Chapter 6

115 15 3
                                    


"H'wag kayong gagalaw.", mahinang sabi ni Sapp, agad naman kaming tumango sa kanya.

Naikuyom ko ang aking mga kamay sa inis, dahil sa sitwasiyon kinalalagyan namin ngayon. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko pa kayang pigilan ang nararamdaman ko sa tuwing humaharap ako sa ganitong klasing sitwasiyon at kasama ko sila. Wala akong magawa.

"Ah, mga kuya. Pwedi ho ba kaming makiraan?", biglang nagbago ang posisyon ng katawan ni Sapp at malambing na kinausap ang lalaking nasa harapo namin. Sabay naman kaming napalingon ni Steff sa ginawa niya.

"At bakit naman namin kayo paparaanin, aber?", balik niyang tanong habang tumatawa.

Bumuntong hininga si Sapp at ibinalik sa dating ayos ang posisyon ng katawan niya. "Kasi kalsada 'to."

Rinig namin ang malakas na pagngisi ng lalaki. Kasunod ay ang pagsenyas niya sa katabi niyang lalaki na  may mas malaking katawan. Pinalapit nya ito sa kaniya at may kung anong ibinulong, pagkatapos ay dahan-dahang lumapit ang binulungan niyang lalaki sa direksyon namin habang hawak ang isang mahabang bagay.

Malapit na siya sa amin. Kailangna kong makaisip ng paraan para makaalis na kami rito. At sa kaniyang tuluyang paglapit ay akmang hahablotin niya sana ang isang kamay ni Steff ngunit mabilis itong napigilan ni Sapp.

"Touch my friends and you'll dead.", seryoso at may halong pagbabanta ni Sapp.

"Ops! Chill baby. Ito na, hindi ko na siya hahawakan.", sabay bawi ng kamay nya.

"Lumayo ka sa kanya", sumunod na sabi ni Sapp.

"Okay. Ito na, lalayo na ako. Tsk!", habang umaatras pabalik sa mga kasama n'ya. "Sayang. Mukhang masarap pa naman.", pahabol niya pa nang makabalik na sa kanila.

"Teka! Bakit ka bumalik dito? 'Di ba inutusan kita na dalhin mo dito 'yung isang kasama nilang babae?", galit na bulyaw sa kanila ng leader nila.

"Ha? Ah, oo nga 'no. Nawala sa isip ko. Haha.", sabay pagtawa niya na parang wala man lang nararamdamang takot sa kausap niya.

"Wala ka talagang kwenta!", sunod na sigaw ng lalaki. Nagkibit-balikat lang naman ang kausap niya.

Napansin ko naman si Sapp na parang ini-scan ang buong paligid. Pagkatapos ay narinig ko ang mahinang pagngisi niya. "Masiyado bang maliwanag ang buwan at tila gusto niyong maglaro ng tagu-tagoan. Pwes! Lumabas na kayo diyan! Wala kaming oras makpaglaro sa inyo!", biglang sigaw ni Sapp.

Napalingon ako sa kaniya. "Sino ka?", biglang naitanong ko sa isip ko.

Marahas na tumawa ang leader nila. "Anong pinagsasabi mo diyan miss? Nababaliw ka na ba? Haha. Anong tagu-tagoan pinagsasabi mo?", 'saka sabay-sabay na silang tumawa.

"Masiyado naman yata kayong marami para mang-trip lang ng mga dumadaan dito. May inaabangan ba kayo?", tanong ni Sapp.

"H-ha? A-anong i-ibig m-mong s-sabihin S-Sapp? M-marami s-sila? J-jade? A-nong n-na'ng g-gagawin n-natin?", subrang nanginginig at hindi na rin makapagsalita ng maayos si Steff, dahil sa subrang takot.

Niyakap ko nalang siya at pinakalma. "H'wag kang matakot Steff, makakaalis din tayo dito. Okay? Nandito kami. Makakaalis tayo dito.", bulong ko sa kanya at niyakap ko nalang siya ng mahigpit.

Unti-unti namang nagsisilabasan ang mga taong nakatago sa dilim. Parami na sila ng parami. Nakapaligid silang lahat sa amin at wala man lang akong makitang pwedi naming madaanan.

"Ang galing mo naman. Akalain mo, nalaman mo na marami pa pala kami. Hahaha.", kasabay ang malakas niyang pagtawa. "Sino ka?", agad namang naging seryoso ang tuno ng kaniyang boses.

"Ako? Ako si Sapp. Kaibigan nila. Ikaw? Heh! 'Di bale, hindi rin naman kita gustong maging kaibigan. Kaya ang mabuti pa, paraanin mo nalang kami at nang makauwi na kami."

SAPPHIRE: Battle Of A Heiress [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon