Chapter 37

37 2 0
                                    

Pagdating nila sa pinto ng bahay ay may sumalubong sa kanilang dalawang katulong.

"Good morning po, master Spencer." sabay nilang bati at yumuko.

"Good morning ladies." magiliw nitong balik na bati. "This my special friend, Sapphire. She's also your master. Kaya maging mabait din kayo sa kaniya ha." nakangiti niyang pagpapakilala kay Sapp.

Humarap kay Sapp ang mga katulong at yumuko rin. "Good morning, master Sapphire." pagkatapos ay tumayo na ng maayos ang mga ito at tiningnan siya. Ngumiti si Sapphire sa kanila na nagpaguhit din ng mga ngiti sa kanilang mga labi. Bumakas naman ang magkahalong gulat at pagtataka sa mukha ni Spencer nang makita ang dalawang babae na nakangiti. At nang lingunin niya ang kasama ay bigla siyang napanganga sa tuwa. Pinagdikit niya ang kaniyang mga palad at pumalakpak. "'Yan 'yong kanina ko pa gustong makita. Good job girls." at nagthumbs-up siya sa dalawang katulong.

"Ano ba, Spencer, abot hanggang sa kwarto 'yong ingay mo. Bakit ka na naman nandit-" natigilan si Kyle sa kaniyang nirereklamo nang makita ang kasama ng kaibigan. Halatang kakagising lang nito dahil sa gulo ng kaniyang buhok, idagdag pa na nagtatanggal pa ito ng mga muta.

"Good morning sunshine. I brought you a special guest." masiglang pagbati nito sa kaibigan. Samantalang napaiwas naman ng tingin si Sapp. At doon na napagtanto ni Spencer ang dahilan. "Look at that pale legs. So sexy." at sumipol pa ito.

Bigla namang napatingin si Kyle sa baba at nakitang nakaboxer shorts lang pala siya. Bigla niyang isinara ang pinto at tumakbo pabalik sa kaniyang kwarto.

Nasaksihan ng kaniyang ama ang inasta ng anak na nagpakunot naman ng noo nito. Binuksan niya ang pinto at tumambad sa kaniya ang dalawang bisita. "Ang aga mo, Spencer." komento nito. "At sino 'yang kasama-- Sapphire?" agad niya itong namukhaan kahit na bahagyang nakatalikod ito.

Napaharap si Sapp nang marinig ang kaniyang pangalan. Itinaas niya ang kaniyang kanang palad. "Good morning." walang emosiyong pagbati niya.

Napangiti si Theodore. Ito kasi ang unang beses na kinausap siya nito. "Tuloy kayo." at binuksan ng malapad ang pinto. "Ikuha mo nga kami ng maiinom, Spencer."

"Ako? Bakit ako, tito?" habang nakaturo sa sarili.

"Gusto mong ako na?"

"Hindi, joke lang po. Ito na po." at tumalikod na ito. "Kusina, here I come." at tumakbo ito na parang bata na animo'y si Superman.

"Ah, sir, kami na po ang kukuha." sabi ng isang katulong.

"Hindi. Hayaan niyo siya. Parang hindi niyo naman siya kilala." at tumawa ito. "Bumalik nalang kayo sa mga ginagawa niyo." sabi niya. Nagpaalam naman kaagad ang dalawa.

"Mabait ka rin pala sa mga katulong mo." pasimpleng komento si Sapp.

Napalingon sa kaniya si Theodore na may halong gulat, saka ito ngumiti. "Actually, mas naging masaya nga sila nang nawala na si Olivia rito sa bahay. Pagkatapos niyang mawala ay sunod-sunod ang mga reklamong narinig ko patungkol sa kaniya at kung paano niya pinapahirapan ang mga tauhan ko sa likod ko."

"Where is she?"

"Huwag kang mag-alala, Sapphire. I'll make sure she'll pay for what she did to your mother."

"So, na saan nga siya?"

Napangiti nalang siya nang mapansin ang temper ng dalawa. "Pinadala ko siya sa lugar kung saan hindi na siya muli makakapanggulo ang there's no turning back.."

"Hindi ba't asawa mo siya? Okay lang sa 'yo yon?"

Bigla namang natawa si Theodore. "Ano'ng nakakatawa sa tanong ko Mr. Hadenburgh?"

"Naalala ko lang si Elena sa 'yo. Kung nabubuhay pa siya, siguradong ganyan din ang sasabihin niya."

"Ano'ng ibig mong sabihin? Bakit kung makapagsalita ka parang kilalang-kilala mo ang mama ko?"  malungkot na napangiti si Theodore.

Pabalik na sa sala si Spencer bitbit ang dalawang tray. Isa para sa mga inumin at ang isa para sa mga pagkain. Nakita niya namang papababa na ng hagdan si Kyle.

"Uy, dude. Patulong naman." mabilis namang bumaba si Kyle at kinuha ang isang tray na may mga inumin.

"Thank you, buddy." sabi niya at dumampot ng donut sa plato at agad na kinagat.

"Dito ka nalang kaya tumira, 'no?" sarkastigong komento ni Kyle at nauna nang naglakad.

"Talaga? Gusto ko 'yan." malapad itong ngumiti. "Mas okay nga tumira rito ngayon kasi wala na si tita Olivia. Oops, sorry dude."

Napabuntong hininga nalang si Kyle pagkatapos ay napangisi ito. "Maybe. C'mon."

Nakangising sumunod si Spencer sa kaniya. "So, happy ka rin na wala na rito si tita Olivia?" Hindi na sumagot si Kyle at umupo na kaagad sa bakanteng sofa pagdating niya sa sala.

"Good morning, dad." bati niya sa ama.

"Good morning. I saw you earlier, what happened?" usisa ng kaniyang ama.

"Nothing." pag-iwas niyang tingin at kinuha ang basong may lamang gatas mula sa tray.

"Dude, kay Sapphire 'ya-" huli na dahil nainuman na ni Kyle ang dapat para kay Sapphire. Malakas na tumawa ang kaniyang ama. Mukhang alam na nito kung bakit gano'n ang inasta ng binata kanina.

Naibuga niya ang ilan sa kaniyang nainum nang mag-sink in sa kaniyang utak ang sinabi ni Spencer. Umalingaw-ngaw naman sa buong bahay ang malakas na tawa ni Spencer pagtapos ng ginawa niya. Tumawa rin ang kaniyang ama. Samantalang nakakunot naman ang noo ni Sapphire at walang ideya kung anong nangyayari sa tatlong lalaki. Ngunit kalaunan ay napangiti na rin siya.

Mayamaya nang kumalma na ang kanilang tawanan. "Bakit ka nga pala naparito, Sapphire? This is very not you." tanong ni Theodore.

"Alam ko. Isa lang naman ang kailangan ko, eh. To know what exactly happened that day? Matapos kong malaman na si Olivia pala ang totoong nagpapatay sa mama ko at matapos kong makilala ang hitman na hinire niya. Hindi pa rin ako nakuntento sa mga impormasiyong nalaman ko. Pakiramdam ko, mayroon pang ibang kwento tungkol sa nangyari sa araw na 'yon. Pero parang may maiiwan pa ring mga tanong sa isip ko, dahil wala na pala si Olivia rito."

"Ako." biglang sabi ni Kyle. Nagtatanong ang matang napalingon sila sa kaniya. "Alam ko kung ano'ng totoong nangyari no'ng araw na 'yon."

"Kyle." pagbanggit sa kaniyang pangalan ni Theodore.

"I'm sorry, dad. Hindi ko sinabi sa iyo ng buo ang mga nalalaman ko."

"It's okay, son. Alam ko kung bakit. Pero ngayon, siguro naman pwede mo nang sabihin?"

Huminga ng malamin si Kyle bago ito ngumiti. "'O naman, dad. After this, finally, makakatulog na ako ng mahimbing."

"I'm sorry, son. I know hindi naging madali na kimkimin mo 'yan ng mag-isa for all those years." malungkot na lumapit si Theodore at tinabihan ang kaniyang anak sabay tapik nito sa kaniyang balikat.

"Wala ka namang kasalanan, dad." malungkot itong ngumiti.

Malakas na tumikhim si Sapp na nakakuha ng atensiyon nila. "Cut that dramatic scene. I'm here to know the exact story. Mamaya na kayo mag-father-and-son-drama 'pag wala na 'ko, pwede ba 'yon?"

Tumawa na naman silang tatlo. Bumalik si Theodore sa upuan niya at humigop sa kaniyang tasa.

"This is the real story behind...

SAPPHIRE: Battle Of A Heiress [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon