I'm really confused kung anong nangyayari dahil naririnig kong nag s-sorry si Rossana. Ngumiti pa siya nang hinalikan siya sa pisngi ni Evan bago humiwalay. Worofok. Sana all talaga.
Pumasok na ang aking mga beshy dito sa loob at hinubad ko na ang maskarang suot, naipon pa ang pawis ko sa loob kaya hindi ko mapigilang bumuga ng malakas na hangin.
Nang pumwesto si Rossana sa tabi ko, hindi ko maiwasang asarin siya sa ngiti niyang mukhang mapupunit na. Inirapan niya lang ako at patuloy sa pag ngisi.
Pumwesto si Ellena sa harap, at pumasok dito sa backseat si Marianne kaya napunta ako sa gilid. I see her smile while looking outside the tinted window— gusto ko na talagang mang chismis kung anong meron sa kanila ni Ethan.
Habang papaalis ay inilabas ni Lorraine ang kanyang ulo sa nakabukas niyang bintana at sumigaw sa mga lalakeng pabalik narin sa kanilang kotse at si Chance lang ang kumaway pabalik, "Thank you ha!"
Inayos ko ang nagulo kong buhok nang biglang sumampa si Rossana sa'kin at binuksan ang bintana sa tabi ko. My eyes were wide from the realization that I could be seen.
"Bye!" Sigaw niya and I know he's only looking at one guy, pero hindi ko napigilang lumingon sa limang lalake, and stare at one guy I know. Nahuli kong nakakunot ang noo ni James habang nakatingin sa'kin kaya mabilisan akong napayuko.
Lorraine honked the car nang tuluyan na kaming umalis at dun lang itinaas na ni Rossana ang bintana at umayos na ng upo. She looked smug after doing that to me and I smacked her forehead.
Nakita niya ba ako? Naalala niya ba ako? Hindi naman no? Pero kung oo... ano naman? Ano naman kung nakita niya ako?
Oh my God, Scarlet. Gumawa ka ng eksena sa kompanya nila at higit sa lahat ipinagkalat mong nakipag sex siya sa kapatid niya! Diyos ko. Just give me peace.
But in my defense, sila ang nagsabi nun sa'kin.
"Sooo what just happened?"
Napailing ako nang magsalita si Rian. Napangisi ako. "I should say that—you and that Ethan guy eye fucked each other."
"Lorraine has something to tell too!" Depensa ni Riri at natawa ako nang mabilis na umiling si Lorry.
She rolled her eyes, "There's nothing to tell!"
"Weeeh." Sabi naman ni Rossana habang ngumunguya ng Nagaraya.
"What? Chance is a friend." Tiningnan ako ni Lorraine sa rearview mirror, "Ikaw Red? Why were you hiding?"
Nanlaki ang mata ko, na caught off guard lang, "Oy nagtago din yung dalawa oh."
Pumalakpak si El para matahimik kami kaya napalingon ako sa kanya. "Okay, paikot tayo para di magulo. Sino mauuna magkwento?"
Natawa ako sa suggestion niya pero apat kaming sabay tumingin kay Lorraine. Malamang, dahil sa kanya naman huminto ang isang kotseng 'yun.
"Soooo who was that Lorry?" Asar ni Rossana habang ginagalaw galaw pa ang kilay.
Napairap naman ang isa, "Stop. Ew. He's a close friend in junior and senior highschool."
"Hmm." Kumunot ang noo niya at lumingon ng sandali para samaan ng tingin si Rossana sa mapang asar niyang tono. Napangisi lang ako.
"Whatever you guys are thinking about, stop it okay? We're only friends. He left when we were in our last year in senior high, kaya nga nagulat ako kanina." What a small world huh?
Tumango nalang ako at lumingon kay Rian. "Okay. Riri? Care to share why you two eye fu—"
"Oh shut up Red, we didn't." Natawa ako nang irapan niya ko, wushu deny pa. "He's that stranger who comforted me the night when Danny left... alam niyo na 'yun."
VOUS LISEZ
Red Strings of Fate (Haunted Series 2)
Roman d'amourScarlet Hope is a broke college student who applied as a maid for a rich family. Timothy James Del Valle is an agent on a mission. His secret mission is to protect her, and being their maid made it easier. Secrets and red strings interwoven too much...
Strings 7: Fate
Depuis le début
