Chapter 30

32 4 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Hello, Sapp. Pwedi ba tayong makita ng tayo lang dalawa?"

[Bakit Jade? May nangyari ba?]

"Iti-text ko sa 'yo ang address."

[Okay.]

"Sorry, Sapp." Pagkatapos niyang ibaba ay agad na niyang itinext kay Sapp ang address.

Magkasunod lang na nakarating sa tagpuan sina Jade at Sapphire. Isa itong lugar kung saan walang ibang tao at tanging silang dalawa lang ang tao. Ito ay sa sementeryo kung saan nakalibing ang parehong magulang ni Sapphire.

Pareho silang naupo sa lupa. Dinukot ni Jade ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa at nag-type.
Makalipas ang ilang minuto ay bigla namang tumunog ang cellphone ni Sapphire ng sunod-sunod.

Xander;

[ Matagal na pala nilang alam na ikaw ang heiress na matagal na nilang hinahanap, pero hindi nila ni-report kay Theodor kasi pinagbantaan sila ni Olivia na kapag sinabi nila sa asawa niya na nakita ka na nila ay ipapapatay niya ako. Pero hindi pa nila alam na alam ko na rin. ]

[ Pumunta si Olivia sa bahay kanina. Binigyan niya ako ng special mission at sabi niya ay ako lang daw ang pweding gumawa at makakagawa ng mission na 'yon. Gusto niyang dalhin kita sa kanya, kung hindi, ang mga magulang ko naman ang ipapapatay niya. Binigyan niya ako ng  48 hours para dalhin ka sa kanya. ]

[ Mukhang may inutusan din siyang sumunod sa akin. ]

Biglang naikuyom ni Sapphire ang kamao niya pagkatapos mabasa ang mga text ni Jade, samantalang si Jade ay nakayuko lang at nakatitig sa cellphone nito. Tumingin si Sapphire kay Jade nang biglang may nahagip ang mga mata niya sa 'di kalayuan at mabilis itong nagtago. Naisip niya kaagad na ito ang tinutukoy ni Jade na inutusan ni Olivia na sumunod sa kanya.

Xander;
[ Hindi ko alam kung tama itong ginagawa ko, pero buhay na ng mga magulang ko ang nakataya, Sapp. ]

Nakita ni Sapphire na lumuluha na si Jade. Bakas ang pagkaawa sa mukha ni Sapphire habang tinititigan ang kaibigan. Matagal niya itong tinitigan, at makalipas ang ilang sandali ay inilipat niya ang tingin sa mga lapida ng kanyang mga magulang. Sa mga oras rin na 'yon ay nakapag-isip na siya.

"Tss. Hindi naman siya ang kailangan ko, pero lagi siyang nakikialam." mahina niyang sabi. "Mukhang panahon na rin para magkita-kita kami, at nang matapos na ang laban na matagal ko nang pinaghahandaan." muli ay mahina niyang sabi habang inaayos ang mga bulalak na nakapatong sa lapida ng kanyang mga magulang.

"A-ano'ng ibig mong sabihin, Sapp?" gulat na napatingin si Jade sa kanyang kaibigan. Alam niya ang ibig nitong sabihin pero hindi niya inaasahan na maririnig ito ngayong araw.

Lumingon si Sapphire sa kanya at walang ekspresiyon siyang tinitigan. "You know what I mean, Xander."

"Nga-ngayon na?" gulat na tanong ni Jade.

Nagkibit-balikat lang si Sapphire. "Papatagalin pa ba natin 'to?" sabi niya. "Just prepare yourself, Jaden. Alam kong hindi lang 'yan ang ipapagawa niya sa 'yo." dagdag niya.

Naisip na kaagad ni Sapphire kung ano ang susunod na ipapagawa ni Olivia kay Jade pagkatapos nitong madala si Sapphire sa kanya. Nakabuo na rin ng plano si Sapphire at itinext ito kay Jade.

"Tara." yaya ni Sapphire at tumayo na.

"Sige." sumunod naman si Jade.

Naunang naglakad si Sapphire at nasa likod niya naman si Jade. Habang naglalakad ay biglang lumuhod si Sapphire para ayusin ang sintas ng kanyang sapatos. Biglang pinalo ni Jade sa batok si Sapphire at nawalan ito ng malay. Bago pa man matumba ay agad niya itong sinalo at binuhat papunta sa kanyang sasakyan. Ipinasok niya na si Sapphire sa likod na compartment ng kanyang sasakyan at palinga-lingang nililibot ng tingin ang paligid. Pagkatapos ay mabilis din siyang sumakay at nag-drive.

SAPPHIRE: Battle Of A Heiress [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon