Chapter 17

62 9 0
                                    

"Nakakainis 'yung prof namin. Lagi nalang ako 'yong nakikita. Ang dami  niya kayang estudyante at hindi lang ako. Duhh." pagre-reklamo ni Staff habang naglalakad kami pabalik sa parking lot.

"May mali ba sa itsura ko ngayon? Sabi kasi ng seatmate ko, gumwapo raw ako." sabi naman ni Jade.

Tiningnan siya ni Steff mula ulo hangggang paa. "Saan banda? May sira yata mata ng seatmate mo eh." sabay irap at nauna nang maglakad.

"Anong problema niya?" tanong ni Jade sa akin. Nagkibit-balikat nalang ako.

Dumeretso kami sa bahay para maghanda ng hapunan. Nagpumilit kasi sila kung pwedi raw silang makigulo sa kitchen ko. Napaka-persistent nila kaya pumayag nalang ako. Pagdating namin ng bahay ay mukhang nagkakagulo sila sa loob.

"Anong nangyayari?" tanong ko sa isang maid ko.

Nag-bow muna siya. "Pinapatawag po kayo sa opisina ni Head Mistress." nakikita ko sa itsura niya ang pag-aalala. "Ano kayang nangyayari?"

"Sige, pupunta na ko. Siya nga pala, gagamitin namin ang kitchen, pakisabihan nalang sila." muli siyang nag-bow at tumango ako. Hinarap ko sila at mukhang naintindihan naman nila ang nangyayari kaya tumango sila. Umalis na rin ako at pumunta sa opisina ni Mama Myda.

"Ma, anong nangyayari?" agad kong tanong pagbukas palang ng pinto.

"Nahuli ng mga tauhan ni Theodor ang mga pinadala nating look-out. Huwag kang mag-alala, hindi ka nila kilala at hindi nila alam ang bahay na ito. Si Mier lang ang kilala nila sa grupo." sabi niya habang pinapapakita sa akin ang kuha ng cctv kung paano sila nahuli at kung saan sila dinala.

"Put Mier on the phone." utos ko sa computer. Nag-appear sa monitor na dialing na ang number ni Mier. Pagkatapos ng ilang ring ay sinagot na niya.

"Buy all means kailangan mailigtas niyo sila as soon as possible. Naiintindihan mo ba Mier?" with all authority kong utos.

"Yes ma'am." agad niyang sagot.

"Update niyo ako sa bawat galaw niyo. Okay?"

"Yes ma'am." halatang nakangisi siya sa tuno ng pagsagot niya. "Ihanda niyo na ang kotse! May utos na ang nakakataas." pagkatapos ay pinatay ko na. "Tss! Sinabihan ko na siya tungkol doon eh." inis kong sabi.

Ngumiti si Mama Myda. "Hayaan mo na si Mier anak, namiss niya lang ang pagbibigay mo ng order sa kanya."

"Bahala siya, ang importante mailigtas niya ang mga tao ko. Alam niya ang mangyayari kapag pumalpak siya." seryoso kong sagot.

"Alam na alam niya 'yon. Takot niya lang sayo." natatawa niyang sabi.

"Sige na. Nasa baba lang ako ma. I'll keep my phone on kaya mababasa ko kaagad ang updates niyo." at naglakad na ako patungo sa pinto at lumabas.

Pagbaba ko ay nasa kusina silang dalawa at mukhang nag-umpisa na silang manggulo. Nakasuot silang dalawa ng apron. Si Jade ay busy sa paghihiwa habang si Steff ay may mini-mix. Lumapit ako sa kanila at mukhang hindi yata nila ako napansin.

"Ehem!" kunwari ay pag-ubo ko. Sabay silang natigil sa mga ginagawa at tumingin sa akin.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Steff.

"Sa pagkakaalala ko kasi, kusina ko 'to sa loob ng bahay ko. Tama ba pagkakaalala ko?" sarcastic kong balik na tanong.

"Sa pagkakaalala ko rin ay pumayag ka gamitin at manggulo dito sa kusina mo sa loob ng bahay mo. Tama rin ba ang pagkakaalala ko?" sarcastic din na balik ni Jade. Tumangu-tango naman si Steff biglang pagsang-ayon sa kanya.

SAPPHIRE: Battle Of A Heiress [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon