Chapter 34

27 2 0
                                    

"Jade." bungad nito pagkatapos sagotin ni Jade ang tawag niya

"Oh, Sapp, bakit?" tanong nito.

"Outside." agad na sumilip si Jade sa bintana at nakitang nakatayo si Sapp sa harap ng gate nila. Agad naman siyang bumaba at pinatuloy ang kaibigan.

Nakasalubong niya ang mag-asawang assassin habang papasok sila ng bahay. Nagulat ang mag-asawa sa biglaang pagpunta ni Sapp sa bahay nila. At akmang yuyuko na sana sila at biglang napa-hissed si Sapp para pigilan sila sa binabalak nilang gawin.

"Hindi niyo na po kailangang gawin 'yan." sabi nito sa parang naiinip na tuno.

Muling tumayo ng maayos ang mag-asawa at bakas sa mga mukha nila ang pagiging balisa sa presensiya ni Sapp.

"Ano'ng ginagawa mo rito, Sapp? May kailangan ka ba?" sunod-sunod na tanong ni Jade at parang hindi mapakali.

"Ano'ng klaseng tanong 'yan? Bawal na ba akong pumunta rito?"

'H-hindi naman." saglit na lumingon siya sa mga mukha ng kaniyang mga magulang 'saka muling tiningnan si Sapp. "Sa kwarto tayo mag-usap." pagkatapos ay hinila na si Sapp papunta sa kwarto niya.

Pagpasok nila sa kwarto ni Jade at agad na binawi ni Sapp ang braso niya sa pagkakahawak ni Jade.

"Ano'ng problema mo, ba't parang natataranta ka?"

"A-ako? Hindi ah."

"Tigilan mo nga 'ko Jaden."

"Fine." at pabagsak na umupo sa kama niya. "Kahapon kasi pumunta dito si Sir Theodor ng personal at humingi ng tawad sa ginawa ng asawa niya."

"Oh, tapos? Bakit parang umiba yata ang awra sa akin ng mga magulang mo?"

"Eh, kasi sinabi niya rin sa kanila 'yong nangyari no'ng ikaw nalang ang naiwan do'n, at ang pagtangka mong pagbaril sa asawa niya na hindi natuloy kasi nakialam ang anak nilang si Kyle at iniligtas ang nanay niya."

"Oh, tapos? Normal lang naman ang gano'ng scenario sa mga katulad natin, Jade. Lalo na sa kanila na laging nasa field."

"Alam ko, pero magkaiba kasi 'yong pagkakakilala nila sa 'yo at pagkatapos ng nangyari, especially, na ikaw pa 'yong heiress. Kaya nang makita ka nila, nasa isip na nila na isang maling galaw lang at kch!" at mabilis na ipinadaan ng kamay niya sa tapat ng leeg niya.

Biglang natawa si Sapp at tinapik si Jade sa balikat. "Ngayon pa ba sila matatakot, kumpara sa trabaho nila?"

"Pero kasi, Sapp. Naalala mo ba 'yong in-interrogate ka nila?"

Tumango siya. "Hm. Bakit?" tumingin siya sa mga mata ni Jade at nabasa ang iniisip nito. Muli na naman siyang natawa. "Don't tell me, 'yon ang rason?"

Maasim na tumango-tango si Jade. "Baka kasi bigla mong maisip 'yong nangyari tapos alam mo na."

Napangisi nalang si Sapp. "Ayon lang? Sabihin mo sa kanila, wala lang sa 'kin 'yon."

"Talaga?" nakangiting tanong ni Jade. "Wait lang ha, sabihin ko lang sa kanila, nang kumalma na sila." at patakbong lumabas si Jade ng kwarto.

Muling naging seryoso ang mukha ni Sapp. Naglakad-lakad siya sa loob ng kwarto ni Jade at isa-isang  sinusuri ang mga nahahawak niya.

Mayamaya ay bumalik na si Jad. Nadatnan niya itong hawak ang gitara niya. "Sapp."

"Oh, nandiyan ka na pala." walang emosyong sabi niya. Tumayo siya at itinabi ang gitarang hawak niya. Pagkatapos ay may dinukot mula sa bulsa ng jacket niya ang isang cellphone.

SAPPHIRE: Battle Of A Heiress [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon