Chapter 14

71 10 0
                                    

"Woah. Ikaw 'to Steff?!" bulalas ni Jade habang nililipat-lipat ang mga pahina ng photo album.

"Bakit? Ayaw mong maniwala?" sarkastigong pagtataray naman ni Steff.

"Paano mo natago sa akin ang mga bagay na ito Steffania?"

"Hindi ka naman kaya po nagtatanong tungkol diyan."

"Eh, kasi naman wala akong ideya dito eh. Malay ko ba na may sekreto ka pa palang itinatago sa akin babae ka. Sa daldal mo palang kasi akala ko nasabi mo na lahat tungkol sa buhay mo sa akin." pagmamaktol nito.

"Naku tigilan mo nga ako Jaden. Oo, madaldal ako, pero may mga bagay din akong tinatago sa sarili ko 'no. Mga bagay na hindi ako mismo 'yung magki-kwento kun' 'di 'yung tatanongin din ako."

"Kung hindi pa pala sinabi ni Sapp, hindi ko rin malalaman ang lahat ng ito? Paano nalang pala kung hindi natin nakilala si Sapp noong high school palang tayo. Edi sana hanggang ngayon hindi ko pa rin pala alam ang bagay na ito?!"

"Sapp!" biglang tawag sa akin ni Jaden. "Anong pang alam mo?" kunot-noo niyang tanong.

"Si Steff ba ako Jade? Nakikinig ka ba sa kanya? 'Di ba nga ang sabi niya kung may gusto kang malaman tanongin mo rin siya" natatawa kong sagot.

Binalik niya ang tingin kay Steff. "Kailan pa 'to?"

"Before ako nagtransfer dito."

"Ayon lang sasabihin mo? 'Di ba madaldal ka, kaya simulan mo na ang kwento." pagde-demand ni Jade.

Kinagat ni Steff ang ibabang labi niya at umaksyon. "Okay, here's the story. Makinig ka Jaden." at nag-umpisa nang magkwento ni Steff.

"Noong nasa sa America pa ako, binu-bully din ako doon. Worst days of my life. Napadaan ako sa isang Taekwondo studio at na-inspire sa mga nagpa-praktis habang nakasilip ako mula sa labas. Hindi ko namalayan na nakapasok na pala ako at nagsign-up for registration. Sa takot ko, hindi ko sinabi sa mga magulang ko ang ginawa ko kaya patago akong pumupunta roon at nagpa-praktis. Natuto ako at naipagtatanggol ko na ang sarili ko mula sa mga bumu-bully sa akin sa school. Napansin ng mga coach ko na mabilis akong natututo kaya sinubukan nila akong isali sa mga matches. Doon ko mabilis nakuha ang blackbelt ko at 'yang mga awards ko. After a year, bumalik na kami rito sa Pinas for good. Hanggang ngayon, pinakatago-tago ko pa rin 'yan kina mom and dad." biglang lumingon at tumingin ng matalim sa akin si Steff. "Ang hindi ko alam ay kung paano nalaman ni Sapp ang tungkol diyan."

Nagkibit-balikat ako habang nakasandal sa bintana. "Malalaman mo rin later Steff."

"Ayan na naman siya." bumuntong hininga at inikot ang mga mata niya.

"So kailan mo 'to balak sabihin sa mga magulang mo?" tanong ni Jade.

"Naghahanap pa ako ng tamang timing."

"Akala ko ba super close kayo ng dad mo? Bakit hindi mo simulan sa kanya?" opinyon ko. Bumuntong hininga nalang siya.

"Oh ngayon, alam niyo na 'yung sekreto ko. Who's next?" nakataas ang isang kilay na tanong ni Steff. Lumingon sila sa akin.

"Okay. I'm next, in one condition."

"Ano na naman 'yon?" sabay nilang tanong.

"Jaden." natigilan siya. "You'll let me reveal yours."

"Ha? Bakit? Mas malala ba 'yung kay Jade, Sapp?" kunot-noo niyang tanong.

"Malay mo." nakangisi kong sabi. Samantalang hindi naalis ang tingin ni Jade sa akin. "Jade?" pagtawag ko.

Pinitik ni Steff ang darili niya sa harap ng mukha ni Jade at tinawag. "Hoy, Jade."

"H-ha? Ano 'yon?" wala sa sariling tanong niya.

SAPPHIRE: Battle Of A Heiress [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon