Chapter 23

62 6 0
                                    


Lumapit na siya sa akin at tinali ang mga kamay ko. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko para hilain na ako palabas, ngunit bigla siyang natigilan nang may umalingaw-ngaw na tawa sa buong arena.

"Tingnan ko lang kung makatawa ka pa kapag dinala na kita sa boss ko." sarcastic niyang sabi habang tinitingnan ako ng masama.

Malakas kong inagaw ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at nagpatuloy sa pagtawa. "Wait lang ha." sabi ko sa pagitan ng hindi mapigilan kong pagtawa. Sa gitna ng pagtawa ko ay napansin niyang naging tahimik ang mga taong kasama namin. Nagtataka niyang inilibot ng tingin sa mga taong narito sa loob.

"Okay, game." pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Nilingon ko ang mga leaders na nakatayo sa likod ko. "Thank you." nakangiti kong sabi. Yumuko silang lahat at bumaba na ng ring.

"A-anong ibig sabihin nito, boss Jeremiah?" gulat, takot at pagtataka ang makikita sa mukha niya.

"'Di ba sabi ko sa 'yo mag-iingat ka." tinapik siya ni Jeremiah sa balikat bumaba na. Naguguluhan man sa mga binitawang salita ng leader niya ay masama niya pa rin akong tiningnan.

"Tss. I don't think you still have the guts para tingnan ako ng ganyan." nakangisi kong sabi at pinadaanan ng aking dila ang pang-itaas kong mga ngipin habang nakatingin sa kanya. Malakas kong pinaghiwalay ang mga kamay ko at naputol ang tali.

"A-anong ibig mong sabihin?" nauutal niyang tanong habang gulat na gulat na nakatitig sa mga kamay ko habang tinatanggal ang mga putol-putol na tali na nakapulupot pa magkabilang kamay ko.

"This is my first visit after how many years and my first appearance in front of all. Hindi ko inaasahan na dahil sa 'yo 'yon, Meynard Yohan, ah, sorry, Roberto Dantes pala. Thank you." sarcastic kong pagngiti. "Loyalty. Isa 'yan sa mga rules ng organisasyong ito. And you failed."

"I-ikaw? M-master!" agad siyang nag-bow nang sa wakas ay naintindihan niya na rin.

"I heard you're the toughest opponent sa mga gang fights. Halata nga naman sa katawan mo. Okay lang ba kung subukan ko kung gaano ka katigas?"

"Opo!" mabilis niyang sagot.

Tumango-tango naman ako at sumenyas ako na dalhin sa akin ang hard vest. Pagbigay palang sa akin ay agad ko itong inilahad sa kanya. "Wear this." utos ko

"Hindi na po! Okay lang po ma'am!" mariin niyang pagtanggi.

Tumingin ako sa kanila at nakita ko pagkamangha sa mga mukha nila. Muli akong tumingin sa kanya at nilapitan siya. "Sige na, ayaw lang kita masaktan." sabi ko habang isinusuot sa kanya ang vest na hawak ko. Inayos ko ito at lumalikod. Nakakailang hakbang palang ako nang muli ko siyang hinarap at mabilis na sinuntok ang kanyang katawan. Napaatras siya at napasandal sa lubid habang umuubo.

"Sorry ha, nadulas kasi ako. Okay ka lang?" nakangisi kong tanong habang inaalalayan siyang makatayo.

"O-opo." sagot niyang sa pagitan ng pag-ubo niya. Nang makatayo na siya ay iniwan ko na siya at pumagitna.

"Tingnan niyo siyang mabuti." sabi ko sa kanilang lahat. "Okay lang naman 'yong mga side job, hindi ko kayo pinipigilan. Naiintindihan ko rin na baka nagawa niya lang 'yon kasi nga hindi niya ako kilala. Pero, ang magkaroon ng side job na pasekreto ay isang malaking pagkakamali. All of you are brothers, not by blood, but I want you all to treat and trust one another as real brothers. Trust is one of the components of Loyalty. Mahirap ba 'yon?"

"Hindi po, Master!" sabay-sabay nilang sagot. Tumango-tango at ibinalik ang atensyon sa kanya.

"Hilaw ka pa, kaya huwag mo masiyadong paasahin ang sarili mo sa mga bagay na hindi mo pa kaya. I know you have nothing to lose, but when the time I kick you from the team, you will lose your life. Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko, Roberto?"

SAPPHIRE: Battle Of A Heiress [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon