Chapter 20

56 8 2
                                    

Pagkatapos ng mga klase namin ay dumeretso na kami dito sa bahay, maliban nalang kay Sapp dahil may biglaang emergency daw sa bahay nila at susunod nalang daw siya dito pagkatapos niyang ayusin ang nangyayari sa bahay nila.

"Anong iniisip mo Steff?" tanong ko sa nakapangalumbabang babae na nakadama sa kama ko. "Malapit na ang birthday ni Sapp, nag-iisip ako ng ipangreregalo ko sa kanya, kaso parang nasa kanya na rin naman lahat." at isunobsub ang mukha sa kutson. "Alam ko na! I-surprise nalang natin siya." biglang pagbangon niya.

"Ano namang isu-surprise natin sa kanya? 'Gaya ng sinabi mo, nasa kanya na ang lahat. May ka pa bang ipagsu-surpresa sa kanya?"

"Eiy. Napakanega mo talaga Jaden. Syempre, magiging iba 'yong surprise natin kasi 'yong surprise natin, with love..."

"So, ano ngang plano mo?"

"A night at the beach." puno ng excitement niyang sabi.

Tinapunan ko siya ng tingin. "Baka nakakalimutan mo na paglabas na paglabas palang ng gate nila Sapp, eh, beach na mismo ang sasalubong sa 'yo."

"Ay, oo nga pala 'no." nakanguso niyang sabi.

"How about matulog kasama ang mga tigers?" biglang sumulpot mula sa pinto si Sapp.

"Hmp. Pwedi rin 'yon, I'm sure masu-surprise talaga si Sapp no'n. Kaso paano? Nakakatako-" nanlaki ang mga mata niya nang makitang nakatayo sa gilid ng pinto si Sapp. "Kailan ka pa nakatayo diyan, Sapp?" gulat niyang tanong.

"Kakarating ko lang." sagot niya.

"So, narinig mo 'yong pinag-uusapan namin?" napalakas ang pagkasabi niya.

"Sort of. Anyway, huwag na kayong mag-abala para sa birthday ko, 'di ba nga hindi naman talaga ako naghahanda sa araw na 'yan?"

"Ehh, ngayon na alam na namin ang tungkol sa 'yo, gusto kong kahit ngayong darating na birthday mo maging happy ka." lumapit siya kay Sapp at lumingkis sa braso niya.

"I'm not a fan of surprises, Steff. And besides, happy naman ako kapag kasama kayo ah." nakangiti niyang sabi habang nakatingin kay Steff.

"Eiyy. Kilig naman ako."

Naglakad sila papunta sa kama at sabay na naupo. "Sige, let's spend the night at the beach for that day. Matagal-tagal na rin kasi simula noong huli kong punta doon." nakangisi niyang pahayag.

"What? As in a long time ago pa 'yong huli mong punta doon? Eh, kaharap lang mismo ng bahay mo 'yon ah." gulat na sabi ni Steff. Tumango lang si Sapp at nagkibit-balikat.

"Let's use my van, mayroon doon lahat ng kailangan natin for that night."

"Ow-kay!" sabay flick ng daliri niya.

Pagkatapos ng pag-uusap ay biglang naging aligaga si Steff at paikot-ikot na naglalakad sa loob ng kwarto na tila may hinahanap. Sinusundan lang namin siya ng tingin hanggang sa bigla siyang huminto at tumingin sa amin 'tapos ay biglang natumba.

"Steff!" sabay kaming tumakbo sa pinagbagsakan ni Steff.

Agad ko siyang binuhat at inihega sa kama. Niyuyogyog naman siya ni Sapp at mahinang tinatapik-tapik ang pisnge niya para magising. Mayamaya ay dahan-dahan na siyang dumidilat.

"Jade." mahinang bigkas niya sa pangalan ko habang yakap ko siya. Hindi ko alam pero bigla nalang kusang gumalaw ang katawan ko para yakapin siya nang makitang dumidilat na siya. "O-okay lang ako, ano ka ba." narinig ko ang matamlay niyang pagtawa. Binuhat ko siya.

"Saan mo siya dadalhin, Jade?" tanong ni Sapp.

"Sa ospital." at dali-dali na akong lumabas karga-karga si Steff.

Pagdating sa ospital ay hinarang ko ang isang doktor na naglalakad at sinabing unahing asikasohin si Steff. Agad niya naman kaming dinala sa isang kwarto at sinuri nga si Steff. Sinabi ko sa doktor ang nangyari at agad siyang kinuhaan ng blood sample. Mayamaya pa ay dumating na rin si Sapp, kasama ang mga magulang ni Steff.

"Anong nangyari sa anak ko?" agad na tanong ng mama niya habang hawak ang kamay ni Steff.

"Kamusta siya?" sunod na tanong ng papa niya.

"Okay na po siya tito, kinuhaan na po siya ng blood sample." matamlay kong sagot.

Hindi mapakali ang mama niya at sinusuri ang bawat parti ng katawan ng anak niya, gano'n din ang ginagawa ng papa niya. Parehas silang nag-aalala para kay Steff. Samantalang nakaupo naman si Sapp sa katabing upuan at magkahawak ang kanyang mga kamay habang nakadikip sa noo niya. Lahat kami ay nagulat at nag-aalala sa nangyari. Sana ay okay lang si Steff.

Pagkaraan ng mahigit isang oras bumalik na ang doktor na sumuri at kumuha ng dugo kay Steff. "Kayo ho ba ang mga magulang ng pasyente?" tanong niya.

Sabay silang tumango. "Opo. Ano po bang resulta doc'?" sagot ng papa niya.

"Lumabas na anemic po ang anak ninyo. Kailangan lang po na maging balance ang iron-intake niya everyday, less stress, and enough sleep." at naglabas siya ng lapel at ballpen 'saka nagsulat doon. "Ito 'yong mga gamot na bibilhin niyo. Bukas, pwedi na rin naman po siyang lumabas." sabi niya habang inaabot ang kapiraso ng papel sa mama ni Steff.

"Salamat po." sabi namin at nagpaalam na rin siya.

"Tita, akin na po 'yong resita, ako na po ang bibili." pagpre-presenta ko habang nilalahad ang isang kamay ko.

"Salamat iho." binigay niya na sa akin ang papel. Agad naman akong lumabas bilhin ang mga gamot na kailangan ni Steff.

Pagkatapos kong bumili ng mga gamot niya at dumaan muna ako sa supermarket para bumili ng mga pagkain namin. Dumaan na rin ako sa malapit na fruit stand at bumili ng mga prutas. Pabalik na ako sa ospital nang may naramdaman akong parang nakatingin sa akin, at paglingon ko ay may nakita akong babae na nagulat sa paglingon ko kaya bigla siyang napatalikod. Hindi ko nalang pinansin 'yon at nagpatuloy na pabalik sa kwarto ni Steff.

"Nakita mo ba siya, Jade?" salubong na tanong ni Sapp pagbukas ko palang ng pinto.

Napaisip ako itinanong niya. "Sino?"

"Ah. Wala. Sige, lalabas muna ako. Magpapahatid lang ako ng tutulogan natin dito." sabi niya lang at tinapik ako sa balikat 'saka lumabas na.

Pagbalik niya ay may kasama na siyang dalawang babae na may dalang mga paper bags. Pagpasok ng mga kasama niya ay nag-bow silang tatlo sa akin at pati na rin gawi ni Steff. Nakita kong nagtaka ang mga magulang ni Steff at nakatitig sa tatlong babaeng pumasok. Nagtataka man ay bahagyang yumuko rin sina tito at tita sa kanila.

"Sino sila iha?" tanong ng mama ni Steff kay Sapp.

"Ah. Mga kasama ko po sa bahay tita, nagpahatid lang po ako ng mga matutulogan natin." sagot niya.

"Hindi ba kayo uuwi?" nagpalipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa. "Maiiwan naman kami dito ng tito niyo, pwedi na kayong umuwi mga anak."

"Oo nga, nandito naman kami ng tita niyo para magbantay kay Steff, umuwi na kayo para makapagpahinga kayo at may pasok pa kayo bukas," sabi naman ni tito.

"Sige na, okay lang kami dito." dahan-dahan nila kaming itinutulak palabas ng kwarto.

Paglabas ay sumunod na rin sumunod na rin ang tatlong kasama ni Sapp. Tumango-tango sila tito at tita sa amin at sinusundan lang ng kanilang mga tingin habang papalayo kami sa kwarto ni Steff.

Paglabas ng ospital ay dismayado akong tumingin sa pinto nito bago tuluyang umalis. "Sapp, uuwi na ba talaga tayo?" matamlay kong tanong habang sinisipa-sipa ang mga batong nadadaanan ko. Hindi sumagot si Sapp kaya itinaas ko ang ulo ko at natigilan ako nang makita siyang nakatayo sa tabi ng isang malaking van.

"Sino may sabing uuwi tayo?" at binuksan niya ang pinto ng van. Tumambag sa harap ko ang laman ng sasakyan. Mayroong kama sa loob at mga kagamitan na animo'y maliit na bahay. "Hali ka na." sabi niya at nauna nang pumasok.

Pagpasok ko ay namangha ako sa loob nito. Pagsara ko ng pinto ay biglang nagsilabasan ang mga monitor. "Wow." napanganga ako sa nakikita ko. Kitang-kita sa isa sa mga monitor ang loob ng kwarto ni Steff at hallway sa labas nito.

"Sapp," humarap ako sa kanya habang nakathumbs-up. "You're the best." nakangiti kong sabi.

SAPPHIRE: Battle Of A Heiress [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon