Chapter 40

41 2 0
                                    

"Kyle, ano na? Magwo-walk out na 'ko, oh. Hindi mo ba ako pipigilan? Ano'ng klase kang kaibigan?" tinitigan lang siya ni Kyle at wala itong ibang ginagawa. Naglakads na siya papunta sa pinto nang bigla siyang umikot ay muling naglakad pabalik sa kanila. Pagbalik ay tumayo siya sa tapat ni Kyle. "Sigurado ka na ba talaga? Hindi mo 'ko pipigilan?" Bagkos ay sinandal lang ni Kyle ang kaniyang kamay sa katabing sandalan ng sofa at nangalung-baba na animo'y bored na tinititigan ang kaibigan.

Bumagsak ang mga balikat ni Spencer at animo'y nawalan ng lakas. Dahan-dahan itong bumalik sa kaniyang upuan at niyakap ang katabing throw pillow. "I'm so lonely. Walang talagang nagmamahal sa akin." 'saka umarteng umiiyak.

Nakakunot ang noo habang nakangiwing tiningnan siya ni Kyle 'saka binatukan. "Tumigil ka nga!"

"Tito oh! Binubugbog na naman ako ng anak mo." pagsusumbong nito.

Tumawa lang si Theodor at binalingan si Sapp na parang hindi makapaniwala sa nasasaksihan niya. "Sapphire." agad siyang nilingon nito. "Pagpasensyahan mo nalang silang dalawa. Ganyan lang talaga sila. Magkaibigan na kasi sila simula pa no'ng natuto silang maglakad." nakangiting pahayag nito.

"Mukha nga." natatawa niyang sabi. "Oh siya. Mukhang napuno na ng mga impormasyon ang utak para sa araw na 'to. So far, may mga isasagot na ako sa mga katanungan na mga gumugulo sa utak ko. Thanks to you. I'm going." tumayo ito at simula nang nanglakad.

"Wait, Sapphire." pagpigil ni Theodore. Nilingon lang siya nito. "Are we good now?" tanong niya.

"Maybe." ngumiti lang si Theodore.

"Then, can you consider the adoption?" nakangiti niyang tanong.

"Dad!" nagulat ang lahat sa biglang pagsigaw ni Kyle. Makikita ang pagkairita sa kaniyang pinapakitang eskpresiyon.

"Bakit? May mali ba sa sinabi ko, anak?" nagtatakang tanong sa anak.

"Tss! Whatever. Gawin mo kung anong gusto mo." nakabusangot na nagwalk-out ito at umakyat papunta sa kaniyang kwarto.

Naiwan namang nagkatinginan na naguguluhan ang tatlong naiwan.

"Wow. Ano'ng problema niya?" nakatulalang tanong sa sarili ni spencer habang nakatingin sa dereksiyon ng kwarto ni Kyle.

"Mood swings. I bet, hindi na niya gusto ang ideya mong 'yan, Mr. Hadenburgh." komento ni Sapphire.

"Then can you visit here again sometimes?"

"Pag-isipan ko muna. Teritoryo pa rin 'to ng kalaban." at tuluyan na siyang umalis. Natawa nalang si Theodor sa kaniyang huling sinabi.

"Wow, tito. She's so cool. Hindi ko ba talaga siya pwedeng maging girlfriend?" baling nito sa kaniya.

"Hey, young man. Where's your manners? Do you think you're older than me?" puna nito sa binata.

Napanganga ang binata at biglang pinagdikit ang kaniyang mga palad. "Please spare my life. I'm sorry po, tito po. Okay na po ba tayo po?" ngumisi lang ang matanda at iniwan na siya.

"Wow." nakangangang nasabi niyang nang maiwan na siyang mag-isa. "I'm so lonely. Wala talagang nagmamahal sa akin. Iniwan na nila akong lahat. Bakit pa 'ko pinanganak, Lord? Ayaw 'ko na rito." tumayo siya at tumakbong umakya papunta sa kwarto ni Kyle. Agad niya itong binuksan at padapang ibinagsak ang kaniyang katawan sa kama.

"Hoy! Pa'no ka nakapasok dito?! Ni-lock ko 'yong pinto, ah." bulyaw niya sa kaibigan at inilipat ang tingin sa pinto.

"Hindi ko alam. Siguro lumusot lang ako." pagkatapos ay agad siyang napaupo at marahas na napahigop ng hangin. "Kaluluwa na ba 'ko, Kyle?"

Bumuntong-hininga siya at naglakad para isara ang pinto. "Ah, baka nakalimutan ko lang i-lock." sabi nito na animo'y kausap ang sarili.

Pagkatapos niyang umalis sa bahay ng mga Hadenburgh ay deretso nang umuwi si Sapp. Sa wakas ay naramdaman niya ang paggaan ng kanyang loob matapos malaman marinig ang mga totoong nagyari, Hindi man nito maibabalik ang kaniyang mga nawalang magulang, magaan na ang loob niya na malaman na sa maling taon niya pala naibuhos ang kaniyang mga kinimkim na galit. Lalo na na alam niya nang pinagbabayaran na ni Olivia ang mga ginawang kasalanan nito sa kaniyang pamilya. Kulang man para sa kaniya ang parusang kinakaharap nito ngayon, sigurado naman siyang pagdurusahan niya ito hanggang sa huling hininga niya. Ngayon ay kinamumuhian na siya ng dalawang taong mahal niya at ang mas matindi pa ay ipinadala siya sa lugar kung saan hinding-hindi na siya makakabalik, at hinding-hindi niya na makikita kailanman ang dalawang tao na pinag-ikotan niya ng buong buhay niya.

Kasalukuyang naglalakad si Sapphire sa mainit at mahabang kalsada. Walang dumaraang kahit isang sasakyan. Tanghali na rin kasi siya nakaalis sa bahay ng mga Hadenburgh. Hindi na niya namalayan ang oras sa subrang dami ng mga nalaman niya.

Palinga-linga siya sa harap at likod, nagbabakasaling may mapadaang sasakyan na maaring maghatid sa kaniya kahit sa labasan lang.

"Ano ba 'yan. Dapat pala nagpahatid nalang ako sa kanila. Naiwan ko pa pala 'yong cellphone ko sa bahay. Napakatanga mo naman, Sapp." biglang tumunog ang kaniyang tiyan. "Wah. Perfect timing. Gutom na rin ako. Hindi ako mamamatay sa gera, mukhang sa gutom at init pa yata ako mamamatay." usal niya sa kaniyang sarili habang naglalakad at nakahawak sa kaniyang nagrereklamong tiyan.

Mayamaya ay mayro'n siyang natanaw na paparating na sasakyan. Pumwesto siya sa gitnang kalsada at desperado niya itong pinara kahit nasa malayo pa ito. Napansin niyang biglang bumilis ang pagpapatakbo nito.

Napatigil siya sa pagwagayway ng kaniyang mga kamay at nakatayong tinitigan nalang ang paparating na kotse. "Mamili ka, Sapp. Mamamatay ka sa gutom at init, o mamamatay ka sa sagasa?" May isang daang metro nalang ang layo nito mula sa kaniya. Huminga siya ng malalim. "Bahala na si Batman." at hindi niya siya gumalaw mula sa kaniyang kinatatayuan.

Ilang saglit lang ay subrang na lapit na nito sa kanya hanggang sa bigla itong pumreno ilang pulgada lang ang distansya sa kaniyang katawan. Nakatayo siyang nakatulala. "Mukhang none of the above. Hindi ko pa oras."

"Sapp! Ano'ng ginagawa mo?! Magpapakamatay ka ba?!" sigaw ng lalaking mabilis na bumaba sa kotse.

"Jade, ang init! Ho!" agad itong kumaripas papasok sa kotse bago pa man makalapit si Jade sa kaniya.

Pagkapasok nitoay agad niyang pinalakas ang aircon sa loob ng kotse ni Jade.

"Ano ba'ng ginagawa mo rito nang walang dalang sasakyan, hind mo rin dinala ang cellphone mo?" sermon kaagad nito pagkapasok.

"Ah, 'yong cellphone, nakalimutan ko talaga sa bahay. Tungkol naman sa sasakyan. Sinadya ko talagang hindi magdala ng sasakyan. Naisip ko kasing mukhang magandang jogging spot 'tong daan papunta sa bahay ng mga Hadenburgh. Teka, ikaw, ano'ng ginagawa mo rito?"

"Ano pa, edi sunduin ka. Tumawag sa akin si master Kyle, sinabi niya sa akin na galing ka sa bahay nila at wala kang dalang sasakyan. Sinabi niya rin sa akin na bilisan ko kasi baka makita ka nalang nakahandusay sa daan sa ilalim ng mainit na araw. Baka raw kasi iba isipin ng mga tauhan mo kapag nalaman nila ang nangyari sa 'yo."

"Wow. So, kanino ako dapat magpasalamat? Sa 'yo ba o sa kaniya?"

"Syempre sa 'kin, ako 'yong nandito, eh."

"Thank you, Jaden. You're my life saver." magiliw niyang pagpupuri sa kaibigan. Pagkatapos ay biglang naging seryoso ang kaniyang mukha. "Now, go."

Kinilabutan si Jaden sa ginawa ni Sapp at agad na pinaandar na ang sasakyan.

SAPPHIRE: Battle Of A Heiress [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon