Chapter 1

608 26 13
                                    

Alexander Jaden Mavrix "JADE" Dela Cruz

Isang popular nerd sa school nila. Isang weakling, at palaging binubully ng isang grupo ng kalalakihan sa kanilang klase. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay araw-araw din siyang pinipiste ng grupo ni Max.
Papasok ng maayos, uuwi nang magulo.
Nakapagtapos siya ng Elementarya na tinitiis ang lahat ng pambu-bully ng grupo ni Max.

Sa kasamaang palad, pagtung-tong ng Sekondarya ay naging kaklase niya pa rin ang matinik na grupo ni Max. Muli ay naranasan niya nanaman ang mapait sinapit noong nasa elementarya pa lamang siya. Araw-araw.
Nang mag-2nd year na siya ay medyo nakahinga naman siya ng kaunti nang mabawasan at nalaglag sa sectioning ang ilang kagrupo ni Max. Mayroon kasi itong limang miyembro at dalawa dito ang nalaglag sa sectioning. Pero kahit gano'n pa man ang nangyari ay wala pa rin siyang takas sa mga ito. Tuwing recess sa kanya pa rin sila nangingikil ng pambili ng pagkain nila. Animo'y walang mga sariling baon. At tuwing dismissal naman ay hindi siya tinatantanan hangga't di nila nasisimot ang lahat na natira sa pera niya. Mabuti na lamang at mayroong sumusundo sa kanya kaya hindi niya pinproblema ang pamasahe.

Hindi niya sinasabi sa kanyang mga magulang ang mga ginagawa sa kanyang pagpapahirap sa eskwela ng grupo nila Max, dahil baka sumugod sila sa eskwelhan at awayin ang mga kaklase niyang bully.  Alam  niya rin kasi na kapag ginawa niya 'yun ay mas magiging impyerno ang kanyang pag-aaral,

Nang mag-3rd year na siya ay mayroon siyang naging kaibigan. Ang kauna-unahang taong naglakas ng loob na kaibiganin siya.

Siya si Steffani Marie Madrigal. Isang transfer student galing America. She's very kind, to the extent na siya na rin naging tagapagtanggol ni Jade sa mga nambu-bully sa kanya. Ang sabi niya ay naging victim din daw kasi siya ng bullying way back noong nasa America pa siya. At ayaw na ayaw na niyang may nakikitang binubully.

Nang mag-4th year na sila ay mayroon silang nakitang isang babae sa ilalim ng isang puno at natutulog ito. Na-curious ang dalawa kung bakit natutulog lang siya samantalang ang lahat ng mga estudyante ay abalang-abala sa paghahanap ng mga rooms nila.

Nang makalapit na sila sa harap niya ay naramdaman ng babae na mayroong tao sa kaniyang harapan, kaya bigla siyang nagmulat at bahagyang napaatras, dahil sa gulat nang makita ang dalawa na nakayuko sa harapan niya. Nauntog naman ang kaniyang ulo sa puno na kaniyang sinasandalan, dahil sa kaniyang pag-atras. Rinig nila ang malakas na impact ng pagkakauntog ng ulo niya, ngunit wala silang nakitang reaksyon sa mukha nito. Mukhang wala namang naramdaman ang babae sa nangyari.

"Hi! Sorry ha. Nagulat ka 'ata namin. Bakit ka pala nandito? Nahanap mo na ba 'yung room section mo?", tanong ni Jade sa babae.

Natulala nalang silang dalawa nang biglang tumayo ang babae at dire-deretsong naglakad palayo sa kanila na animo'y walang narinig at hindi sila nakita.

"Weird.", sabay nilang naiusal saka nagkatinginan habang magkasalubong ang mga kilay.

Nang mahanap na nila ang kanilang room section ay agad silang nag-apir. Akmang papasok na sana sila nang makita sa loob 'yung babaeng kinausap nila kanina. Magka-klase pala sila. At sila Max, kaklae rin nila. Minsan napapaisip din sila kung kailan kaya mawawala sa mundo ang grupo nila Max.

Tahimhik lang 'yung babae na nakaupo sa pinakalikod na upuan nang makita nilang may dalawa pang  bakanting upuan sa tabi ng babae kaya tumakbo sila at agad na umupo sa tabi ng babae.

"Grabi. Tahimik lang talaga siya buong klase. Hindi kaya napapanis laway ng babaeng 'to?" sa isip-isip ni Steff habang pasulyap-sulyap sa katabing babae.

Biglang tumunog ang bell, hudyat na recess time na. Wala namang sinayang na oras ang grupo nila Max at agad na lumapit kay Steff.

"Hoy babae!", malakas na sigaw ni Max sa tabi ni Steff.

"Ako ba'ng tinutukoy mo?.", inosenting turo niya sa sarili.

"Oo! Ikaw nga!", pasigaw na sagot ni Max.

"Ahh. Akala ko kasi 'yung sarili mo 'yung tinutukoy mo eh.", simpleng sagot lang ni Steff.

"Argh! Mukha ba akong bakla?!", sigaw nito.

"Opps! Sa'yo galing 'yan ha.", saka tumawa si Steff.

Sa subrang inis ni Max ay akmang sasampalin na niya sana si Steff nang biglang hawakan ng babaeng katabi nila ang kamay niya. 

"Kanina pa 'ko naririndi sa'yo ha.", walang ekspresyon na sabi ng babae kay Max.

"Naku naman. May dumagdag pang pakialamera!" iritang sigaw ni Max habang binabawi ang kamay niya.

"'Wag kang sumigaw, di ako bingi.", kalmado at wala parin ekspresyon na sabi ng babae.

Pwersang binabawi ni Max ang isang kamay niya mula sa pagkakahawak ng babae. Ginamit niya na rin ang kabilang kamay niya ngunit hindi niya pa rin matanggal ang kanyang kamay sa pagkakahawak ng babae. Nakita ng mga kagrupo niya ang pamumutla ng isang kamay ni Max, kaya nadesisyon na silang hilahin ang kamay ng kanilang leader. At nang matagumpay na nilang nabawi ang kami Max ay pangiwi-ngiwi ito habang hinihimas ang namanhid na kamay.

"Magtutuos tayo ulit.", pagbabanta niya habang isa-isa kaming tiningnan ni Steff. Huli niyang tiningnan 'yung babae at bigla silang tumakbo.

"See 'ya!", pahabol na sigaw ni Steff saka tumawa.

"Hi! Nagkita na tayo kanina doon sa may puno. Salamat nga pala sa pagsalo ng kamay ni Max ha.", agad na pagpapasalamat ni Jade.

"Oo nga. Thank you ha. Kung hindi dahil sa'yo sigurado may rumble na naman dito. Alam mo masasama talaga ugali ng mga 'yun. Lalo na 'yung Max. Naku! Pamangkin at ni Satanas 'yun eh." sabi naman ni Steff.

Nagkatinginan naman silang dalawa nang mapansing parang hindi sila naririnig ng babae.
Nagsi-sinyasan na rin silang dalawa sa tabi niya ngunit parang wala rin itong nakikita.
Biglang hinila ni Steff si Jade at saglit silang lumayo para mag-meeting. Lumayo sila para pag-usapan kung ano ang kanilang gagawin para pansinin sila ng babae at makausap ito ng matino.

"Jade, anung gagawin natin?", pabulong na tanong ni Steff.

"Ha? Bakit ako?", defensive na balik na tanong ni Jade.

"Ehh. Jade naman eh. Ano nga'ng pwedi nating gawin para pansinin niya tayo? Nawe-weirdohan na ako sa kanya eh. Saka pansin mo 'yung boses niya?"

"Oo nga 'no? Ako nga rin eh nawe-weirdohan na 'ko sa'yo. Nananahimik 'yung tao eh, gusto mo talagang guluhin."

"Jade?!. Ano ka ba?. 'Di yan! I mean 'yung boses niya no'ng kinausap niya si Max? Creepy diba? Subrang cold Jade. 'Pansin mo 'yun?"

"Oo. Ang cool nga eh."

"Anong cool ka diyan. Nakakatakot kaya."

"Kaya nga cold eh. Cool. An' lamig. But anyway, medyo creepy nga 'yung boses niya. Parang kagaya doon sa mga napapanuod ko sa tv. "Yung tipong pag narinig mong naging gano'n na 'yung boses ng character, siguradong may mamamatay.", bigla namang napayakap silang dalawa sa kani-kanilang sarili.

"'Wag na lang nating kulitin. Manahimik nalang tayo.", takot na sabi ni Steff. "Pero nacu-curious talaga ako sa kanya eh. Kilala mo naman ako Jade diba?", dagdag pa niya.

"Steff naman eh. Curiousity kills the cat, right?"

"Nah. It's okay. I'm a tiger. Rawr!", sabay taas ng magkabilang kamay na animo'y kakalmot. "Pero Jade please?", dagdag niyang pangungulit sa kaibigan.

"Okay. Sige. Naku, kung hindi ka lang talaga malakas sa akin."

"Ehh. Thank you.", masayang sabi ni Steff habang napa-puppy eyes.

Pagkatapos ay bumalik na sila tabi ng babae. Tahimik pa rin siya, at nagbabasa lang ng libro. Naisip nila na baka busog pa ang babae kaya wala itong balak umalis para bumili ng pagkain.

Bigla ay siniko ni Steff si Jade at inginuso sa babae.

Wala namang nagawa si Jade sa request ng kaibigan kaya bago niya kausapin ang babae ay saglit siyang pumikit saka bumuntong hininga.

SAPPHIRE: Battle Of A Heiress [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon