Chapter 13

73 9 0
                                    

Paggising ko, naisip kong i-text silang dalawa bago pumasok.

Send to: Xander ; Steff
[ Wala ka ba talaga kayong balak pumasok na dalawa? Akala ko ba gusto niyong ayusin 'to? Mukhang nagkamali ako sa inyo. ]

Pasakay na ako sa kotse nang may magkasunod na text ang dumating.

Xander;
[ Papasok na 'ko. ]

Steff;
[ Papasok na 'ko. May sasabihin rin ako sa inyo. Sana maintindihan niyo ang desisyon ko. ]

"Bahala kayo" at sumakay na.

Pagkarating ko sa campus ay sinalubong ako ng nakabusangot na si Jade. Sinabayan niya akong maglakad. "Sabihin mo na kasi nang 'di ka parang may Bipolar Disorder diyan." sabi ko.

Bumuntong hininga siya at saglit na napatingin sa akin. "H-ha? A-ang alin?"

"Tss! Ay, ewan." at nauna akong naglakad.

Nakita kong parang hinihintay kami ni Steff sa campus ground, kaya doon ako dumeretso, sumunod nalang si Jade.

"Oh, ano na?" bungad ko nang makarating sa kinaroroonan niya.

"Wait lang." sabi ni Steff at lumingon-lingon. "Nandito na siya." habang nakatingin sa paparating na lalaki. Siya.

"Maayos na 'yung gising ko. Please lang." reklamo ni Jade habang nakayukong sinisipa-sipa ang mga damo.

"Jade, makinig ka muna." sabi ko. Bumuntong hininga na naman siya.

"May magagawa pa ba ako?" matamlay na sabi niya at hindi pumi-pirmi ang kamay niya.

"Nandito na siya. Umayos ka." mahina kong sabi kay Jade.

Habang nakatingin ako sa lalaking ito. "Mukhang hindi niya sineryoso ang mga sinabi ko kahapon."

"Hi, babe." bungad niya. Natigilan naman si Jade pero pinilit niyang hindi maapektuhan.

"Hi." pilit ang ngiti niya. Kinuha niya ang isang kamay ni Trevor at nakipagholding hands. Pagkatapos ay itinaas niya ito. "Boyfriend ko na siya." pagpapaalam niya.

Biglang napatingin si Jade sa kanila. "Ano?!" sigaw niya.

"We're officially in a relationship started yesterday." nakangiting pahayag ni Trevor. "Masasapak ko na talaga 'to."

"Sapp!" dalawang boses.

Hinawakan ko siya sa kwelyo. "Talagang hindi mo sineryoso ang babala ko kahapon ano?! Ang sabi ko, layuan mo na siya bago pa ako makialam. Kinausap kita ng mahinahon. Tricia." galit kong sabi.

"Pero ininsulto mo ang angkan ko." matalim ang mga tingin niyang sabi.

"Hah! Ang angkan niyong mga bakla?! Nagpapatawa ka ba?!" muli ko siyang sinapak.

"Sapp, tama na. Hindi ko kayo maintindihan. Sino si Tricia?!" sigaw ni Steff. Inalalayan niya si Trevor at pinipigilan naman ako ni Jade.

"Tanong mo sa kanya." kumawala ako sa pagkakahawak ni Jade at inayos ag damit ko.

"Sumagot ka!" akmang susugurin na rin sana siya ni Jade pero humarang si Steff. At umiiyak na siya.

"Trevor. Sino si Tricia? Girlfriend mo? Sino siya?! Sumagot ka!" napapikit si Steff sa pagsigaw niya.

SAPPHIRE: Battle Of A Heiress [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon