Chapter 3

193 18 16
                                    

Pagkatapos kong maikwento ang mga nangyari kay Steff ay agad naman siyang humagalpak ng tawa.  Halong pasira na 'yung inuupuan niya sa subrang likot niya. Sa gitna ng pagtawa ko saktong napalingon ako kay Alexa. Bigla ako natigilan sa nasaksihan ko.

Bigla namang tumigil si Steff sa pagtawa at hinawakan ako. "'Oy Jade, anong nangyayari sa'yo?"

Dahan-dahan ko naman itinaas ang isang kamay ko at itinuro si Alexa. Dahan-dahan ding lumingon si Steff sa direksyon niya. Nakatalikod siya sa amin pero halatang tumawa siya. Nagkatinginan naman kami ni Steff at nag-usap sa pamamagitan ng tango.

"Tumatawa siya.", tumangu-tango siya habang turo si Alexa.

"Nakita mo?", tumangu-tango rin ako at sumulyap kay Alexa.

Bigla siyang ngumisi at muling tumangu-tango sabay palakpak ng mahina. Nahinto naman  siya nang biglang lumingon si Alexa sa amin. Nakangiti siyang lumingon sa amin pero pagkakita niyang nakatingin kami sa kanya ay biglang nawala ang ngiti ngiti niya at naging seryoso.

"Bakit?", seryoso niyang tanong.

"Ah, wala. Sige, tawa tayo ulit. Hahaha.", muling tumawa si Steff 'saka lumingon sa akin at sinenyasan ako, kaya tumawa na rin ako. Kunot-noo kaming tinitigan ni Alexa pagkatapos ay muli nang tumalikod.

Pagkita naming tumalikod na siya ay nagtinginan naman kami si Steff habang tumatawa at biglang tumugil nang pareho naming maisip na nagmumukha na kaming tanga. Pagkatapos ay kumilos kami nang parang walang nangyari. Agad siyang tumayo at bumalik na sa upuan niya. Ako naman ay kinuha ang libro sa bag ko.

"Oh, tapos na kayo?", sabay kaming napalingon kay Alexa.

"Ha?", sabay din naming nasabi.

"Lumabas na kayo.", seryosong sabi niya. Nagulat kami sa sinabi niya at nagkatinginan 'saka muling timingin sa kanya. Tinaas niya ang isang kilay niya 'saka tinaasa ang isang kamay niya at nag-demo ng parang pumutok.

Muli kaming nagkatinginan at na-guess ang ibig niyang sabihin. "Oh, do'n ka daw magkalat sa labas", unang sabi ni Steff.

"Oh? Bakit ako? Ikaw kaya do'n.", balik kong sabi.

"Duhh. Ikaw kaya do'n."

"Eh sino ba'ng subra kung makatawa dito?"

"Baaa. Nagsalita ang hindi", 'saka inirapan na naman ako.

"Hahaha.", bigla naman tumawa si Alexa.

Napatingi kami sa kanya at napaisip tuloy ako. "Anong nangyari sa kanya? Sa kanya ba sumapi 'yung butiking halimaw na ini-imagine ko kanina?"

"Alexa?", sabay naming tawag ni Steff.

"What?", kunot-noo niyang response.

"May sakit ka ba ngayon?", curious na tanong ni Steff.

Kinapa niya naman ang noo at leeg niya. "Wala naman."

"Kinakausap mo na kami?", turo niya sarili niya at sa akin.habang nakatingin

"Bakit? Kinakausap ko naman talaga kayo ah. Kahit ayaw ko minsan.", nakangisi niyang sabi.

"Maliban diyan. Parang may iba sa'yo ngayon.", agad na sabi ni Steff.

"Ah. 'Yung ngayon ba tinutukoy mo? Hmp. Paano ko ba sasabihin 'to nang hindi kayo mag-e-exagerate?", habang nakatingala sa taas at animo'y nag-iisip. "In this past months na ginugulo niyo 'ko. I sometimes felt like I have this what they so-called company. And. Road .To friends? Maybe?", nakangiti niyang sabi at tiningnan kami.

Sa subrang saya ay nag-high-five kami ni Steff at tumawa.

"May mali ba sa sinabi ko?", nakakunot ang noo niyang tanong sa amin.

SAPPHIRE: Battle Of A Heiress [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon