Chapter 2

271 24 12
                                    

---JADE'S POV---

"Ah eh. H-hi. A-ako nga pala si Jade at s-siya naman si Steff. I-ikaw? A-anong pangalan mo? Ahm. T-total magkaklase naman tayo pwedi bang malaman ang p-pangalan mo?", nauutal kong pagpapakilala sa kanya. Sa katunayan ay subrang kinakabahan talaga ako ngayon.

Nagulat ako at nanginig nang bigla siyang lumingon sa akin. Walang kaekspe-ekspresyon ang kaniyang mukha habang matagal na nakatitig sa akin. Biglang lumipat ang kaniyang tingin kay Steff na nasa likod ko at nag-aabang ng susunod na mangyayari. Pagtapos ng ilang segundo niyang pagtitig sa amin ay muli niyang ibinalik ang kaniyang atensyon sa binabasang libro.

"Alexa." mahina niyang sabi.

Nanlaki ang aking mga mata sa narinig ko, sunod ay napatingin ako kay Steff sa likod ko. Nakatakip siya sa kanyang bibig habang nanlalaki ang kanyang mga mata sa subrang gulat. Mahina lang ang pagkakasabi niya pero malaking bagay na 'yun para sa amin. Nang makabawi ay biglang nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Steff. Kumunot ang kanyang noo, nagsalubong ang kaniyang mga kilay at sumingkit ang kaniyang mga mata habang pabalik-balik ang tingin sa akin at sa babae.

"Wait lang. Alexa? Alexander? Hmm. Ayy mean to be.", saka ngumiti na animo'y nanunukso. "Pareho na kayong Alex. Kung magiging magkakaibigan tayo, dapat may Alex din ako. Hmm. Ale-. Aallex-.", hawak niya sa kanyang baba habang nag-iisip ng pangalan na nag-uumpisa sa Alex. "Aahh Ah! Basta! Ako nalang 'yung muse niyo.", pangiti-ngiti niyang sabi habang kumakaway-kaway ng parang nasa pageant.
pero si Sapphire pasimpleng tumatawa..hehe..marunong din pala syang tumawa...

Pagkatapos ay nag-set kami mission ni Steff. Ito ay ang makaipon ng atleast 5 words per day galing sa kaniya. Kapag magkukulitan at magkwe-kwentuhan kami ay lagi namin siyang pinapagitnaan. Pasimple rin namin siyang kinakausap na akala mo'y nakikipagkwentuhan din siya sa amin. Minsan, nag-wo-walk out siya. Minsan, halatang iniiwasa niya talaga kami. Pero may goal kami, kaya hindi kami pweding sumuko. Maliban nalang pag siya na mismo ang magsasabi na tantanan namin siya. Eh, hindi nga nagsasalita eh.

Isang buwan na rin pala simula nang simulan namin ang mission. Pero mission failed pa rin kami. Napapagsalita namin siya, pero isa o dalawang word lang. Hindi man lang mangalahati sa sinet naming '5 words per day'.

Until one time, habang busing-busy si Alexa sa pagbabasa. May naisip na bright idea si Steff. Ting! Siniko niya ako at ininguso si Alexa saka may binulong sa akin.

"Pagsalitain natin ng kahit isang word lang", bulong niya.

"Pa'no?"

"Basta, ako'ng bahala", at kumindat pa siya.

Ang sumunod na ginawa niya ay agad kong ikinagulat. Lumuhod siya sa harap ni Alexa. Napaatras naman sa pagkakaupo si Alexa nang makita siya.

"Miss Alexa Sapphire Moonteverde?", panimula niya. Pero wala pa ring ekspresyon na nakatingin si Alexa sa kaniya.

"Will you... Marry...", 'tapos ay sumulyap siya sa akin. Parang alam ko na 'ata binabalak nito ah.

"Me?", pagtutuloy niya. Saglit na kumunot ang noo ni Alexa habang nakatitig kay Steff. Ako naman ay nagpipigil ng aking tawa. Muling sumulyap si Steff sa akin 'saka nagpakawala ng nakakalokong ngiti. Ako naman ang kumunot ang noo at naging palaisipan sa akin ang pagngiti ni Steff ng gano'n.

"Steffanie talaga, hindi nawawalan ng pakulo kaya sigurado akong may kasunod pa yan.", isip-isip ko.

"In behalf of Alexander Jaden Mavrix Dela Cruz?", kasunod niyang sabi kay Alexa. Napasampal ako sa noo ko 'saka biglang napaubo.

"Yes or yes?", 'sunod niyang tinanong.

SAPPHIRE: Battle Of A Heiress [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon