Chapter 25

46 5 0
                                    

SAPP'S POV

Pagkatapos ng meeting ay umuwi na rin kaagad ako para rebiyohin ang CCTV ng Head Quarters. Papasok na ako sa Control Room nang tumunog ang cellphone ko.

"Oh?" pagsagot ko.

"Oh?! Nasa'n ka?! Kanina pa kami naghihintay dito sa 'yo! Walang Sapp na pumunta!" bigla kong nailayo sa tenga ko ang cellphone.

"I'm sorry, okay? Aagahan ko nalang bukas. Busy ako, bye." walang gana kong sabi 'saka pinatay ko na kaagad.

Habang chini-check ang mga narecord ng mga CCTV ay mayroon akong nakitang tatlong itim na van at pumarada sa tapat ng gate. Noong una ay nagmamasid-masid lang siya pagkatapos ay bigla siyang may inilagay sa may halaman 'saka nagmadaling umalis. Inulit ko ang video at ipinause sa parti kung saan hawak niya pa ito.

Tinawagan ko si Mier para i-check. Ang oras ay ilang minuto lang ang pagitan sa oras kung kailan ako umalis doon. Nakikita ko siya sa CCTV habang naglalakad papunta sa gate.

Nang makitang nakalabas na siya ay nagsimula na rin akong magbigay ng directions. "Turn left... One more step forward... Okay, check the plants."

Nang makita niya na ito ay itinaas niya ito kung saan makikita sa CCTV ng malinaw. "Shit! Throw it!" agad kong sigaw. Agad din siyang tumakbo palayo at inihagis palayo ang hawak niya. Ilang minuto matapos niyang ihagis ay biglang may sumabog.

"Woaw, akala ko hanggang ngayong gabi nalang ako, ah." nakangisi at hingal niyang sabi.

Nakahinga naman ako ng maluwag. "Alert everyone. Check every inch of your walls. 'Pag nagkataong nahuli lang tayo ng dalawang segundo kanina, siguradong malaki ang magagawang butas no'n sa pader niyo. Go!" utos ko. Nakita kong nagmadali na siyang tumakbo papasok at ginawa ang sinabi ko.

"Second attempt." mahina kong nasabi. Dahan-dahan akong nakangisi. "That's right, provoke me."

Kinabukasan ay agad din silang nagreport na wala na silang ibang nakitang kahina-hinala sa mga pader at paligid nila. Dumeretso ako sa bahay nila Steff at pagdating ko palang ay mukha kaagad ni Jade ang nasalubong ko.

"Anong oras 'yong maaga, Sapp?" bungad na tanong niya. Hindi ko siya pinansin at nagdire-deretso lang papasok. "Wait." pigil niya habang nakakakapit sa sleeve ng suot ko. Sinilip niya ang mukha ko at nanlaki ang mga mata niya. "Hindi ka ba natulog, Sapp?" nag-aalala niyang tanong. Tinabig ko ang kamay niya at nagpatuloy hanggang sa kwarto ni Steff.

Agad akong pumasok at umupo at humiga sa kama katabi ni Steff. "You look tired, Sapp. What happened?" nag-aalalang tanong niya at hinawi ang buhok ko. Pinikit ko ang mga mata ko.

"Akala ko ba maaga ka pupunta dito, Sapp?" tanong ni Jade.

"Mukha bang gabi na ngayon, Jade?" sarkastiko kong balik na tanong.

"Oa mo. Seven palang oh. Umupo ka nga." saway ni Steff sa kanya.

"Teka, 'di ba 7:30 'yong unang schedule mo ngayon, Sapp?" tanong ni Jade.

"I know." sagot ko.

"Eh, bakit nandito ka pa? Pumasok ka na do'n! Ikaw! ''Di ba eight o'clock din 'yong sayo? Aish. Mga pasaway talaga kayo. Hala! Masilayas na kayo." sermon ni Steff sa amin.

SAPPHIRE: Battle Of A Heiress [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon