Chapter 24

56 5 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

Malapit na siya sa pinto nang mapansin niyang dumami ang mga kotseng nakaparada sa labas. Napahinto siya at dahan-dahan na nagtago sa gilid ng pinto. Pinulot naman niya 'yong bakal na naapak niya. Pinakiramdaman niya muna ang paligid, hanggang sa may narinig siyang yapak na papalapit sa pinto. Nang akmang ihahampas na niya sana 'yong hawak niyang bakal sa ulo ng papasok na tao ay bigla niya itong namukha ang lalaking patakbong pumasok

"Mier?" magkahalong gutal at pagtataka niyang naitawag.

Huminto ang lalaki at agad na lumingon sa likod niya. "Sapphire!" tumakbo siya pabalik.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Sapp sabay tapon sa hawak kong bakal.

Sinundan niya ng tingin ang tinapon na bagay ni Sapp. "Teka, ipanghahampas mo ba akin 'yon?" tila gulat niyang tanong.

"Sa ulo mo sana, kaso bigla kitang namukhaan, eh." sagot nito.

Huminga siya ng malalim. "Buti nalang namukhaan mo 'ko. Nakakalat na sana 'yong utak ko."

"Huwag kang mag-alala, wala kang ikakalat." sabi niya 'saka tinalikuran na siya at tuluyan nang lumabas. Samantalang sinundan nalang siya ng masamang tingin ni Mier.

"Na saan si Roberto?" agad na tanong niya sa unang lalaking nakasalubong niya.

"Roberto?" napaisip ang lalaki. "Ah, 'yong lalaking tumakbo?" agad siyang tumango. "Nasa van na siya. Kasamahan din pala namin siya at sabi niya nasa loob daw si Master." lumapit siya sa tenga niya. "Nakita mo ba siya sa loob? Idol ko kasi siya, eh. Gusto ko sana siyang makita." nakangiti nitong sabi na animo'y kinikilig.

"Anong ginagawa mo?!" sigaw ni Mier at patakbong nilapitan sila.

Agad itong lumayo sabay bow. "Sorry po, boss." matikas nitong sabi. Napangiti si Sapp habang nakatingin sa kanya.

"Mag-sorry ka sa kanya, ngayon din!" ma-awtoridad na utos ni Mier.

Tumingi ang tauhan niya sa kanya na may halong pagtatanong. Pumagitna naman si Sapp at inilahad ang kanang kamay niya. "Nice meeting you." nakangiti niyang sabi. Nahihiya man ay hinawakan ang kamay ni Sapp at nakipagkamay. Muling ngumiti si Sapp sa kanya at kinuha na ang kamay niya pagkatapos ay humarap kay Mier. "H.O. tomorrow afternoon." pagkatapos ay agad itong tumalikod at iniwan na sila.

"Boss, sino po 'yon?" tanong ng tauhan niya.

Tiningnan niya ito ng masama. "Masiyado kang usisero, ihanda mo na ang kotse nang makaalis na tayo." sabi niya at iniwan niya na rin ito.

Samantalang nagising naman ang lalaking nasa loob ng warehouse. Agad niyang tinawagan ang amo niya. "Retreat. Nandito si Mier." pagre-report niya habang ngumingiwi pa sa sakit na nakahawak sa dumudugo niyang ulo.

-

"What?!" nanggigigil na ibinato ni Olivia ang cellphone na hawak niya pagkatapos niyang makausap ang kanyang tauhan. "Turn around, now!" singhal niya sa kanyang driver. Nanginginig sa galit si Olivia habang nakatingin sa kawalan at tila malalim ang kanyang iniisip. "Someday, I will kill you, Sapphire. Just wait and see." usala niya.

Nang makabalik na sa mansyon si Olivia ay naroon na rin ang kanyang mga tauhan, kasama ang lalaking inutosan niyang kumuha kay Sapphire at kasalukuyan silang nasa likod ng bahay. Mabilis niya namang nilapitan ang lalaking inutusan niya at sinampal ng malakas.

"Moron! Paano kayo nasundan ni Mier?!" galit na sigaw niya sa harap nila. Samantalang nakayuko lang ang kanyang mga tauhan. "Mga wala kayong kwenta!" at inihagis niya sa harap nila ang vase na nasa gilid ng pasilyo.

SAPPHIRE: Battle Of A Heiress [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon