It was really awkward, pero nabasag yun nang tumikhim si Ethan at nakipagkwentuhan sa mga kaibigan niya habang bumalik sila sa pag-aayos ng kotse.

"That was something." Nagulat ako nang magsalita ang kasama ko rito. Akala ko hindi niya ako kinakausap kaya hindi ako sumagot. "You're Scarlet right?" 

Bumalik ang tingin ko kay James nang magsalita siya at tumango ako ng alanganin, di naman niya naaalala ang pangalan ko no?

"Why are you wearing a mask?" Di niya mapigilang matanong. 

Chismoso pala 'to? Hay nako. Pano ba sabihin ang mind your own business sa hand gestures? Ginalaw galaw ko ang kamay ko na parang nagtataboy ng langaw, at sana nakuha niya 'yun. 

Ngumisi siya. "Are you telling me to fuck off?"

"I was telling you to mind your own business, trip ko to." Napatigil ako. 

Hindi rin naman niya makikilala boses ko no? Sino ba naman ako para maalala niya? Oo nga naman. Sino ba naman ako sa kanya? Sino ba ako at kailangan kong tumago ng ganto? Hindi ko mapigilang mapatikhim sa mga naiisip ko.

Tumawa siya habang napapailing, funny na pala ako?

"You like wearing masks for fun?" Bakit ba ayaw niya akong tigilan?! Tumango nalang ako. "Do you talk?"

"I spoke to you a second ago." I stared at him dumbfounded. 

Ngumisi siya at nilipat ang shirt niya sa kabilang braso, hindi ko na napigilan ang sarili kong magsalita dahil parang may contest talaga sila magkakaibigan. 

"Do you wear your shirt? Or do you just like it hanging on your shoulders as an accessory?"

"It's hot babe that's why." Napanganga ako. Babe? Babe?! Gago, ang harot.

Tumawa lang siya ng marahan nung hindi ako nakasagot. My God 'yung tawa niya, nakakapanindig balahibo—in a good way. 

Napailing ako sa iniisip, minsan ansarap ko ring buhusan ng holy water. I have to remember, I don't like this man. He suggested I get fired just yesterday!

Tumikhim siya, "Did you have fun?"

Napataas ang kilay ko naguluhan, "What?"

"Oh never—" Hindi na niya natuloy ang sasabihin nang tumapik si Chance sa sasakyan ng malakas.

"Dude, start." Malakas na bumuntong hininga si Ipis at ginawa ang iniutos ng kaibigan.

Umandar ang kotse na sinasakyan namin at umusbong ang puso ko nang tumagal ang tunog ngmakina. They waited for a couple of seconds and confirmed na hindi na mamamatay.

Gumalaw naman ang mga lalake sa labas at binaklas ulit ang baterya. 

Lumingon uli sa akin is James, "You should always wear that, it scares people off." He smirked at binaling ang tingin sa harapan nang marinig kong pumapalakpak si Lorraine. Tapos na pala ang ginagawa nila.

Sinarado ni Ethan ang trunk ng kotse at nagpunas ng kamay sa isang basahan, pagkatapos ay tinitigan niya si Marianne na nakatingin lang sa kanya at ngumisi, napailing si Riri at tumawa. Hmm may something din sa dalawang to.

Nag uusap silang lahat sa labas at parang nag exchange pa ng instagram handle si Lorraine at Chance nang mapansin kong gumagalaw na palabas si James.

"Thank you sa pagtulong." Kahit naman ayaw ko sa kanya, it doesn't mean I'm not thankful. Hindi niya lang ako pinansin at nagpatuloy lang sa paglabas. 

Nang bumalik si Rossana at si Evan,  magkahawak kamay na sila, hindi ko mapigilang mapangiti. Nakita kong ipinapakilala ni Evan ang kambal niya habang sinusuntok ito sa braso. 

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Where stories live. Discover now