Epilogue

53 2 2
                                    

Makalipas ang isang taon. May kaniya-kaniya na silang pinagkakaabalahan sa buhay.

Si Jade ay naging isang ganap na assassin na. Inisinasama na siya ng mga magulang sa mga bawat mission nito. Masaya siyang nakakatulong sa pag-e-elimanate ng mga toxic na mga tao sa mundo.

Si Sapp naman ay naging focus sa pagpapatakbo ng organisasiyong at mga negosyong naiwan sa kaniya ng kaniyang mga magulang. Naging maayos na rin ang pakikitungo niya kay Theodor, at paminsan-minsan ay nagkikita sila sa labas para pag-usapan ang mga storya nila ng mama niya at kung ano'ng klase bata noon ang mama niya. Minsa ay kinukumbensi pa rin siya nito sa balak niyang pag-ampon kay Sapp, ngunit lagi lang ito walang napapala sa babae.

Masaya na ring naninirahan sa ibang bansa ang mga magulan ni Steff. Sa tulong ni Theodor ay nagkaroon sila ng negosyo sa States. Paminsan-minsan ay umuuwi sila ng Pilipinas para bisitahin si Steff, lalo na kapag namimiss nito ito.

Si Olivia ay tuluyan na ngang nabaliw. At ngayon ay nasa isang Psychiatric Facility na pagmamay-ari rin ng kaniyang mga magulang. Araw-araw itong sumisigaw, habang paulit-ulit na binabanggit ang pangalan nina Theodor at Kyle. Minsan naman ay bigla nalang itong iiyak at sasabihin ang mga salitang, 'I'm sorry, Elena'. Mukhang wala na rin itong pag-asang pang gumaling at bumalik sa kaniyang katinuan. Isang nga namang napakabigat na parusa ito para sa kaniya hanggang sa oras ng kaniyang huling paghinga.

Dahil dito, tuluyan na ngang naging tahimik ang gulo sa pagitan ng dalawang mafia organization.

Pasikat palang ang araw ay nasa labas na ng bahay nila Jade si Sapp. Nakatayo siya sa labas ng gate nila at tila may iniisip.

"Hmm~ Magdo-doorbel pa ba 'ko, o aakyatin ko nalang?" tumingala siya sa mataas na bakod nito. "Bahala na si Batman." mabilis siyang umakyat at tumalon sa loob. Pagkatapos ay tumayo siya sa tapat ng pinto ng bahay at muling nag-isip. "Hmm~ Kakatok pa ba 'ko, o sisirain ko nalang?" At nang nakapag-isip ay bigla niyang sinuntok ang pinto, sakto namang bumukas ito at tumambag sa kaniyang ang mukha ni Haden na mabilis din namang nakailag sa suntok ni Sapp. Nagulat silang pareho.

"Oops, sorry." agad na binawi ni Sapp ang kaniyang kamao.

Napahawak naman si Haden sa kaniyang dibdib 'saka bumuntong hininga. "Sapphire, darling. Ano'ng ginagawa mo rito nang ganito kaaga?"

"'O nga 'no? Ang aga pa." saklit itong tumawa. "Gising na po ba si Jaden?" pag-iiba niya nalang ng usapan. Si Jade naman kasi talaga ang pakay niya sa bahay.

"Hindi pa, pero gisingin mo nalang. Alam mo naman paano matulog 'yon." ngumiti nalang siya. Pinapasok na siya ni Haden at dumeretso naman siya sa kwarto ni Jade.

Pagpasok niya ay nakaharap ito sa pinto at mahimbing pang natutulog. Umupo siya sa sofa sa tabi ng pinto at tahimik na tinititigan ang natutulog na kaibigan. Mayamaya ay bahagyang nagmulat si Jade nang maramdaman na parang mayroong pares ng mga mata na nakatitig sa kaniya. Halos mapatalon siya sa kaniyang higaan nang makita ang mga mata na matalim na nakatitig sa kaniya.

"Sht! Sapp! Ano ba?!" sigaw niya nang ma-realize na si Sapp nga nakaupo sa sofa.

"Ang aga mong nagising, ah."

"Pa'no namang hindi ako magiging nararamdaman kong may nakatitig sa akin tapos magmulat ko gano'n klaseng mata pa 'yong makikita ko?!"

"Hindi mo ba ako naramdaman pumasok?"

"Hell, no. It's you, Sapp. Malamang hindi kita mararamdaman. You know how to control your movements. You damn girl."

"Ang aga ko namang nakatikim ng mura." tumawa pa ito. "Get up, you know what date today." at lumabas na ito ng kwarto.

SAPPHIRE: Battle Of A Heiress [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon