Chapter 5

54 2 0
                                    


Nakaupo ako ngayon sa isang bench malapit sa Engineering building habang hinihintay ang dalawa kong kaibigan. Pinagmamasdan ko ang mga estudyante sa paligid. Mayro'ng nagbabasa, nag-ce-cellphone, nagli-lipstick, nagtsi-tsismisa, naghahabulan, group study, at syempre, mga nagdi-date.

Bigla namang nabaling ang tingin ko sa dalawang lalaking papalapit sa akin. "Hi. Ikaw ba si Steffanie Marie Madrigal?", tumango lang ako. "Ka-klase mo kami sa P.E.. Ako nga pala si Tyrone at siya naman si Chad. Nakita ko 'yung video niyo ng mga kaibigan mo sa facebook. Ang gagaling ninyo.", medyo nahihiya pero nakangiti niyang pagpapakilala at papuri.

"Ahm. Nice meeting you and thank you kasi na-appreciate mo 'yung video namin.", nakangiti kong sabi.

"You're welcome. M-may pabor sana akong hihilingin k-kung okay lang sana sa inyo ng mga kaibigan mo?", nahihiya niyang tanong.

"Ano ba 'yun?"

"Ahmm. B-balak ko sanang haranahin 'yung girlfriend ko kasi mag-wa-one year na kami next tuesday. Gusto ko sana siyang i-surprise. Fan niyo rin siya. Actually, gustung-gusto niya 'yung mga cover niyo. Kaya naisip ko, total magkaklase naman tayo, baka pwede akong humingi ng pabor sa'yo at sa mga kaibigan mo?"

"Ehem! Excuse me?", pagsingit ni Jade kasama si Sapp na nasa gilid na pala nila.

Napalingon naman sila sa kanila. "Oh! Siya 'yun!", biglang bulalas ni Chad sabay turo kay Sapp. Napaatras si Jade sa biglang pagsigaw ni Chad, samantalang hindi naman natinag si Sapp.

"Bakit?", walang ekspresyong tanong niya.

"I-ikaw s-si S-Sapphire diba?", pautal-utal na tanong niya.

"Oh bakit? May problema ka sa'kin?", seryosong tanong niya.

"W-wala naman. Ang ganda mo pala personal.", nahihiya pero nakangiti niyang sabi kay Sapp.

"Tss!", at umupo na siya sa tabi ko pero nakatalikod sa amin.

"A-anong nangyayari dito Steff?", bulong ni Jade.

"Ah. Wala naman. Kaklase ko sila sa isa kong subject. Hihingi sana sila ng pabor sa ating tatlo. Ito si Tyrone.", turo ko kanya. "Mag-pi-first anniversary na sila next tuesday and fan daw natin 'yung girlfriend niya, and gusto niya sanang i-surprise ang girlfriend niya with our help. He's so romantic, right guys? So, I'm in. Jade? Sapp?", paliwanag ko sa kanila.

Lumingon ako kay Jade at parang nagulat pa siya. "May magagawa pa 'ko Steff?"

"Of course. Wala. Haha!", sabay tawa ko. "Sapp?", lingon ko sa likod.

"Tss! Bahala ka sa buhay mo.", walang gana niyang sagot.

"Okay. I'll take that as yes Sapp.", 'tapos muli akong humarap sa kanila. Sakto namang nakita kong napa-yes si Chad sa likod ni Tyrone. "Chat mo nalang sa'kin 'yung song na gusto mong kantahin namin. Okay?"

Tumango naman siya habang nakangiti. "Okay. Thank you Steff. I'll pay you guys back, promise. Thank you talaga.", tumango nalang ako 'saka umalis na sila.

Pagkatapos nilang umalis ay tumayo na ako at humarap sa kanila. "Okay guys. Let's warm up. C'mon, galaw-galaw na.", 'saka hinila ko sila patayo.

*

JADE'S POV

Pakiramdam ko mas nagiging weirdo 'ata si Steff nitong mga nakaraang araw ah. Bigla nalang papayag sa kung anong pa-surprise-surprise na 'yun, tapos idadawit pa kami ni Sapp. Nag-iisip pa ba 'tong babaeng 'to?

"Guys!", bigla niyang sigaw.

"Bakit na naman?", sabay naming tanong ni Sapp.

"Naisip ko lang-."

"'Wag ka na mag-isip Steff please.", putol ni Sapp sa sasabihin ni Steff. Tumingin naman ako kay Sapp at nag-thumbs-up.

"Grabi naman kayo sa'kin. Kaibigan niyo pa ba 'ko? O kayo nalang dalawa magkaibigan ngayon?"

Nagkatinginan naman kami ni Sapp at tumango. Agad akong lumapit kay Steff at minasahe siya. "Hindi. Magkaibigan pa rin tayo Steff diba? Ikaw kaya 'yung knight and shining armor ko no'ng elementary. Hindi kita ipagpapalit sa kaniya Steff, promise.", nakita ko naman si Sapp na umiiling habang ngumingisi. "Ano'ng gusto mong gawin ngayon Steff? Gusto mo mag-cover ulit tayo? Sige, tara na. Anong kanta ba?", sunud-sunod na sabi ko habang minamasahe siya.

"'Yan, 'yan. Diyan, sige Jaden. Masarap diyan. Ugh. Okay. Tama na. Thank you.", tumigil naman ako at umupo.

"Actually guys, naisip ko kasi. Total we're covering songs, how 'bout we will name our group. Alam niyo 'yon, para mas madali tayong ma-recognize as a group, diba? Ang ganda ng naisip ko?", nakangiti niyang pagmamalaki.

"Ito na naman po tayo.", isip-isip ko.

"Any suggestions Jade?", tanong niya sakin.

"Ha? Ahh. JSS. Jade-Steff-Sapp. Diba ang ganda?", nakangisi kong sagot.  "Ang pangit."

Umiling-iling siya. "Hmm. Jade and ladies?"

Umiling-iling din ako. "Steadapp."

Umiling ulit si Steff. "Sounds like 'stand up'."

"Ang ganda kaya no'n. Steadapp. Stand up. Syempre, napapatayo sila sa galing natin."

"Ayy. Ang brilliant no'n Jade.", 'tapos nakipag-apir siya sa'kin. Pagkatapos nagtawanan kami.

"Jaffire.", biglang sabi ni Sapp na nakikinig pala.

"Ha? 'Andiyan ka pala Sapp? Akala ko kasi kami nalang ni Jade nandito eh. Busy ka kasi diyan sa binabasa mo. Ano ba 'yan?", biglang lumapit si Steff,a agad namang tiniklop ni Sapp ang librong binabasa niya at tumingin sa amin. "Ayaw niyo? Edi 'wag."

"Hindi. Ang cool kaya. Jaffire. Ang ganda Sapp. Ang galing.", sabi ko para maagaw ang atensyon ni Steff.

"Jaffire?", mukhang wala namang ideya si Steff.

"Jade-Steff-Sapphire. Jaffire. Nagliliyab na performance. Ang ganda Steff.", sabay thumbs up.

"Hmm. Ang cute. Sige. From now on, our group's name is 'Jaffire'. Yehey!", habang pumapalakpak.

Pagkatapos ay binuksan niya ang laptop niya at may kung anong pinag-ta-type. Maya-maya ay bumaling siya sa akin. "Jade, anong pweding makain sa ref niyo?", tanong niya habang nakakamot sa ulo.

"Wala na. Ubos mo na. Hindi pa nakakapag-grocery sila mama.", sagot ko.

Tiningnan niya naman ang oras sa relo niya. "Hah! Gabi na pala? Shaks! Tara, punta tayong 7eleven. Nagugutom ako eh."

Lumabas muna kami para bumili ng pagkain sa 7eleven. Madilim talaga ang daan sa may eskinita palabas sa compound namin. Ewan ko nga ba kung bakit hindi nila palagyan ng ilaw ang eskinitang 'to para naman magmukhang ligtas dumaan kahit gabi na.

Pagdating namin sa 7eleven ay halos bilhin na lahat ni Steff halos lahat ng nahahawakan niya. Puro naman chichirya. Halos mapuno na niya 'yung basket na hawak niya sa subrang dami niyang napili. Pagkatapos naming mamili ay agad din kaming umalis. Habang naglalakad kami papasok sa madilim na eskinita ay may isang grupo ng kalalakihan ang humarang sa amin. Hindi ko masiyadong makita ang mga mukha nila. Tanging ang ilaw lamang na nagmumula sa buwan ang nagpapaaninag sa madilim na eskinitang ito.

"Oy. Mga bata, gabi na ah.", 'saka tumawa siya ng may nakakarinding tunog.

SAPPHIRE: Battle Of A Heiress [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon