Chapter 21

55 7 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Any update?... Okay, just make sure na hinding-hindi sila mawawala sa paningin mo. Alam mo kung anong mangyayari sa 'yo." pagbabantang sabi ng isang babaeng nakapostura at nagkukubli sa gilid habang may kausap sa kanyang cellphone. Matangkad ito at may magandang hubog ng katawan, maputi at makinis ang kanyang balat. At sa kanyang taglay na ganda ay hindi mo iisiping may edad na ito.

"Sino 'yon, hon?" tanong ng isang lalaking nakatayo sa likuran niya. Matangkad rin ito at may makisig na na pangangatawan. Hindi katulad ng babae ay simple lang ang kanyang suot. Ripped blue jeans at black long sleeves. At kanyang kagwapohan ay hindi rin maiisip na medyo may edad na rin ito.

Gulat na humarap ang babae at dahan-dahang ibinababa ang kanyang cellphone mula sa kanyang tenga. "Nothing." ngumiti ito. "Sorry to keep you waiting. Let's eat?" yaya nito 'saka inilingkis ang kanyang kamay sa braso ng lalaki at naglakad na sila patungo sa kanilang dining kung saan naghihintay ang kanilang anak.

Umupo na ang mag-asawa at nag-umpisa na rin silang kumain.

"Kamusta naman ang paghahanap mo sa anak ni Elena, hon?" tanong ng babae habang naghihiwa ng karne sa kanyang plato.

Bumuntong-hininga ang lalaki. "Wala pa rin. Pero siguradong buhay siya basi nalang sa kung paano kumilos ang mga tauhan ni Mier." sabi nito.

"Ano naman ang gagawin kapag nakita mo na siya?" tanong ng babae.

"Alam kong sa panahon ngayon ay hindi na maaari ang binabalak ko noon na amponin siya, pero ang gusto ko lang sana ay mapalapit sa kanya at humingi ng tawad tungkol sa nangyari sa kanyang ina." malungkot sa sagot ng lalaki.

"Bakit 'di nalang natin siya ipakasal kay Kyle, besides, they are both mafia's heirs. Although she's older than our son, you know honey age doesn't matter these days. And it's like hitting two birds with one stone. We can keep our name and she can be part of our family. Siguro naman papatulogin ka na ng kunsensiya mo no'n?"

Saglit na nag-isip ang lalaki habang ngumunguya. "I don't think so, Olivia. I mean, yah, I like the idea that she will be part of our family, but I think it's too much to think of like that."

Nangisi ng bahagya ang babae. "Why? 'Di ba nga binalak mo siyang amponin noon? Bakit nag-aalangan ka na ngayon, hon?"

"I don't know. Naisip ko lang na baka hindi niya rin magustohan ang alin man sa mga ideyang 'yon." at nagkibit-balikat.

"Bakit mo naman naisip 'yon, hon?" pagpupumilit niya. Natigilan ang lalaki at kinuha ang baso na may lamang tubig sa kanyang tabi, at uminom.

"Because he killed her mother, remember?" biglang pagsagot ng kanilang anak habang nilalaro ang tinidor sa kanyang mga daliri.

"I told you that was an accident. I didn't really mean what I did." seryosong pagsabi ng lalaki habang derektang nakatingin sa kanyang anak.

Sinalubong ni Kyle ang mga nagbabantang mga tingin ng kanyang ama. "Whether, you mean it or not, it's still doesn't changed that you were the one who caused her death." mariin nitong pagsabi.

Hinawakan ng kanyang ina ang kamay niya. "Stop it, Kyle." pagsaway niya.

Biglang tumayo si Kyle. "Bahala kayo sa buhay niyo." at iniwan ang kanyang mga magulang.

"Kyle Clynton! Bumalik ka dito!" galit na utos ng kanyang ama, ngunit hindi niya ito pinandin at nagpatuloy lang sa kanyang paglalakad. Mabibigat ang kanyang mga hakbang habang umaakyat sa hagdan patungo sa kanyang kwarto.

Hinawakan ni Olivia ang kamay ng kanyang asawa. "Calm down, honey. Hayaan mo nalang siya." kalmadong sabi nito.

Marahas siyang nilingon nito. "Hayaan? Kaya lumalaking bastos 'yang anak mo kasi lagi mong kinukonsinti." malakas na sabi niya 'saka tumayo at iniwan ang kanyang asawa.

Samantala, inis na ibinato ni Kyle ang kanyang unang nahawana sa pagpasok niya sa kanyang kwarto. Kinuha niya ang kanyang cellphone sa bulsa ng pantalon niya at ini-dial ang numero ng kanyang kaibigan.

"Where are you?... Okay, I'll be there." ibinaba na niya at nagbihis na siya.

Pagbaba niya ay nakasalubong niya ang kanyang inang mula sa kusina. "Where are you going, son?" tanong nito.

"Somewhere, far from here." seryosong sagot niya at nagmadali nang umalis. Wala na ring nagawa ang kanyang ina kaya sinundan nalang siya nito ng tingin hanggang makalabas na siya sa pinto ng kanilang bahay. Kinuha niya ang kotse niya at nag-drive papunta sa lugar kung na saan ang kanyang kaibigan.

Pagkarating niya sa lugar ay agad namang may mga sumalubong sa kanyang mga sexy at magagandang babae. Ngumiti siya at inakbayan ang dalawa dito pagkatapos ay pumasok na sila sa bar. Pagpasok niya palang ay agad siyang nakita ng kaibigan niyang si Spencer. May kasama rin itong mga sexy at magagandang babae habang sinasalubong ang kaibigan.

Nag-hand greetings sila at lumapit sa tenga niya. "Let's talk outside." sabi ni Kyle habang hindi binibitawan ang kamay ni Spencer.

Pagkalas ay ngumiti si Spencer at tumingin sa mga nakapaligid na babae sa kanila. "Excuse us, ladies." at inakbayan si Kyle papunta sa labas.

Pumasok sila sa kotse ni Kyle at nag-usap. "Kamusta?" pag-uumpisa ni Spencer sa usapan.

Ibinaba ni Kyle sandalan ng kanyang upuan at nahega. "This time, they want me to marry some random girl." sabi niya habang inilalagay ang dalawang kamay sa likod ng kanyang ulo. "It's my mom's idea."

"And your dad?"

"He's hesitant about it. But I still remember how eager he was to adopt that girl."

"So, you mean, your mom wants you to marry THAT girl that your dad's been searching for? Is she really alive?"

"Sabi niya, sigurado raw siya na buhay 'yong babae. Days ago, may nahuli ang mga tauhan namin na nag-i-ispiya sa bahay at pati na rin sa kumpanya. Dinala sila isang warehouse para pagsalitain kung sino ang nag-utos sa kanila, pero bigla nalang lumitaw si Mier at mga tauhan niya para iligtas ang mga nang-ispiya sa amin."

Bahagyang napangisi si Spencer at inayos ang kanyang pagkaka-upo. "Buhay pa pala si Mier."

Bumangon si Kyle at marahas na tinitigan ang kaibigan. "Don't fool me, dude, I know what you did. You better report to me now." seryoso nitong pagbabanta.

Tumawa si Spencer sabay palakpak ng kanyang mga kamay. "Ahh, 'yon ba? Wala 'yon Kyle, ano ka ba. Haha."

"Sige, I'll ask Trevor myself." at akmang kukunin na niya ang kanyang cellphone nang pigilan ni Spencer ang kanyang kamay.

"Okay, okay, you win dude." ibinaba ni Kyle ang kanyang tingin sa mga kamay ni Spencer na nakahawak sa kanya. Agad namang binawi nito ang kanyang kamay. "I accidentally saw tita Olivia last a couple of weeks, meeting someone at a restaurant. I know she's an assassin under your family. She reported that one of her son's friends looked suspicious, so she hired someone to follow his son secretly, and found out something that really caught your mom's attention." tumigil ito sa pagki-kwento at tumingin ng deretso kay Kyle.

"What?"

"Sapphire." halos pabulong na pagsagot nito,

"Sapphire." biglang nag-iba ang ekspresyon ng kanyang mukha. "Sapphire? Alexa Sapphire Monteverde?" gulat nitong sabi. Tumango naman si Spencer bilang pagkumpirma sa sinabi ng kaibigan.

Marahas na tumawa si Kyle at napahega. "So, my mom found her." nagpatuloy lang ito sa kanyang pagtawa na animo'y nababaliw na.

Nakanganga namang nakatitig si Spencer sa kanya. "You're happy that she finally found her?" nagtatakang tanong nito.

Biglang tumigil sa pagtawa si Kyle at marahas na nilingon si Spencer. "Mukha ba akong masaya?!" malakas nitong sabi kasabay ng muling pagbabago ng kanyang ekspresyon. Kanina ay nakatawa pa ito, ngayon ay naging seryoso na at nakakatakot.

SAPPHIRE: Battle Of A Heiress [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon