Chapter 32

52 6 0
                                    

Binuksan na ni Sapphire ang kahon. Tumambad sa harap nila ang maraming papel at ilang mga notebook.

Napukaw ang tingin ni Sapphire nang makita ang pangalan niya na nakasulat sa isang puting envelope, gano'n din naman kay Jade. Agad namang dinamput ni Jade ang envelope na may pangalan niya at binuksan ito. Agad naman tumabi si Sapphire sa kanya.

"Jade. Masaya ako na nakilala kita at naging malapit na kaibigan. Thank you sa mga panahon na nagtiwala ka sa akin bilang kaibigan mo. Isa ka sa mga dahilan kung bakit naging masaya ang mga araw ko at paminsan-minsan ay nakakalimutan ko ang mabigat kong pinapasan sa loob ko.
No'ng una kitang makita na binubully nila Max, alam mo bang natawa ako no'n? Haha. Napansin ko kasi na parang umaarte ka lang na maging kawawa sa ginagawa nila. And yes, over the years na magkasama tayo ay alam kong alam mo na isa 'yan sa mga katangian ko- ang makapansin ng maliliit na mga bagay. Kaya naman, 'gaya ng ginawa mo ay umarte rin ako na ipagtatanggol kita mula sa kanila. Sa mga oras na 'yon ay naisip ko nang magiging weird ang buhay ko sa oras na makialam ako sa inyo. Sincere ako na maging kaibigan ka, Jade. Kaya ano man ang itinatago mo ay nangako akong hindi magbabago ang pagkakaibigan nating dalawa.

A year later, mas marami akong napapansin na kakaiba sa mga ikinikilos mo. Out of curiosity ay nag-background check ako tungkol sa 'yo. And I found out na isa kang assassin under the Hadenburgh Clan. Sa mga oras na 'yon, nakaramdam ako ng matinding pagsisisi, Jade. Sana pala hindi ko na inalam kung sino ka talaga.

Pero hindi. Nangako ako na hindi magbabago ang pagtingin ko sa 'yo. Nararamdaman ko rin na iba ka sa kanila, kaya pinili ko na magtiwala nalang sa 'yo. I know someday, sasabihin mo rin sa akin ang tungkol sa 'yo. Kung sakaling mali man ang naging desisyon ko, ako na ang bahala do'n. Basta, maghihintay ako, Jade. I know someday sasabihin mo rin sa akin ang totoo mong pagkatao, at may tiwala ako na darating ang araw na 'yon. Hopefully, sana buhay pa ako. Haha. Dongdam!"

"Ibig sabihin ay matagal na niya palang alam kung sino at ano ako?" gulat na napangiti ni Jade pagkatapos mabasa ang nilalaman ng sulat ni Steff para sa kanya.

Pagkatapos mabasa ang sulat ni Steff para kay Jade ay bumakas sa mga mukha nila ang magkahalong gulat at pagkalito. Si Sapphire naman ang kumuha ng envelope at agad itong binuksan.

SAPPHIRE: Battle Of A Heiress [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon