Chapter 39

32 1 3
                                    

Matapos ang mahabang katahimikan ay biglang tumayo si Sapphire. "Narinig ko na ang mga gusto kong malaman. Thanks and goodbye."

"Actually, mayroon pa akong gustong sabihin na malaman niyo at mo, Sapphire." pahayag ni Kyle.

"Mayro'n pa? Sige." at muli itong bumalik sa pag-upo.

"Honestly, matagal na kitang natagpuan, Sapphire?"

"What do you mean?"

"Noong nagdesisyon si dad na ampunin ka, hindi ako kuntra sa ideyang 'yon. ang totoo niyan ay gustong-gusto ko na makilala ka at most especially, maging kapatid because I've witnessed how eager my dad to find you and make up to you. He even assigned two of his most trusted assassins na hanapin ka."

"My friend Jade's parents." agad na sabi nito.

"That's right."

"Wow. I can't believe my ears. I think it's destiny." komento ni Spencer.

"Maybe. Back then, I also thought Alexander had no idea who she's talking to."

"Wow."

"Back to the story. So, before everything started to messed up. Dad and I were so close back then before mom got crazy. It's like a father-and-son-bond." napangiti naman ang kaniyang ama. "Dad honestly told me about his and my mom's arranged marriage, what he only felt for my mom, and about your mother. Most particularly, his story. At first, syempre nagalit ako sa kaniya. There's this immature thought na hindi niya talaga ako mahal bilang anak niya at napipilitan lang siya na ipakitang mahal niya ako kasi naaawa siya sa akin, at baka pagdating ng araw ay iiwan niya rin ako para sumama sa babaeng talagang mahal niya at bumuo ng pamilya."

"Hindi ko magagawa sa 'yo 'yon, anak." sabi ng kaniyang ama. Napangisi nalang si Kyle.

"So, this is part na sinabi na ni dad na gusto niyang ampunin ka. Dad already told me about that, but still threw a fit that night and walked out. Not because I'm against to the idea, but because I saw mom made a strange reaction. She doesn't seemed like she like the idea but she's still smiling." kwento nito habang nakakunot ang kaniyang noo. Later that night, mom came to my room, convincing me to agree on what dad wants. Somehow, I felt relieved to her that from her. She also convinced me to find you before dad. She told me, she wanted to surprise dad. So I did. At my young age, I searched for you until I graduated from Elementary. On my first day in High School, when you entered the same classroom. That was the first time I saw you. Nang napadaan ka sa tabi ko, nakaramdam ako ng kakaibang pakiramram. A hunch. You're so mysterious. and cool. Days and days passed, at mas nacurious ako sa 'yo. Sinubukan kong gumawa ng background check tungkol sa 'yo, but unforetunately, walang nakuha ang database ko na kahit anong impormasiyon tungkol sa 'yo. I was so curious that I could kill a cat at that time. So, I decided to do a background check on you, personally. Yes, I was once your stalker. Pero hindi naging madali ang ginawa ko. Masyado kang maingat, to the extent na muntik mo na akong mahuli. But of course, I'm Kyle Clynton Hadenburgh, no one can ever catch me." at tumawa pa ito tila proud na proud sa kaniyang sarili.

Napangiwi naman si Sapp sa pagtawa niya. At bigla siyang hinawakan na bahagyang nakapagpatalon sa kaniya. "Got 'yah! What did you say again?" gulat na tinitigan niya si Sapp. Ilang sandali lang ay marahas niyang binawi ang kaniyang kamay at umusog palayo habang malakas na umuubo.

Malakas na tumawa ang kanina'y nanunuod lang na si Spencer. "Hah! She got you dude!.. What did you say again?" sabay hawak niya sa kaibigan habang mini-mimic ang boses ni Sapp. Sinamaan niya lang ng tingin ang kaibigan niya at saka pinalo ang kamay nito na nakahawak sa kaniya.

"Ouch!" malakas na sabi nito, ngunit pagkatapos ay muli na namang tumawa habang nanunuksong nakatingin sa kaibigan.

Malakas na tumikhim si Sapp na nagpatahimik naman kay Spencer. "Please continue."

Bigla siyang napaubo na animo'y may nakabara sa kaniyang lalamunan. "Okay. Then after weeks of stalking you. I found your secret house. Secret siya, kasi sa unang tingin aakalain mo talagang isang mataas na pader lang ito na nababalutan ng mga gumagapang na damo, but no. It's a gate to their house."

"So, it's you." napangising sabi ni Sapp. Napatingin lang sila sa kaniya. "I already saw you many times. Paikot-ikot ka sa labas ng gate ko. Jumping like an idiot, as if you could level my gate's height and peak what's inside. Naisip ko na ipadampot ka the first time I caught you, pero nakapag-isip ako na subukan ka. Kung isa ka ba sa mga tauhan ka ng mga Hadenburgh, but now it turned out na isa ka rin palang Hadenburgh." nakataas ang isang kilay na sabi nito. "After that day, I was expecting na anytime mayro'n nang biglang may manggugulo sa bahay, pero walang dumating. My bad, umasa ako sa wala. But I kept everything ready. Just in case. Please continue."

"Wow. You're really so cool, Sapphire. Can you be my girlfriend?" pilyong tanong ni Spencer habang nilalapit ang mukhan niya kay Sapphire.

"Manyak ka ba?" prangkang tanong niya na nagpabalik naman sa ayos ng pag-upo ng lalaki. Agad naman itong nakatikim ng malakas na pitik sa tenga mula sa katabi nitong kaibigan. "Aray! Mas masama ba do'n?"

"Gusto mong ikaw samain?" sabay batok niya pa sa kaibigan.

"Spencer, pwede bang patapusin muna natin silang magkwento?" nakangiti ngunit maawtoridad na sabi ni Theodor.

"Okay." at umaksyon pa na animo'y isinara ang zipper sa kaniyang bunganga pagkatapos ay sabay na itinaas ang kaniyang dalawang kamay.

"Please continue, son."

"Okay. So, 'yon nga, pagkatapos no'n ay na-confirm ko na rin na tama nga ang kutob ko, ikaw nga si Sapphire na matagal nang hinahanap ni dad. I was so happy at gusto ko nang ipaalam kaagad kay mom na finally ay nakita na kita. At naisip ko rin no'n na sa oras na malama ni dad na nahanap ka na namin ay magiging masaya siya at mas magiging masaya ang pamilya namin kapag natuloy na ang pag-ampun sa 'yo. Pero may mali, eh. Pagdating ko ng bahay, narinig ko si mom na may kausap sa cellphone. That was the time when all my happiness suddenly gone. I heard her complaining kung bakit hindi pa nila magawang mahanap si Sapphire to the extent na minumura na niya 'yong kausap niya. And her last words before she hung up the phone were, 'Make sure to kill her the moment you found her, then bring me her corpse'."

Malakas na ibinagsak ni Theodor ang kaniyang kamao sa lamesa. "I will never forgive her." mariin nitong sabi.

"Since that day, hindi na ako nagsalita ng kahit anong tungkol sa 'yo. Hindi ko rin sinabi na magkaklase tayo at kilala na kita. Hindi ko sinabi kahit kanino ang mga nalalaman ko, dahil alam kong hangga't wala akong pinagsasabihan, you will be safe from my mom's hands. So, I kept a blind eye."

"Wow. I suddenly felt betrayed. Kahit sa akin na pinsan, kababata at matalik mong kaibigan. Wala ka rin palang tiwala sa akin, dude? I'm so disappointed to you. Mas mas be-best buddy, best brother, best buddy at best cousin pa ba keysa sa akin? For all those three years na tinulungan kita para harangan lahat ng plano ng mom mo kay Sapphire, kahit na hindi mo kailanman sinabi sa akin kung ano ba talagang motive mo. Hindi mo pala ako pinagkatiwalaan? I hate you!" mangiya-ngiyak na paglabas nito ng kaniyang sama ng loob sa kaibigan 'tapos ay tumayo siya at akmang aalis. Ilang hakbang palang ang nagagawa niya. "Kyle, ano na? Magwo-walk out na 'ko, oh. Hindi mo ba ako pipigilan?"

SAPPHIRE: Battle Of A Heiress [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon