I gasped at tumango realizing what she meant. We know the story, no need to bring that topic. "Magkatabi pa ata kayo ng condo. Siya yung lalake kagabi diba?" Kinilig ako bigla at lahat sila napasinghap.

"Siya yun?!" Lorraine gushed at pinaghahampas ang hita ni Ellena sa tabi niya, "Fate!"

Mabilis na umirap si Marianne. "Gaga, yung babae ang may ari ng condo. Girlfriend niya ata."

Bigla akong napasimangot, ano bayan wrong timing. El exclaimed, "Pero wow. Ang liit talaga ng Pilipinas at nagkita pa kayo."

"Eh pano naman 'to? Jowang tinataguan niya andito bigla." Tumingin ako kay Rossana who smiled and shook her head.

"I can't believe you're Evan's girlfriend. They were also my schoolmates in junior and senior high school, they're pretty popular." Lorraine said in a cool tone at napanganga ako. Gago ang liit ng mundo. Nagkaroon pa ng mini reunion.

"Grabe naman 'to, para namang di ko siya deserve?" Napataas ang kilay ni Rossana sa sinabi ni Lorry.

Mabilis siyang lumingon sa'min dito sa likod, "The fuck? I'm not saying that. I'm only shocked kung pano nagtagpo landas niyo."

"Yeah, how did you two meet?" Dagdag ni Rian and we all waited for Rose to answer.

Chismosa si Rossana pero pag sa love life, tikom ang bibig niya. It's kinda weird how she's outspoken about everything, but hush hush siya sa kanyang jowa. Kailan lang naman siya nagsalita tungkol sa kanya at tungkol pa sa pangangaliwa daw nito, but then apparently it was all a misunderstanding. 

Napangisi si Rossana "May aksidente lang na nangyari."

We waited for a second to hear her tell the story pero hindi na siya nagsalita. I exclaimed, "Details Saludaga, details!"

"Osige, tell us nalang the reason why you're hiding kanina." Sabi ni Rian habang nakatitig lang kay Rose.

She sighed and face palmed her face. "Na-guilty kasi ako! Nakakahiya ang ginawa ko sa kanya. I did so many awful things nang akala kong may babae siya, but it turns out na si Ethan ang nakita kong kasama ni Talia."

Marianne with her brows furrowed slapped Rose's arm after gasping. "Wait. Shit, I remember! Ethan told me, he has a brokenhearted twin because his girlfriend thought he was cheating on her, but it turns out pinsan nila yung pinagkamalan, wait... you're the her?"

Uyy nasa stage sila ni Ethan kung san nagkkwentuhan na sila about siblings~ Gusto ko siyang asarin pero di ako nagsalita.

"For the record di sila magpinsan. Kaya nga iniwan ko siyang nakahubad sa restroom stall ng Mr. and Mrs. Couture when he was trying to apologize. Bibisitahin ko sana si Scarlet kasi literal katabi lang pala ng building yung pupuntahan ko, pero nawalan ako ng gana puntahan ka dahil sinusundan niya ako." 

Rose scoffed.

"Kaya kadiri naman si Ethan kung sinabi niyang mag pinsan sila because the reason I was so angry—I saw them sucking each other's faces, pinagkamalan ko pa siyang si Evan non."

What the heck? Hindi ko alam kung saang parte ng sentence niya ako mag ffocus. Ang babaero din naman pala ng Ethan, merong Talia at meron babaeng kapitbahay ni Riri.

Tumingin ako kay Rian nang marinig ko ang huling sinabi ni Rossana kaya bumaling din siya sa'kin, tinaasan niya ako ng kilay, "What? I'm not affected."

Tumango si Rose at tinapik ang kaibigan namin, "Talia's not my problem she's yours."

"Sandali. Alam kong magpinsan si James at Talia dahil magpinsan ang mommy nilang dalawa. Sino nagsabi sayo na hindi?" 'Di ko mapigilang sumingit nang maalala ang sinabi ni Thea. Jusko incest Ethan!

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Where stories live. Discover now