Chapter 7

126 13 1
                                    

SAPPHIRE'S POV

"Itigil niyo 'yan! Paraanin n'yo sila!", bigla at malakas na sigaw ng isang lalaki mula sa taas. Bigla namang tumigil ang mga umaatake sa amin at mabilis na tumakbo palayo. Tumingala ako para tingnan ang sumigaw. At tama nga ako ng hinala, siya nga - si Mier.

"Pero bos-.",

"Ang sabi ko paraanin n'yo sila! Bingi ba kayong lahat?!", muli niyang sigaw. Mainitin pa rin pala ang ulo niya.

"Pero bos-.",

"Paparaanin n'yo ba sila.", pagtapos ay may ipinalabas na agad namang kuminang nang tamaan ng sinag ng buwan, at sigurado akong shurikin ang hawak niya. "O iisa-isahin ko kayong lahat?"

"O-opo boss. Paraanin n'yo na sila!", agad namang utos ni Jack.

Hindi pa tuluyang nahahawi ang dadaanan namin ngunit mabilis ko na kaagad hinila ni sina Jade at Steff patakbo. "Teka Sapp, hindi man lang ba tayo magpapasalamat do'n sa lalaki?", tanong ni Jade.

"Sa tingin mo ba may oras pa tayo para magpasamalat sa kanya? Kilala ko siya, mabilis magbago ang isip niya.", serysosong sagot ko habang nakatingin lang sa daan.

"Kilala mo s'ya?!", sabay nilang naitanong ni Steff.

"Hindi! E-este oo, 'di ba mga gangsters sila? Lalo na s'ya na boss nila, alam ko ang ugali ng mga tulad nila, madaling magbago ang mga isip nila", pagdadahilan ko.

"Sapp!"

"Ha? May sinasabi kayo?"

Medyo nagulat ako nang makita silang dalawa na kasalukuyang nakatayo na sa harapan ko. Parang kanina lang nasa kusina pa sila ah. "Kanina pa ba sila nandito?"

"Kanina ka pa namin tinatawag. Oh, uminom ka muna ng tubig.", sabay abot ni Jade ng isang bagong puno ng tubig.

"Salamat.", habang kinukuha ko ang baso.

"Alam mo Sapp, h'wag mo nang isipin 'yung nangyari kanina.", sabi ni Steff.

Bigla ko namang nailunok ang tubig na iniinom ko at naubo, dahil sa sinabi niya. "Pa'no mo nalaman ang iniisip ko?", pagtataka kong tanong. Tinitigan ko siya ng mabuti.

"Halata Sapp.", si Jade ang sumagot.

"Ang alin?", nalipat ang tingin ko kay Jade.

"Na na-ba-bother ka, dahil sa nangyari kanina. Simula kasi nang pumasok tayo ng bahay, parang wala ka na sa sarili mo. Hindi namin alam kung hindi mo lang ba mahanap ang gusto mong palabas kaya nililipat-lipat mo 'yung channel hanggang makarating ka na sa channel ninety-nine, o pinaglalaruan mo lang talaga 'yung tv.", paliwanag ni Jade.

SAPPHIRE: Battle Of A Heiress [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon