Chapter 29

28 3 0
                                    

STEFF'S POV

"Pa, bakit naman tayo kaagad umalis?" reklamo ko nang makarating na kami sa bahay.

'Oo nga, hon. Wala namang emergency na nangyari dito sa bahay, eh. Sayang naman, gusto ko pa namang makilala ang mga magulang ni Sapp." ingos din ni mama.

"Haist! Tumahimik ng kayo! Nandito na tayo, eh, 'saka pagpahingahin mo na ang anak mo." singhal niya sa amin ni mama. Pareho naman kaming nagulat sa biglang inasal ni papa.

"Hector, may problema ka ba? Kung mayro'n man, huwag mong ibuntong sa amin ng anak mo! Dapat masaya tayo sa araw na 'to, eh, pero sinira mo!" 'saka padabog na pumunta sa kwarto nila at pabagsak na isinara ang pinto.

Napabuntong-hininga naman si papa 'saka tumingin sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin at inirapan, pagkatapos ay pumunta na rin ako sa kwarto ko. Pagkasara ko ng pinto ay napabuntong-hininga ako. Sumasakit din ang dibdib ko at pakiramdam ko ay parang sasabog ito. Sa takot at pag-aalala.

Kinalma ko ang sarili ko 'saka nagbihis na ng pambahay. Saktong kakatapos ko lang itali ang buhok nang may bigla akong narinig na mga ingay galing sa baba. Nang silipin ko ay mayroong mga nakaitim na mga lalaki ang sinisira ang mga gamit sa bahay namin. Lumabas ako para pigilan ang mga ito, ngunit natigilan ako nang makita ang mga magulang ko na hawak na nila.

"Ikaw ba si Steff?" tanong lalaking nakatayo sa harap ng mga magulang ko. Tumango ako habang nakapako ang tingin ko sa mga magulang ko. Nakita kong umiling si papa habang nakatingin sa akin, samantalang umiiyak na si mama sa takot. "Sumama ka sa amin." sunod niyang sabi.

"Bakit po? Sino po kayo?" tanong ko.

"Sasama ka ba sa amin," lumapit sa sa tabi ng mama ko at itinutok ang hawak niyang baril sa ulo nito. "O pasasabugin ako ang bungo ng nanay mo?"

"Sige! Sasama ako." agad ko sabi. Nakita ko namang umiyak na ng tudo si mama.

"Ako nalang ang kunin niyo, huwag ang anak ko." pagmamakaawa ni papa sa lalaki. Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko nang marinig ko si papa.

"Hindi ikaw ang kailangan namin. Siya." sabay turo niya sa akin.

"S-sasama po ako sa inyo. Please, bitawan niyo na po ang mga magulang ko." lumuluhang pagmamakaawa ko. Sinenyasan niya ang dalawang kasama niya at agad naman nila akong hinawakan, kasabay din ang pagbitaw nila sa mga magulang ko.

Nagpadala lang ako sa kanila habang lumuluhang nakatingin sa nagmamakaawang mga magulang ko.
"Bakit ngayon pa? Bakit sa mismong araw pa na 'to?" tanong ko sa sarili ko nang mawala na sa paningin ko ang mukha ng mga magulang ko at nakalabas na kami sa bahay.

Isinakay nila ako sa kotse ay piniringan. Pagkatapos dumilim ng paligid ko ay naramdaman ko nalang na may pinaamoy sila sa akin at doon na ako tuluyang nawala ng malay.

Nagising ako sa lakas ng singaw ng babaeng hindi ko nabobosesan.

"Kill her, now!" sigaw ng babae.

"Jade, please."

Nagulat ako ng mabosehan ko ang isa pang babaeng nagsalita. "Boses 'yon ni Sapp. Ano'ng ginagawa nila rito?"

"Nawawalan na ako ng pasensya sa iyo, Xander. Dalhin siya rito!" malakas na utos ng babae. Bigla namang may humawak sa akin at hinila ako papunta sa kung saan.

"Steff!" sabay na tawag nina Jade at Sapp.

Marahas na tinanggal ng babae ang piring ko at nanlaki ang mga mata ko sa nakikita ko. Nakatayo silang dalawa sa hindi kalayuan sa amin, at may hawak na baril si Jade na nakatutok kay Sapp. Bigla nalang tumulo ang mga luha ko nang makasalubong ko ang mga tingin nila.

"Bakit kailangan pa mangyari ang mga bagay na 'to? Bakit sa mismong araw pa na 'to? Bakit?" paulit-ulit kong tanong sa isip ko.

"Now, Xander. Mamili ka. Ang buhay ni Sapphire, o ang buhay ng pinakakamahal mong kaibigan?" sabi niya at itinutok sa sintido ko ang baril na hawak niya. "Choose wisely, Xander. Tatlong buhay na ang nakataya ngayon, magdadalawang-isip ka pa ba? Iisa lang naman ang buhay ni Sapphire, eh, ipagpapalit mo 'yon sa tatlo?"

Saglit akong sinulyapan ni Jade at ibinalik ang tingin niya kay Sapp "I'm sorry, Sapp. Hindi ko kayang mawala ang mga magulang ko at si Steff." yumuko siya at mukhang nakapadesisyon na siyang kalabitin ang gatilyo.

"Wait." biglang sabi ng babaeng may hawak sa akin. "Bago ka mawala sa mundong ito, gusto kong baonin mo ang katutuhan tungkol sa pagkamatay ng nanay mo." napatingin ako sa kanya at nakangisi siyang direktang nakatingin kay Sapp. Biglang humalakhak ang babae. "Naniniwala ka ba talaga na ang asawa ko ang pumatay sa nanay mo?" nababaliw na sabi niya.

Natigilan si Sapp at namuo ang pagkalito sa itsura niya. "Ano'ng ibig mong sabihin?" tanong ni Sapp.

Muli na naman siyang humalakhak. "Sige. Total, minuto nalang naman ang natitira sa buhay mo. Ipapabunos ko na ang katutuhanan. Ako ang nagpapatay sa mama mo." Hindi nakapagsalita si Sapp.

"Haha! Kung alam mo lang, Sapphire. Nababaliw lang isipin kung gaano niya kamahal ang babaeng 'yon kahit na may sari-sarili na silang pamilya. Ayaw kong nakikitang may ibang gusto ang asawa ko kaya sa mismong araw na 'yon ay nag-hire ako ng taong papatay kay Elena. Sakto namang ipinadukot pala ng asawa ko ang papa mo. Syempre, bida-bidahan 'yong nanay mo kaya pumunta siya sa lugar para iligtas ang papa mo. Tinangkang barilin ng asawa ko ang papa mo pero humarang ang bida-bidahan mong ina. Hah! Masiyadong duwag si Theodor para kalabitin ang gatilyo ng sariling baril niya sa babaeng buong buhay niyang minahal, kaya ako na ang gumawa para sa kanya." pagkatapos ay parang baliw na siyang tumawa.

"Baliw ka." mahinang nasabi ni Sapp habang matalim siyang tinitingnan.

"Oh, dear. Stare me like that all you can." nakatawa niyang sabi.

"Stop it, Olivia!" Napatingin kaming lahat sa lalaking sumigaw mula sa taas.

"H-honey." nanginginig na tawag niya. Mayamaya ay tumingin siya kay Sapp at biglang nagbago ang kanyang ekspresiyon. "Do it!" sigaw niya kay Jade.

Napansin niyang nag-aalangan si Jade kaya inilayo niya sa ulo ko ang baril niya at itinutok ito sa direksiyon ni Sapp. Walang ano-ano ay agad niya itong pinaputok.

"I'm sorry, Sapp, kung ito lang ang tanging magagawa ko para pagbayaran ang ginawa ng papa ko."

"Steff!" sabay na sigaw nila sa pangalan ko.

Naramdaman ko nalang ang pagbagsak ng katawan ko sa sahig habang nakikita ko silang dalawa na tumatakbo papunta sa akin. Ngumiti ako kahit malabo ko na silang nakikita. At sa dahan-dahan na pagpikit ng aking mga mata ay muli kong naalala ang mga araw na nakasama ko sila, at 'yon ang mga pinakamasayang araw sa buong buhay ko. At hindi ko pinagsisisihan na nakilala ko sila na nagparamdam sa akin na masaya ang mabuhay, lalo na kung may mga kaibigan kang laging nandiyan para lagi kang damayan at samahan ka sa kahit anong trip mo sa buhay.

"Huwag kang mag-alala, hangga't nandito ako, hindi ko papayagan na bully-hin ka nila ulit... Steff nga pala. Nice to meet you, Jade, right?"
-
"Miss Alexa Sapphire Monteverde, will you marry me?... In behalf of Mister Alexander Jaden Mavrix Dela Cruz?"
-
"We will be bestfriends forever and ever. I love you, bestfriends."

"Goodbye Jade. Goodbye Sapp."

SAPPHIRE: Battle Of A Heiress [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon