa eksena. Kasi 'yung chorus 'yung may pinakaromantic na lyrics. I'm sure kikiligin siya." nakangiting advice niya sa lalaki. Nakita ko namang sumimangot si Jade.

"Gano'n ba? Sige. Salamat."

"Position ka na. Parating na siya."

Tulad nga ng sinabi ng lalaki ay agad na lumapit 'yung babae pagkatapos ibigay ang unang bulaklak at nakita kami. Nang ilang hakbang nalang siya palapit sa amin ay nagsimula na kaming kumanta. Si Jade sa guitar at vocals kami ni Steff. Unang nag-abot ng bulaklak si Steff, sunod ako at si Jade. Pa-chorus na nang kindatan ni Steff 'yung lalaki para pumasok nasa eksena.

Forever is a long time,
But I, wouldn't mind spending it by your side..

Pagkatapos ng performance namin ay umalis na ako. Late na ako sa klase ko. Hindi na rin ako nagpaalam sa kanila. Maiintindihan naman nila kasi alam nila 'yung schedule ko.

Kinagabihan, habang hinihintay namin si Steff dito sa parking lot na matapos sa huling klase niya ay mayroon akong nararamdaman. "Mukhang may mangyayari."

"Bakit wala pa si Steff?" tanong ko.

"Kaya nga eh. Tinext ko na siya na nandito tayo. Hindi rin siya nagreply. Masama na ang kutob ko Sapp. Puntahan nalang natin sa room niya." aligagang sabi ni Jade.

"'Ge." at nauna na akon lumabas ng kotse.

Nang makarating na kami sa room ni Steff ay ramdam ko nang nandito siya. At hindi nga ako nagkamali. Nadatnan namin silang nagtatawanan. Nang makita na kami ni Steff ay bigla silang tumahimik.

"Steff! Kanina pa ba natapos ang klase mo?" panimula ni Jade.

Mabibigat ang mga hakbang ni Jade papunta sa kinaroroonan nila. "Jade. Actually, na-postponed 'yung klase namin ngayong gabi kasi may emergency daw 'yung Professor namin. Sakto namang magkaklase pala kami ni Trevor sa subject na 'yon kaya nagkwentuhan nalang kami saglit." pilit ang pagngiti niya. Alam niyang may kasalanan siya.

"Saglit? Thirty minutes nang tapos ang oras ng klase mo Steff. At kanina pa kami text ng text sa iyo. Sana man lang nagtext ka sa amin na postponed pala ang klase mo at gagabehin ka sa pakikipagkwentuhan sa lalaking 'yan o kahit nagreply ka nalang sana sa mga text namin para kahit man lang hindi kami nagmukhang-tanga kakahintay sa 'yo." galit na sabi ni Jade. Hinablot niya ang kamay ni Steff at hinila. "Tara na."

"Sige Trev, bukas ulit ha. Thank you sa time. Nag-enjoy talaga ako sa kwentuhan natin." nakangiting pamamaalam niya sa lalaki.

"Saglit palang pero nabulag na siya kaagad." isip ko habang sinusundan ng tingin si Steff. At nang makalayo na sila ay nilingon ko ang kinababaliwan niya. "Trevor pala ha." nginisihan ko siya at sumunod na sa kanila.

Habang nasa byahe ay panay ay paghingi niya ng tawag sa amin. Hindi rin siya pinapansin ni Jade. "Nandito na tayo." walang ganang sabi ni Jade.

Napatingin si Steff sa labas at nakitang nasa tapat na sila ng bahay nila. "Teka, 'di ba sa bahay niyo 'yung schedule ngayon? Bakit tayo dumiretso Jade?" nagtatakang tanong niya.

"Pagod ako. Gusto kong magpahinga ng maaga. Bukas nalang tayo mag-usap." seryosong sagot niya habang nakatingin ng diretso sa kalsada. "Nagpipigil siya."

"Si Sapp, saan siya matutulog?"

"Uuwi rin ako."

"Ihahatid ka ba ni Jade?"

"Hindi. Magpapasundo ako."

"Kung gusto mo Sapp, dito ka nalang matulog sa amin."

"Gusto kong matulog ng maaga."

"Gano'n ba. Sige. Good night. Ingat kayo." at lumabas na siya. Saktong pagsara niya palang ng pinto ay agad nang pinatakbo ni Jade ang kotse.

"Ibaba mo nalang ako sa may 7/eleven malapit sa inyo." sabi ko.

"Sige."

Pagkababa ko palang ay nakita ko na ang kotse na ipinahatid ko habang nasa byahe palang kami. Sumakay na ako at nag-drive pumunta sa sementeryo kung saan nakalibing ang mga magulang ko.

Umupo ako sa tapat ng dalawang magkatabing lapida. "Ma, Pa. Sorry po ha, ngayon lang ako nakadalaw sa inyo. Marami na ang mga nangyari simula nang mawala kayo. Mama, Papa, nagkaroon na po ako ng mga kaibigan. Pero nagkaproblema po kami ngayon dahil sa isang kampon niya. Mukhang nag-uumpisa na silang kumilos, at parang gusto ko silang sabayan. H'wag po kayong mag-alala sa akin. Big girl na po ako ngayon at kayang-kaya ko na sila." Nagtagal lang ako ng ilang oras at umalis na rin pagkatapos.

Kinabukasan ay hindi pumasok si Jade. Nang sumunod na araw naman ay si Steff naman ang hindi pumasok, kaya mag-isa ako ngayong nakaupo sa loob ng library. Habang nag-iisip ay nahagip ng mga mata ko sa 'di kalayoang lamesa ang kinababaliwang lalaki ni Steff. Tumayo ako at umupo sa tabi niya. Halatang nagulat naman siya sa bigla kong pagtabi sa kanya.

"A-anong k-kailangan mo?" nauutal niyang tanong.

Hindi ako tumingin sa kanya at ipinako lang ang tingin sa librong hawak ko na animo'y nababasa. "Wala naman. Binabalaan lang kita. Lumayo-layo ka na habang hindi pa ako nakikialam. Tulad ka rin ng angkan mo." mahinang kong sabi, sakto lang na marinig niya.

Bigla siyang napatayo. "H'wag mong iinsultuhin ang angkan ko! Sino ka ba sa inaakala mo?" tila galit niyang pagsabi.

Napaisip ako sa naging reaksyon niya. Itiniklot ko ang aking libro at tumayo para umalis. Bago paman ako tuluyang umalis ay huminto muna ako sa tabi niya. "Sayang. Mukhang wala ka palang ideya. Tss!" at iniwan ko na siya. Nadaanan ko ang librarian at masama ang tingin sa kanya.

"Excuse me?" pagtawag ng librarian sa akin. Nilingon ko naman siya. "Anong nangyari? Bakit siya sumigaw?" seryosong tanong niya. Iniharap ko sa taas ang aking mga palad at nagkibit-balikat, pagkatapos ay iniwan ko na siya at tuluyan nang lumabas.

SAPPHIRE: Battle Of A Heiress [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon