Chapter 26

44 5 0
                                    

STEFF'S POV

"Nandito na 'ko." nakangiting bungad ni Jade pagkabukas niya ng pinto ng kwarto ko. Sumilip ako sa labas nang mapansin parang wala siyang kasama.

"Si Sapp ba? Susunod na lang daw siya, may emergency daw kasi sa bahay nila kay pagkatapos ng klase niya ay nagpaalam na siya kaagad sa akin." paliwanag niya at umupo na sa bandang paanan ng kama ko. Pagkatapos ay bumuntong-hininga siya. "Mukhang nagiging busy siya nitong mga nagdaang mga araw. Minsan nalang natin siyang nakakasama."

"Baka may kinalaman 'to sa... Alam mo na." mukhang nakuha niya naman kaagad ang ibig kong sabihin.

"Wait lang ha." dinukot niya ang cellphone sa bulsa niya at pumunta sa may bintana. Disappointed na muling umupo sa kama. "Walang sumasagot, eh. Mukhang nasa mission sila ngayon."

"Bakit hindi ka pa nila sinasali sa mga mission nila? Feeling ko naman kayang-kaya mo na, eh." sabi ko.

Nag make-face lang siya at nagkibit-balikat."Hindi ko rin alam. Siguro kapag naka-graduate na ako, pwedi na."

"Eiy. Napaka-lame naman ng rason na 'yon. 'Yong ibang mga nababasa ko na mga assassin nga, eh, hindi na nag-aaral. Bata palang tini-train na para isabak sa mga mission, tapos ikaw, aral muna? Weee. Baka naman may iba silang rason."

Muli ay nagkibit-balikat lang siya. "Hindi ko rin alam. Wala naman kasi silang sinasabi sa akin, eh. 'Saka alam mo naman na madalas silang wala sa bahay, 'di ba?"

"Eh, 'di ba, 'yong mga assassin similar lang sa mga spy?"

"Nope. Magkaiba sila. Being a spy is to just to spy. Wala silang ibang gagawin kun' 'di ang mag-ispiya lang at magreport ng mga nalaman nila. While being an assassin is much tougher than a spy alone, you will kill a person if necessary or if they want you to."

"Hmmp. Than a spy alone? Edi, ang assassin pwedi ring maging spy at ang spy, pwedi ring maging assassin. 'Di ba bago ka maging assassin required na marunong kang mag-spy? Paano mo maa-assassinate ng malinis 'yong target mo kung hindi ka marunong mag-spy, 'di ba?"

Napatango siya. "Sabagay." Bigla siyang napatingin sa akin ng deretso. "Why do I have this feeling na marami kang nalalaman, Steffania?" naniningkit ang mga matang nakatitig sa akin.

Napa-ubo ako at nakangiting sinalubong ang kanyang mga titig. "Eiyy. Alam mo namang mahilig akong magbasa, 'di ba? Malamang nabasa ko lang 'yan sa isang libro, nacurious lang ako."

Napaisip siya 'saka tumango-tango. "Sabagay."

"Anyway, nandito na rin lang naman tayo sa topic. What if, kung ngayon natin subukan kung talagang reliable ka na maging parti ng mission." nakangiti kong sabi sa kanya.

"Ano'ng ibig mong sabihin, Steffania? Mukhang iba ang pakiramdam ko sa pagngiti mong 'yan, ah."

"Eiy. C'mon, Jade. Para rin naman sa iyo ang naisip ko, eh."

"Huwag mong sabihing... Gusto mong mag-ispiya ako sa magulang ko?"

"Hindi naman totally na mag-iispiya ka sa kanila. May kaunting aalamin ka lang. Siguro naman hindi lang ako ang na-cu-curious dito kung bakit sa tanda mong 'yan, hindi ka pa officially sinasali sa mga mission nila, 'di ba?" natahimik siya at mukhang napaisip sa sinabi ko.

SAPPHIRE: Battle Of A Heiress [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon