Chapter 28

39 4 0
                                    

JADE'S POV

Pag-uwi ko ay agad akong sinalubong ni mom sa pinto palang ng bahay.

"Alexander, I have something to tell you. Follow me." utos niya at agad na tumalikod.

Pumasok na ako at nakita kong nasa sala na rin si dad. Mukhang malalim ang kanyang iniisip na nakaupo at nakatingin sa kawalan.

"Ano'ng nangyayari, mom?"

"We have something to tell you, son."

"O-kay, ano po 'yon?" tanong ko. "Alam na kaya nila?"

"Sapphire is the missing mafia heiress na matagal na nating hinahanap, Xander." tila kinakabahan niyang sabi. "So, hindi pa nga nila alam na alam ko na."

"Sapphire? As in si Sapphire na kilala natin?" kunwari ay gulat kong tanong.

"Yes, son. Siya nga." sagot ni dad.

"K-kailan niyo pa po 'to alam?"

"Three years ago, Xander." at tuluyan nang naluha si mom, agad naman siyang dinaluhan ni dad at inalalayan.

"Three years ago at nilihim niyo sa akin 'to? Hah. Wala man lang pala akong kaalam-alam na subrang lapit lang pala ng hinahanap natin. Eh 'di sana matagal nang tapos ang mission niyo, bakit niyo pa pinatagal ng ganito?"

"Sinabihan kami ni Madam Olivia na kapag may impormasyon na kami tungkol sa heiress ay siya ang una naming pagsasabihan. Akala namin noon ay tanggap na niya si Sapphire na maging parti ng pamilya nila, kaya sinabi ko sa kanya ang tungkol sa kaibigan mo. Sinabi niya na tutulong siya at kinumbinsi niya kami na siya na ang bahalang mag-confirm sa suspicion ko tungkol sa kaibigan mo habang hiwalay naman naming hinahanap rin ang heiress. Hindi namin alam na nag-hire pala siya ng tao galing sa labas para mag-ispiya sa kaibigan mo."

"Wait, kumuha siya ng tao galing sa labas? Bakit galing sa labas pa, marami tayong pweding pagpilian niya. Ako? Pwedi naman ako, eh, mas malapit ako. You know I always wanted to be recognize as one of you, 'di ba?"

"Alam namin 'yon, anak. Pero sa labas kumuha si Madam dahil baka mahuli siya ng asawa niya. Alam mo naman na nasa kay Sir Theodor ang loyalty ng lahat ng mga tauhan nila at kasali na kami do'n anak, Ayaw niyang malaman ni Sir na nahanap na ang heiress."'

"Bakit?"

"Because Sapphire is Elena's daughter. Siya ang una at huling babae na minahal ni Sir Theodor. Arranged marriage lang naman ang nangyaring kasal nila ng asawa niya ngayon at hindi niya talaga ito minahal. Alam 'yon ni Madam Olivia kaya gusto niyang mawala na rin si Sapphire katulad ng ina niya. Hanggang isang araw, narinig ko nalang na ipinadukot niya pala ang kaibigan mo, ngunit hindi nila rin siya nagawang makuha dahil natunugan ang plano nila  ng grupo ni Mier at sumugod sa warehouse kung saan dinala si Sapphire."

"Dinukot?"

"Nalaman rin ni Madam Olivia na alam na namin ng daddy mo ang totoo kaya pumunta siya dito mismo sa bahay natin para patahimik kami at nagbantang ipapapatay ka niya kapag sinabi namin kay Sir Theodor ang tungkol sa kaibigan mo. Natakot lang kami anak na may gawin siya sa 'yo kaya itinago namin sa iyo ang nalalaman namin."

"Pero kahit na po, sana sinabi niyo pa rin sa akin. Did you really think that I'm not yet capable to handle that kind of situation?"

"She called me. She wants to meet you, anak." tila kinakabahan niyang pagsabi.

"She wants to meet me?" ulit kong tanong.

"Yes, it's true, darling." bigla kaming napatingin sa nagsalita galing sa pinto.

"Madam." sabay na sabi ng magulang ko at nag-bow.

"Siguro ay hindi mo pa ako kilala. Let me introduce myself to you, young assassin." nakangiti niyang sabi. "I'm your Madam Olivia, your Sir Theodor's loving wife. Nice to finally meet you." tiningnan niya ang hawak kong toga. " Oh. I see, mukhang kakagaling mo lang sa graduation. Perfect timing, I think it's your time to prove yourself as one of your clan, Alexander?'

"Please, Madam Olivia, leave our son alone. Nangako naman po kaming hindi namin sasabihin kay Sir Theodor ang nalalaman namin." nagmamakaawang sabi ni dad.

"Relax, wala akong gagawin sa kanya, eh. Apparently, I have a special mission exclusively for your son. Gusto kong siya mismo ang gagawa ng gusto kong mangyari."

"Ano'ng mission?" tanong ko.

"Simple lang naman ang gagawin mo, darling. Dalhin mo siya sa akin na hindi nalalaman ng mga peste niyang mga tauhan, lalo na ni Mier. Kaya mo bang gawin 'yon, Alexander? This is your chance to prove to your parents that you are capable already to join them. I'll give you 48 hours to do that."

"Paano 'pag hindi ko siya nadala sa 'yo within 48 hours?"

"Then you will lose both of your parents. Ayaw mo naman sigurong mangyari 'yon, 'di ba?" nakangisi niyang sabi.

"Shit!" napamura ako sa isip ko. Napalingon ako sa mga magulang at nakatingin din sila sa akin.

"Good luck." nakangiti niyang sabi bago tumalikod at nagsimula nang maglakad papunta sa pinto. Bago lumbas ay lumingon pa siya. "Your timer starts now. Remember, 48 hours." at tuluyan na siyang lumabas.

Paglabas niya ay bigla akong nakarinig ng pagbagsak. Paglingon ko ay nakita ko si mom na nakaupo na sa sahig at nakatulalang lumuluha. Agad akong tumakbo sa kanila at tinulungan itayo si mom.

"I'm sorry, anak. It's all my fault. Sana ay hindi ko nalang sinabi sa kanya ang tungkol sa kaibigan mo. This is all my fault." lumuluhang sisi niya sa sarili ng aking ina.

"Huwag mong sisihin ang sarili mo, Haden. Pareho nating inakala na matatanggap na niya ang anak ni Elena. Hindi mo naman ginusto na ganito ang mangyayari. Hayaan nalang natin ang anak natin ang gumawa ng desisyon niya. Let's trust our son." pagpapakalma ni dad kay mom.

"Alam kong naging matalik na kaibigan na talaga ang turing mo kay Sapphire, anak, nararamdaman ko. We will respect whatever your decision." kalmadong sabi naman ni mom.

"No! Hindi ko papayagan na may gawin siya sa inyo. Never." mariin kong pagtutol at umalis.

Pagpasok ko sa kotse ay nanginginig kong naikuyom ang aking kamao sa subrang galit. "Mabili ka, Jade." usal ko.

Mayamaya ay nakapag-isip na ako. Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number ni Sapp.

"Hello, Sapp. Pwedi ba tayong makita ng tayo lang dalawa?... Iti-text ko sa iyo ang address... Sorry, Sapp." ibinaba ko na kaagad.

Pagkatapos ay itinext ko na sa kanya ang address. Ini-start ko na ang engine at nag-drive papunta sa lugar kung saan kami magkikita.

SAPPHIRE: Battle Of A Heiress [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon