Chapter 18

54 10 0
                                    

Pagkatapos kumain ay sinamahan kong bumalik sa likod ng bahay si kuya Oscar para pakainin ang mga alaga ko. Habang nagpapakain ay hindi mapigilang mang-usisa ni kuya Oscar tungkol sa mga kaibigan ko.

"Master, parang may iba po akong nararamdaman doon sa isa mo pong kaibigan - 'yong lalaki. Patawarin mo po ako sana ako sa aking pagtatanong." pagtingin ko ay nakayuko na siya sa tabi ko.

Napangiti ako ng bahagya. "Isa po siyang assassin at kasapi ng kabilang panig." nagulat siya sa sinabi ko. "Matagal na ko na siyang nakakasama, ngunit kamakailan ko lang sinabi sa kanya ang tunay kong pagkatao."

"Ikaw po mismo ang nagpakilala, master?" gulat niyang tanong.

"Oo. Pero h'wag ka pong mag-alala, basi sa mga obserbasiyon at pagkakakilala ko sa kanya ay mayroong posibilidad na hindi manggaling sa kanyang impormasiyong makalap man nila tungkol sa akin." ngumiti ako at tinapik ang kanyang balikat. Pagkatapos ay naghugas na ako ng kamay at bumali na sa loob.

Papasok na ako nang makitang nakasandal sa gilid ng pinto si Jade. "Oh, anong ginagawa mo diyan?" tanong ko at nilampasan na siya.

"Pwede ba tayong mag-usap, Sapp?" tanong niya habang nakasunod sa akin.

"Hindi pa ba 'to pag-uusap?"

"I mean, 'yong tungkol sa atin."

"May tayo ba?" nilingon ko siya.

Napataas ang kamay niya at napakuyom ng mariin kasabay ang pag-asim ng ekspresiyon niya. Bumuntong-hininga siya ng malakas at napasinghal. "Bahala ka nga sa buhay mo!" at nilapasan niya na ako. Napakunot ang noo ko at bahagyang napangisi sa inasal niya. Pagkatapos ay sumunod na rin ako sa kanya.

Pagpasok ko sa kwarto at nag-uusap silang dalawa ni Steff at pagkakita ni Jade sa akin ay bigla siyang tumayo at lumipat sa sofa na nasa pinakagilid ng kwarto.

"Anong problema niya?" tanong ko kay Steff habang naglalakad papunta sa kama.

Nagkibit-balikat siya at kumuha ng magazine. "Baka hindi mo pinansin kaya nagtatampo sa 'yo." sabi niya habang naglilipat ng pages.

"Siraulo 'to." napatingin ako kay Jade. Lumapit ako sa kanya at tumabi. "Ano na naman po 'yong problema mo, sir?" sabay kalabit sa balikat niya. Pilit ko siyang pinapaharap sa akin pero nagmamatigas siya.

"Tss." dumeritso ako ng upo sa tabi niya at isinandal ang ulo ko sa pader habang ipinapasok ang dalawang kamay ko sa loob ng t-shirt ko sa bandang tiyan. "Nasabi mo na ba sa kanila ang tungkol sa akin?" mahina kong sabi at iginilid ang ulo ako paharap sa kanya.

Dahan-dahan siyang kumalaw at inayos ang pagkakaupo niya. "Hindi pa. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila. Kapag sinabi ko naman, tiyak gagalaw kaagad sila para siguraduhing hindi ka na makakapagtago ulit."

"Hindi ba 'yon naman talaga ang mission ng pamilya mo? At kasali ka do'n."

"Alam ko. Pero buti sana kung random girl ka nalang, hindi tulad ngayon na may pinagsamahan na tayo."

"Ano na ang gagawin mo ngayon? Kapag hindi mo naman sinabi sa kanila, mamarkahan ka nila bilang traydor sa angkan niyo."

"Alam ko rin 'yon." mahinang inuuntug-untog niya ang kanyang ulo sa katabing pader. "Hindi ko na alam ang gagawin ko Sapp."

"Umarte ka lang ng tulad ng dati." pagkatapos kong sabihin ay nagpakawala lang siya ng isang malakas na buntong-hininga.

Paggising ko ay tulog pa si Steff, nawawala naman si Jade. Naisip na baka nasa banyo lang siya. Naglakad ako papunta sa pinto palabas sa terrace para magpa-araw at mag-unat-unat na rin. Paglabas ko ay nakita ko si Jade na nakatitig sa baba. Lumapit ako para tingnan ang tinititigan niya. Pagtingin ko sa baba ay ang mga alaga ko pala ang katitigan niya.

Ini-snap ko ang aking daliri sa harap ng mukha niya. "Tama na 'yan."

Napakurap siya at tumingin sa akin. "Sila kasi eh. Ang aga-aga ang sasama makatingin sa akin. Sinabi ko na nga na hindi ako kaaway, eh." hindi ko sigurado kung seryoso ba siya o nagsusumbong ang tuno niya. Tumingin naman ako sa baba at nakitang nakatitig pa rin silang tatlo dito sa taas. Pumalakpak ako ng tatlong beses at sinenyasan na sila na umalis.

"O siya, pumasok ka na lang at baka umakyat pa sila dito para lapain ka." pagkasabi ko no'n ay kumaripas na siya ng takbo pabalik sa loob.

Pagkatapos kumain ay nagpaalam sila na uuwi muna sila para maligo at magpalit. "Walang aalis." sabi ko at umakyat pabalik sa kwarto.

"Sapp!" sabay nilang tawag at patakbong sinundan ako. Pagpasok ko sa kwarto at tumayo ako sa tabi ng aking closet.

"Bakit hindi kami pweding umalis?" pagmamaktol ni Steff. Sumeryoso naman ang titig sa akin ni Jade.

"Relax." binuksan ako ang closet ko. Sa loob nito ay mayroong isang pinto. In-enter ko ang password at bumukas na ito. Sa loob nito ay mayroong isa pang closet na kasing-lapad ng kwarto ko. Mayroon din itong sariling shower at cr sa loob.

"Wow..."

"Maraming damit diyan at undies. Mamili nalang kayo. May shower na diyan at mga tuwalya. Suit yourselves. Maliligo na rin ako."

"Paano ako Sapp?" kalabit ni Jade sa akin.

"H'wag kang mag-alala Jade, hindi ka mawawalan. Unisex ang closet na 'yan." lumabas na ako para maligo na rin.

Makalipas ang ilang minuto ay natapos na akong maligo at magbihis, ngunit hindi pa lumalabas ang dalawa. Pumasok ako para hanapin sila. Nadatnan ko silang namimili ng damit na susuotin nila. Nasa right side room ang for Ladies Wear at nasa left side room naman ang for Men's Wear. Pareho silang puro nakatuwalya pa. Parehas kong kinatok ang magkabilang salamin at napatingin sila sa akin.

"Okay lang ba kayo? Ba't an' tagal niyong lumabas?" tanong ko.

"Sapp, hindi ko alam ang susuotin ko, lahat magaganda." nakangusong sabi ni Steff habang hawak ang tuwalya na nakapulopot sa katawan niya.

"Steff, alam mo ba na may lalaki kang kasama dito?" bulong ko sa tenga niya.

"Ha?" una ay wala siyang ideya. "H-ha?!" pagkatapos ay niyakap ang sarili niya at nagtago sa gilid kung saan hindi siya makikita ni Jade.

Sunod akong lumapit kay Jade at bumulong rin. "Jade, alam mo ba na bukod sa akin ay may babae ka pang kasama dito?" tumingin siya sa akin pagkatapos ay tumingin sa baba niya at agad niya itong tinakpan pati ang dibdib niya. "Sorry, Sapp." at tumalikod siya sa hiya.

"Hayy naku, ano ba 'ng pinaggagagawa niyo't bakit hindi niyo napansin ang isa't isa dito sa loob?" nagpalipat-lipat ang tingin ko sa magkabilang bahagi. "O siya, Jaden, dumampot ka na ng mga susuotin mo diyan at magbihis ka na. Ikaw naman Steffania, bilisan mo diyang mamili at doon ka na magbihis sa kwarto. Bilis. Galaw-galaw na." sabay palakpak ko para magising sila. Dali-dali namili si Jade at pumasok na sa katabing fitting room. Si Steff naman ay halatang naguguluhan pa rin sa susuotin niya, kaya ako na ang namili para sa kanya.

"Oh, ito suotin mo." habang binibigay sa kanya ang isang blue jeans at checkered red na polo.

"Eh, ang baduy niyan Sapp." reklamo niya.

Kumuha ulit ako ng isang pares. "Ito?"

Tinitigan niya muna. "Maganda naman pero hindi ko type para sa araw na 'to 'yong kulay eh." sinamaan ko siya ng tingin at ibinalik na ang mga kinuha ko. "Bahala ka sa buhay mo." tumalikod na ako para iwan siya.

"Tapos na 'ko. Oh? Hindi pa tapos si Steff?" napatingin si Jade sa direksyon namin pagkatapos niyang makalabas ng fitting room.

"Hey, watch your eyes." sabi ko, agad naman siyang tumingin sa ibang direksyon. "Mauna ka nang lumabas, Jade."

"Okay." naglakad na siya patungo sa pinto at pasimpleng sumisilip sa loob. "Eyes." saway ko. Agad siyang tumingin ng deritso at patakbong lumabas. "Tss. Boys will always be boys." napailing nalang ako habang sinusundan ng tingin si Jade.

"Tapos ka na-- Oh, God! Steff! What are you doing?!" bulalas ko paglingon ko nang makitang hinubad niya ang tuwalyang kanina'y nakapulupot sa katawan niya.

"Relax, Sapp. Wala na si Jade. Mayroon ka rin naman nito, bakit mukhang gulat na gulat ka diyan?" tanong nito na parang wala lang sa kanya na makita ko siyang nakahubad.

Napahawak ako sa noo ko at gigil na naikuyom ang kamay ko. "Haist! Bilisan mo lang, pwedi ba?!" gigil kong nasabi.

SAPPHIRE: Battle Of A Heiress [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon