Chapter 33

47 3 0
                                    

SAPP'S POV

Pagkatapos ng mga nalaman ko ay pinili kong magkulong at pakalmahin ang sarili ko bago ko harapin ang taong pumatay sa mama ko. Hindi ko alam kung makakaya kong pigilan ang sarili ko sa oras na magkita kami.

Sa ngayon, kailangan ko muna ng oras para makapag-isip.

Nakarinig ako ng tatlong katok galing sa pinto ng kwarto ko. "Anak? Si Mama Myda mo ito, pwede ba akong pumasok?"

Pinindot ko ang switch na nasa gilid ng lamesa sa tabi ng kama ko, pagkatapos ay dahan-dahan na bumukas ang pinto. May hawak siyang tray ng pagkain. Tiningnan niya muna ako ng may malungkot na ekspresyon 'saka lumapit sa akin. Inilapat niya ang tray sa katabing lamesa at naupo sa labi ko.

"Ilang araw ka nang hindi lumalabas ng kwarto mo? Halos hindi ka rin kumakain, baka magkasakit ka niyan Sapphire?" nag-aalalang sabi ni Mama Myda.

"Okay lang po ako, ma. Gusto ko lang pong mapag-isa."

"Hanggang kailan mo naman gustong mapag-isa?"

"Hindi ko po alam."

Huminga siya ng malalim at hinawakan ang mga kamay ko. "Alam kong masakit ang nangyari sa kaibigan mo, pero Sapphire, pwede kang umiyak anak. Hindi mo kailangang pigilan ang mga luha mo."

"I can't. Gustong-gusto kong umiyak, ma, pero walang lumalabas na luha kahit anong gawin ko." muli ay napahinga nalang siya ng malalim at niyakap ako. "Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman, ma."

"Tungko saan, anak?"

"Para sa mama ko, kay Steff, at sa taong pumatay sa mama ko."

Napabitaw siya sa pagkakayakap sa akin at tiningnan ako ng derekta sa aking mga mata. "Ano'ng ibig mong sabihin sa taong pumatay sa mama mo?"

"Alam ko na ang totoo at kung sino ang inutusan ni Olivia para patayin ang mama ko."

"Kailan mo nalaman 'yan, Sapphire?"

"Alam mo, ma?" tumingin ako sa kanya.

"I'm sorry, Sapphire." yumuko siya.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?! Edi sana matagal nang natapos 'to at hindi na umabot sa ganito ang mga nangyari! Bakit itinago mo sa akin 'to ma?!"

"Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa 'yo anak. Sa tuwing magbabalak ako na sabihin sa 'yo ang mga alam ko, makikita kita na masaya kasama sila, lalo na si Steff. Alam ko kung gaano kabigat ang nararamdaman niya sa tuwing nakakasama ka niya. Sa kabila ng nagawa ng ama niya ay nakita ko kung gaano siya ka-sincere sa pagkakaibigan niyo at kung gaano ka kahalaga para sa kanya, higit pa sa buhay niya. Naisip ko lang na mas makabubuti para sa inyo kung sa kanya mo mismo maririnig ang katotohanan, anak. Pagkatapos kasi ng sunod-sunod na pagkawala ng mga magulang mo, hindi na kita nakitang ngumiti. Kaya nagpapasalamat ako sa pagdating nila sa buhay mo, bumalik ang dating masiglang mga pagngiti at pagtawa mo sa tuwing kasama mo sila. Malaki ka na at matalino, kaya sa 'yo ko na ibibigay ang desisyon ano man at sa kung paano mo malalaman ang totoo. Patawarin mo ako sa paglilihim ko sa iyo, Sapphire." tumayo siya at tumalikod.

Bago pa man siya makahakbang ay tumayo rin ako at niyakap siya mula sa likod. "Thank you." at tuluyan na ngang tumulo ang mga luhang ilang araw kong pilit na pinapalabas.

Hinawakan niya ang mga kamay ko 'saka humarap sa akin at niyakap ako. "Gawin mo kung anong alam mo na makapagpapagaan ng nararamdaman mo. May tiwala ako sa 'yo, Sapphire." itinaas niya ang ulo ko at tumango habang nakangiti. Tumango-tango ako at pagkatapos ay umalis na siya.

"Bakit? Bakit kailangang ikaw pa ang dapat magbayad ng lahat, Steff?"

Nakatayo ako sa harap ng bahay nila Steff. Kinalma ko muna ang sarili ko bago pinindot ang doorbell. Mayamaya ay lumabas ang mama ni Steff.

"Sorry po kung hindi ko po kayo na-inform na pupunta ako ngayon."

"Okay lang 'yon iha. Pasok ka."

Pagpasok namin at agad kong nakita ang papa niya yakap ang frame na may litrato ni Steff.

"Ilang araw na siyang ganyan." sabi ng mama ni Steff at napansin kong pinahid niya ang luhang tumulo sa mukha niya.

Humarap ako sa kanya. "Pwede ko po bang hiramin si tito kahit isang lang po?" nakangiti kong tanong.

"Oo naman, Sapp. Mabuti nga 'yon para makaalis na siya diyan. Sandali, sabihin ko lang sa kanya ha." agad siyang pumunta sa kinauupuan ng asawa niya at kinausap. Napatingin siya sa akin at halatang nagulat siya nang makita ako. Ngumiti ako para pakalmahin ang kanyang ekspresyon.

Dinala ko siya sa lugar kung saan niya binaril ang mama ko.

"Naaalala mo pa ba ang lugar na 'to?" tanong ko nang makapasok na kami.

Nauna akong naglakad papasok at naglagay ng upuan sa gitna, pagkatapos ay sininyasan ko siya na lumapit at umupo sa upuang nasa harap ko. Bakas ang takot sa mukha niya. Alam niyang ano mang oras ay maaaring hindi na niya makikita ang asawa niyang naghihintay sa bahay nila.

Nang makaupo siya ay agad kong hinila ang isa pang upuan at pabaliktad ko itong inupoan. "Siguro naman kilala mo na kung sino talaga ako?" nanginginig siyang tumango sa tanong ko.

"H-hindi ko alam na ikaw pala ang anak niya. Kamakailan ko lang din nalaman 'yon." nauutal niyang sabi.

Nakikita kong nanginginig ang mga kamay niya, kaya marahas akong napangisi at tiningnan siya. "Bakit parang natatakot ka sa 'kin? Huwag kang mag-alala, tayo lang ang nandito. Babae lang ako at lalaki ka, bakit ka matatakot sa akin?" Hindi siya sumagot at yumuko nalang. "O baka naman, ang kunsensiya mo ang kinatatakotan mo? Alam kong nabasa mo ang lahat ng mga isinulat ng anak mo, kaya ka nagkakaganyan. Mukhang tama nga sinasabi nila na mahirap kalaban ang sarili mong kunsensiya."

"Patawin mo ako, Sapphire. Hindi ko naman talaga gusto ang ginawa ko. 'Yon nalang kasi ang tanging paraan na magagawa ko para makakuha ng perang  pampaopera kaagad sa anak ko. Hindi ko kayang mawala ang anak ko. Alam kong mali 'yon at pinagsisisihan ko na ang nagawa ko. Patawarin mo ako, Sapp." umiiyak na paliwanag niya.

"Dahil sa ginawa mo, nawala ang mama ko, at dahil sa subrang lungkot ay sumunod na nawala ang papa ko. Naiwan akong mag-isa sa murang edad. Walang kaalam-alam at walang kalaban-laban sa mundo. Dahil sa ginawa mo, si Steff... Si Steff ang kumimkim ng lahat, pati ang pagbabayad ng kasalanan mo, siya na rin ang umako. Napakaswerte mong ama at mayroon kang anak na tulad niya." sabi ko habang nakatitig sa kawalan at hinahayaang tumulo ang mga luha ko.

"Patawarin mo ako, Sapp. Alam kong kahit anong gawin kong paghingi ng tawad sa iyo ngayon ay hindi ko na maibabalik ang buhay na kinuha ko. Dapat ako nalang ang namatay, eh. Steff, anak ko." at tuloyan na siyang humagulhol ng iyak.

Pagkatapos ng ilang masinsinang pag-uusap namin at narinig ko na ang mga gusto kong marinig ay nakapag-isip na ako kung ano ang pipiliin kong desisyon.

"Mukhang walang kaide-ideya ang mahal mong asawa sa ginawa mo at pati na rin sa mga pinaggagawa ng anak niyo."

"Please, Sapphire, huwag mong sasabihin sa asawa ko. Nagmamakaawa ako, ayokong dagdagan ang bigat ng nararamdaman niya lalo na sa mga panahon ngayon. Please."

Tumayo ako at ibinalik sa gilid ang upuan. "Okay."

Natigilan siya sa ginagawa niya at natulalang nakatingala sa akin. "A-ano'ng ibig mong sabihin?"

"Nakapag-isip na ako. Kahit na ikaw ang bumaril sa mama ko, hindi ibig sabihin na ikaw ang pumatay sa kanya, naging subject to the crime ka lang at wala ka naman talagang intensiyon na gawin 'yon. Napilitan ka lang na gawin 'yon alang-alang na nanganganip na buhay ng anak mo." pagtingin ko ay nakatitig pa rin siya sa akin. "Aish. Sabihin nalang nating walang kasalanan ang cellphone kapag nagbreak kayo ng syota mo, hindi mo kailangang sirain ito. Ang may kasalanan ay 'yong taong nag-send ng text sa 'yo, siya dapat ang pagbuntongan mo ng galit."

Muli ko siyang sinulyapan at nakita ko siyang nakakunot ang kanyang noo habang nakatitig sa akin. Napabuga nalang ako ng hangin at iniwan na siya.

SAPPHIRE: Battle Of A Heiress [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon