Chapter 35

27 2 0
                                    


Pagkatapos marinig ang kabuoan ng recording, isang mahabang katahimikan ang sumunod. Pareho lang silang nakatingin sa kawalan habang ini-imagine na kunwari ay kasama nilang naka-upo sa loob ng kwarto si Steff.

"Sapp?" nakatulala nitong pagtawag sa kaibigan.

"Oh, bakit?" napatingin naman siya kanya.

"Siguro naman, magiging okay na ang lahat, 'di ba? Naliwanagan na kung sino talaga ang totoong pumatay at nagpapatay sa mama mo."

"Sa ngayon, hindi ko pa masasagot 'yan, Jade. Marami pa akong gustong malaman tungkol sa araw na 'yon. Marami pang mga tanong sa isip ko na hindi pa nasasagot. Pero ipinapangako ko, wala nang mawawala at masasaktan sa mga mahal natin."

"Talaga?" nakangiti namang tumango si Sapp. Napangisi naman si Jade sa kanyang naisip.

"Bakit?"

"Nakakatawa lang kasi. Assassin kaming tinuringan pero takot din naman pala kaming mawalan ng mahal sa buhay." at maharang tumawa.

"Jade, tao rin kayo. Natatakot. Siguro, nagkataon lang na diyan kayo magaling sa field na 'yan kaya naging business niyo na rin ang mag-eliminate ng mga tao. At alam kong may kanya-kanya kayong mga rason sa pagpapatuloy ng trabahong 'yan."

"Siguro nga, pero mamamatay tao pa rin kami." saka siya marahas na ngumisi. "Honestly, no'ng una ayaw ko talaga ng trabaho ng mga magulang ko, o kahit maging katulad nila. Ang gusto ko lang noon ay ang mapansin din nila ako na kaya ko rin ang ginagawa nila - ang maging assassin. Nakakatawa 'di ba? Ayaw ko ng trabaho nila pero gusto kong mapansin nila ako na kaya ko rin. Siguro part na talaga 'yon ang human instinct. 'Yong ayaw mo pero kailangan mong gawin para makita rin nila 'yong worth mo. Pero pagkatapos ng nangyari kay Steff. Nakapagdesisyon na ako. Gusto kong ituloy ang pagiging assassin ko, para mawala sa mundo ang mga katulad ni Olivia." bakas ang galit sa kanyang mukha habang binibigkas ang kanyang mga huling sinabi.

"Edi sana nagpulis ka nalang." patawa nitong komento.

Natigilan naman si Jade at napaisip. "Hmm. Pwede, pero huli na kasi, Sapp, eh. Ipinanganak na ako para maging isang assassin. Hindi pa man ako nabubuo, nakatadhana na ang magiging kapalaran ko."

"Sige, kung 'yan ang desisyon mo. Basta isa lang ang maipapayo ko sa 'yo, Jade. Huwag kang magpadalos-dalos sa 'mga desisyon mo. Huwag mong hayaan na kuntrolin ng emosyon mo ang utak at buo mong pagkatao. Mag-isip ka muna. Greed and anger. 'Yan din ang nag-trigger kay Olivia kaya nagawa niyang ipapatay ang mama ko. Ayaw kong matulad ka sa kanya. Please."

Dahan-dahan nang kumalma ang awra ni Jade at lumingon ito Sapp. "Paano mo napapanatling kalmado ang utak at sarili mo pagkatapos ng nangyari sa mama mo Sapp?"

Nagulat si Sapp sa tanong ni Jade. "Ha? Ah. Honestly, ganyan din ang naging reaksiyon ko noong nawala ang mama ko. 'Maghihiganti ako. Ako mismo ang papatay sa taong pumatay sa mama ko. Kung sino man sila, uubusin ko sila.' Ilan lang 'yan sa mga tumakbo sa isip ko nang mga panahong 'yon. Pero inabot din ako ng ilang taon para ihanda ang sarili ko sa araw na 'yon, at na-realize ko sa loob ng mga panahon na 'yon. 'Kalma, may tamang panahon para diyan. Hindi ngayon, pero soon.' Ang kailangan mo lang gawin ay turuang pakalmahin ang sarili mo, mag-isip ka kung tama ba ang gagawin mo at paano ito makakaapekto sa kinabukasan? Sa buhay Jade, isang maling desisyon mo lang at lahat ng mga pinaghirapan ay maaaring mauwi lang sa wala. At isa pa, kalmado lang ako sa labas, pero maraming tumatakbo sa loob ng utak ko." at ngumiti ito.

Bigla tumayo si Jade at nag-unat ng kanyang katawan. "Aghh. Bigla akong nagutom sa pinag-usapan natin, ah. Tara, kumain na tayo." masigla nitong pagyaya at nauna nang lumabas ng kwarto.

Napangisi nalang si Sapp. "You and your mood swings." tumayo nalang din siya at sinundan na si Jade.
Saktong pagbaba nila nang makasalubong nila ang mama ni Jade na si Haden.

"Oh? Aakyatin ko pa sana kayo para yayain na kumain. Perfect timing lang ang pagbaba niyong dalawa." masiglang sabi nito.

"Naamoy ko kasi 'yong mga niluluto mo ma, eh. Alam mo namang matalas ang pang-amoy ko pagdating sa mga luto mo." masigla ring komento ni Jade sa kaniyang ina at iankbayan ito.

"Aysus, bolero ka talagang bata ka." at nagtawanan sila.

Samantala, nakangiti namang pinapanuod ni Sapp ang mag-ina. "Kung buhay ka sana, ma. Siguro ganyan din tayo kasaya at ka-close." malungkot niyang nasabi sa kanyang isipan.

SAPPHIRE: Battle Of A Heiress [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon