Chapter 36

28 1 0
                                    

Kinabukasan, pumunta si Sapphire sa bahay ng mga Hadenburgh. Lakas loob siyang pumunta rito nang mag-isa. Hindi alintana ang panganip sa oras na tumongtong siya sa teritoryo ng kalaban.

Sa gate palang  ay hinarang na siya ng mga bantay. Marami ang mga nakahelirang nakatayo at nagbabantay sa labas ng gate ng mga Hadenburgh.

"Ano'ng kailangan mo?" seryosong tanong ng isa.

Isa-isa niyang tiningnan ang mga lalaki sa kaniyang harapan. Kung gugustuhin niya lamang ay kayang-kaya niyang patumbahin ng saglitan ang mga humaharang sa kaniya. Ngunit naisip niyang mag-aaksaya lamang siya ng lakas kapag ginawa niya 'yon. "Gusto kong makausap si Theodor Hadenburgh."

"Ano'ng kailangan mo sa kaniya?" maangas na tuno ng tanong ng isa.

"Kailangan ko siyang makausap. Pwede ba, papasokin niyo nalang ako."

"Hindi nga pwede!" saka siya malakas na itinulak ng isa, dahilan para mapaatras siya.

Marahas siyang natawa sa inasal ng isang bantay. "Ano'ng tinatawa-tawa mo?" inis na tanong nito.

Akmang magsasalita na sana siya nang mayroon silang narinig na matalas na busina. Isang puting kotse ang dumating. Saglit lang na nilingon ito ni Sapp at muling ibinalik ang tingin sa lalaking tumulak sa kaniya.

"Papasokin mo nalang kasi ako para wala tayong magiging problema." sabi nito sa lalaking.

Mula sa loob ng kotse ay namukhaan siya ng nakasakay dito. "Oh? Si Sapphire 'yon ah. Ano'ng ginagawa niya rito?" takang tanong sa sarili ng taong sakay ng kotse. Sa kaniyang kuryusidad ay bumaba siya ng kotse at lumapit dito.

"Oh? Si Sapphire ka, 'di ba?" nakangiting usisa nito habang sinisilip mula sa gilid ang mukha niya at tinuturo ito.

Tinapik ni Sapphire ang daliring nakaturo sa kaniya at tiningnan siya nito nang walang halong ekspresiyon. "Sino ka?"

"Ako? Ah, hindi mo 'ko kilala, pero ako, kilala kita." masayang pagsabi ni Spencer.

"Good for you." sagot nito at tinalikuran na siya.

"Wow." mahina nitong nasabi. Lumingon-lingon siya na tila may hinahanap sa paligid. "Paano ka nakapunta rito? Hindi ko nakikita 'yong kotse mo." usisa nito.

"Naglakad lang ako." sagot nito. Bigla namang may naisip si Sapp at muling humarap sa kaniya. "Papasok ka sa loob, 'di ba? Isabay mo nalang ako. Ayaw kasi akong papasukin ng mga 'to, eh."

"Hindi nga puwede. Walang sinabi sa amin na mayroon silang inaasahang bisita. Mahigpit na bilin sa amin 'yon." marahas na sabi ng isang bantay.

"Whoah! Relax, Greg. Baka pagsisihan mo 'yang ginagawa mo mamaya." natatawang pagtapik niya sa balikat ng lalaki. Isang saglit lang ay bigla siyang napatingin kay Sapphire na may halong pagkagulat. "Wait. Ano'ng sabi mo? Naglakad ka lang papunta rito?"

"Bakit? Bawal?"

Napapalakpak sabay tawa si Spencer. "Wow! You really never fail to amaze me, Sapphire."

Napakunot naman ng noo si Sapp. "Ano'ng problema mo?"

"Ang maalamat na eredera ng mafia ay naglakad lang papunta rito.Wow, I love you." humugis siya ng pusa sa kaniyang kamay pagkatapos ay muling pumalakpak. Napalingon siya sa mga bantay na mukhang nagbago ang mga ekspresiyon dahil sa kanilang narinig. "Ah. Sorry. Sige, ako na'ng magpapakilala sa kaniya. Siya si Alexa Sapphire Monteverde, ang nag-iisang mafia heiress na biglang nawala at ngayon ay nasa harapan na natin."

"Siya 'yon?" gulat na turo ni Greg kasabay ng pagkamanhid ng iba pang bantay. Nakangiting tumango si Spencer at tiningnan si Sapp na tila nairita sa ginawa niya.

"Kung ako sa inyo, magiging mabait ako sa kaniya. Subrang nakakatakot siyang magalit at ayow kong maranasan 'yon." bulong niya kay Greg at kunwari ay nanginig pa. "Huwag kayong mag-alala, walang magagalit kapag pinapasok niyo siya. Baka nga purihin pa kayo sa pagpapapasok niyo sa kaniya,eh." sabay tawa nito.

"Sorry po." sabi ni Greg sabay pagyuko nito at pumagilid. "Bukas niyo ang gate." utos nito sa mga kasama.

Biglang hinagis ni Spencer ang susi ng kaniyang susi kay Greg na agad naman nitong nasalo. "Ikaw na'ng bahalang magpasok sa kotse ko. Gusto kong samahan maglakad papasok ang espesyal na bisita natin. " nakangiti niyang pagtingin kay Sapp na halatang naiirita na sa ginagawa niya.

"After you, my lady." sabi niya na animo'y prinsipe na iwinasiwas ang kamay na itinuturo ang daan. Hindi na nagsalita si Sapp at agad na nauna. Masaya naman siyang sumunod sa babae.

Ang mismong bahay ay may ilang metrong layo mula sa gate nito na maggugugol ng halos sampung minutong paglalakad. Habang naglalakad sila ay sige pa rin ang pangungulit nito kay Sapp.

"Actually, kamakailan lang kita nakilala. Pero subrang amaze na amaze talaga ako sa 'yo. I never expect na dito pa talaga kita personal na makikita. I'm your fan." magiliw na sabi nito sabay lahad ng kaniyang kanang kamay. Ngunit hindi siya pinansin ni Sapp at nilampasan lang siya. "Okay nice to meet you too." nakipagkamay nalang siya sa kaniyang sarili sa pamamagitan ng pagkikipagkamay sa kaliwang kamay niya.

"Kilala mo ba si Kyle? Alam mo bang subrang nag-aalala siya sa 'yo nitong mga nakalipas na taon. Kung alam mo lang sana ang mga ginawa niya para sa 'yo-" biglang tumigil si Sapp sa paglalakad at tumingin sa kaniya. Dahil sa gulat ay hindi siya nakagalaw. Tiningnan siya nito derekta sa mga mata at pagkatapos ng ilang segundo ay wala itong sinabi at muli lang siyang tinalikuran. "Wow. Muntik na 'ko do'n, ah." mahina niyang nasabi sabay hinga ng malalim habang nakahawak sa kaniyang dibdib.

Ngunit hindi pa rin natinag si Spencer at agad niya itong sinundan. "Pwede ba kitang maging girlfriend?" Hindi pa rin siya pinapansin nito.

"Sige, kaibigan nalang... Sige na... Ayaw mo talaga akong kausapin?... Hmm. Magkaibigan na tayo ha..."

SAPPHIRE: Battle Of A Heiress [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon