Chapter 4

55 2 0
                                    

Lagi kaming gumagawa ng mga paraan para maging connected pa rin kami sa isa't isa kahit bakasyon na. Minsan, ini-invite ko silang magbonding sa bahay at minsan sa bahay nila Steff. Isang beses, pinilit namin si Sapp na doon naman sa bahay nila, ni minsan kasi hindi pa namin nakita kung anong itsura ng bahay nila.

"Sapp, ano bang mayro'n sa bahay niyo ba't ayaw mo kahit masilip man lang namin 'yung itsura ng bahay n'yo?", curious kong tanong habang nanunuod kami ng tv sa sala. Narito kasi kami ngayon sa bahay.

"Ha?", natigil siya sa pagsubo ng popcorn at inosenting napatingin sa akin.

Umayos naman ng upo si Steff at humarap sa kanya. "Oo nga Sapp. Punta naman tayo sa bahay n'yo. Halos makabisado ko na 'tong bawat sulok ng bahay nila Jade. Pabalik-balik nalang tayo dito. Nakakasawa na."

Napalingon naman ako sa sinabi niya. Sinamaan ko siya ng tingin at tinaas ang kaliwang bahagi ng labi ko. "Kaya pala nauubos mo 'yung mga pagkain sa ref namin.", mahina kong sabi.

"S-soon. H-hindi pa kasi kayo pwedi pumunta do'n sa ngayon. I have reasons.", 'saka ngumiti siya sa amin.

"What reasons? Pwede mo namang sabihin sa'min eh. We're friends, right?", sabi ko.

"Y-yah. W-we're friends. But please 'wag muna ngayon."

"Oh c'mon Sapp. Sige na, please?", pagpapa-cute ni Steff.

"Please?", sumunod na rin ako.

Umiwas naman ang kanyang tingin sabay subo ng popcorn, 'saka nagsalita. "S-soon. I'll promise, makakapunta rin kayo do'n.", at tumingin sa amin.

"Promise?", paniniguro ni Steff habang tinitingnan siyang mabuti.

"Yah.", ngumiti siya at muling umiwas ng tingin. "Fuck that promise.", mahinang sabi niya habang marahas na nginunguya ang nasa bibig niya.

Nahuli niya akong nakatingin sa kanya, kaya marahan siyang ngumiti sa akin at muling umiwas ng tingin.

"Sino ka ba talaga Sapp?", isip-isip ko habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanya.

*

STEFF'S POV

Nang mag-collage na kami ay bestfriends pa rin kaming tatlo. Kahit iba-iba kami ng course na kinuha ay hindi pa rin nawawala ang oras namin para sa isa't isa. Kung kaya, ang bonding time namin ay ginaganap sa bahay nila Jade. 'Di hamak na mas malaki kasi ang bahay nila Jade keysa sa bahay namin. Masasabing may kaya kami sa buhay, pero hindi namin kayang tapatan sa palakihan ng bahay 'tong nerdy boy na 'to. The comparison is between mine and Jade's house only. Ito kasi'ng si baby Sapphire namin nahihiya pang ipasilip 'yung bahay nila. Mukhang nakakaangat naman sa buhay ang pamilya nila Sapphire, pero bakit kay nahihiya siyang ipakita sa amin 'yung bahay nila?

Halos gabi-gabi kami kina Jade. Doon na rin kami kasi gumagawa ng mga requirements namin sa school. Tulongan at palitan ng knowledge ang ginagawa namin. At kapag natapos na namin ang lahat ng requirements namin, magsisimula ng umingay ang buong kwarto niya. Minsan nga buong bahay pa. Hindi naman nagagalit ang mga magulang niya kahit gabi-gabi kaming nanggugulo sa kanila. Minsan, madaling araw na kasi umuuwi ang mga magulang ni Jade. Subrang hands-on talaga sila sa business nila.

Kanya-kanya kami ng mga posisyon habang ginagawa ang kaniya -kaniyang assignments.
Si Sapp, nakaupo sa kama habang nakasandal sa pader. Si Jade naman, sa sahig umupo at nakasandal sa paanang bahagi ng kama. At ako naman, nakadapa sa kama habang kinakagat ang dulo ng ballpen ko.

"Argh! Ayoko ko na!", sigaw sabay pabagsak na humiga.

"Bakit?/Anong nangyari sa'yo?", sabay nilang tanong.

SAPPHIRE: Battle Of A Heiress [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon