Chapter 15

72 9 0
                                    

"Missing mafia heiress?!" nanlaki ang mga mata ni Steff.

"Matagal ka na naming hinahanap. Hindi ko akalaing katabi lang pala kita. Sapphire." gulat kong nasabi.

"Ngayon na alam mo na. Ire-report mo ba ako sa kanila Xander?" tanong niya.

Biglang sumakit ang ulo ko. Alam kong desperado ang mga magulang ko at ang boss nila na makita si Sapphire. Pagkakataon ko na 'to para maging ganap na assassin at ma-recognize bilang tulad ng mga magulang ko.

"Kaya mo ba akong isumbong Jade?" at bahadyang ngumisi habang tinititigan ako ng deretso.

"Ano bang nangyayari?" palipat-lipat na tingin niya sa amin.

"Hindi talaga nerd si Jade, Steff. Disguise niya lang 'yan. At hindi siya kasing weak tulad ng iniisip mo sa kanya." pangisi-ngisi niyang sabi.

"H-ha? A-anong ibig mong sabihin Sapp?"

Tinanggal ko ang salamin ko, pati na rin ang contact lenses na suot ko. Inayos ko ang damit ko at ang pagtayo ko. "Isa akong assassin Steff. At mission ko na hanapin ang nawawalang mafia heiress na si Sapphire." seryoso kong paglingon kay Sapp. "Wala na akong choice."

"H-ha? P-paano n-nangyari i-ito?" nauutal na tanong niya.

"It just happened, Steff. And I felt sorry for you, dahil nadamay ka pa sa gulo namin."

"N-no! It's amazing!" bigla siyang napa-palakpak at tumawa.

"Ha?" sabay naming nasabi ni Sapp. "Hindi ka natatakot sa amin?" tanong ko.

"At bakit naman ako matatakot sa inyo? Mga kaibigan ko kayo at tanggap ko kahit maging aswang pa kayo. Sa tinagal-tagal nating magkakasama, wala kayong ginawang masama sa akin o kahit sa pamilya ko. Pinagtanggol niyo ako at naging mabuti kayong mga kaibigan sa akin. Ngayon pa ba ako matatakot sa inyo?" nakangiti niyang sagot.

"P-pero paano kung nagkukunwari lang kami na mabait, at ngayon na alam mo na ang mga sekreto namin ay pwedeng-pwede ka na naming ipapatay ano mang oras." pananakot ni Sapp.

"Weh. Tigilan mo nga ako Sapp."

"Hindi ka talaga natatakot sa amin?" tanong ko.

"Nagulat ako, oo. Natakot? Sige, magsisinungaling ako kapag sinabi kong hindi. Pero nang maisip ko 'yung mga pinagsamahan natin sa loob ng maraming taon. Naisip ko na, hindi dapat ako matakot sa inyo. Kung magkakamali man ako sa pagtitiwala ko sa inyo, problema ko na 'yon. Basta ako, tanggap ko kayo mga bestfriends ko." naiyak siya at niyakap kami. Kumalas siya at pinunasan ang mga luha niya. "Daebak. Akala ko sa tv lang ako makakakita ng heiress at assassin, hindi ko naman akalain na matagal ko na pala kayong nakikita." amazed niyang reaksyon.

"We don't deserve you Steff." walang ekspresyon ang mukha na sabi ni Sapp. Nalungkot naman ako.

"Well, that's my problem. I love you my bestfriends." muli niya kaming niyakap at biglang kumalas. "Enough with the drama." pinunasan niya ang mukha niya na animo'y walang nangyari.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

"So, you two are enemies?"

"Sort of." sagot ko.

"Kaya pala si Jade lang 'yung tiningnan ng mga alaga mo kanina Sapp. Ang galing naman nila."

"So, what's your plan now Xander?" baling niya sa akin.

"Hindi ko alam." humiga ako sa kama at pumikit.

"Jaden?" pagtawag ni Steff.

"What?" nakapikit pa rin akong sumagot.

SAPPHIRE: Battle Of A Heiress [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon