Strings 5: Girlfriends for life

Magsimula sa umpisa
                                        

Nakakatakot pala. Nakakabaliw.

"I'M FREEEEEEEE!" I snickered. I think she's singing let it go.

"Hey!" Nanlaki ang mata ko nang may lalakeng sumigaw papunta sa direksiyon namin. Iritado ang mukha nito, gulo gulo ang buhok at halatang bagong gising.

Sumigaw pabalik si Rian, "What?!"

"Tingin ko kailangan na natin siyang kunin." Bulong ko sa tatlo.

"Yeah I think so too." Bulong pabalik sa'kin ni Lorry. 

We stopped laughing and went towards Rian, hinawakan namin ang magkabilang braso niya.

"People are sleeping here!" Sigaw pabalik ng lalaki sa kabilang balcony na naka suot ng roba.

Nag sorry agad kami, we were apologizing while we're holding Rian pero hindi nag papatalo ang isang 'to. Nagpupumiglas pa siya. "Noooooooo! I want to sing!"

"Wag kang makulit Marianne Kate, hindi ka magaan." Nagppanic na ako, pero hindi ko parin maiwasang matawa sa nangyayari. Baka nga lasing din ako.

"Tarantado, some people have work tomorrow okay?" Masungit na sigaw ng lalake habang nakakunot ang noo. Nagaya ko ang ekspresyon niya, parang may kamukha?

Bago ko pa maisip kung saan siya nanggaling ay tumigil si Rian sa pagpupumiglas. Madali na namin siyang nahila pero nang takpan niya ang kanyang bibig, ramdam kong hindi lang ako ang napatigil. 

Uh-oh. 

"Ri?"

Maya maya ay bigla siyang dumuwal kaya napatalon ako paatras. 

Nabitawan naming tatlo si Marianne at nakita kong napangiwi ang lalake sa kabilang balkonahe nang makitang sumuka ang kaibigan namin. "Oh my God Rian!"

Ellena looked so worried, "Ri!"

"HAHAHAHAHAHA" That's Rossana.

Lalapitan na sana ni Ellena si Rian pero napatigil lang nang magtaas siya ng kamay, informing us to stop. Pinunasan niya ang bibig gamit ang damit at maarteng hinawi ang buhok. Sumalubong ang tingin ni Rian at ng lalakeng nakangiwi sa kanya.

"What? Got a problem with me?" Tumaas ang kilay ng kaibigan namin bago siya napatigil at lumapit. "Wait, you're familiar?"

The man squinted his eyes before wearing the eyeglasses he had on hand. I noticed he looked shocked seeing Riri after wearing those.

They know each other.

May lumabas na babaeng nakakunot ang noo habang tinitingnan ang eksena namin, naka pajama lang siya and she's at the same place where the man came from.

"Oh! You're the lawyer! The color blind guy!" Napailing ang bagong dating sa sinisigaw ni Rian at hinila papasok ang lalake sa loob ng condo nito. "Hey I'm talk—" Sigaw uli ng kaibigan namin, pero bago niya matuloy ay sumuka nanaman siya. I grimaced.

"Okay. Tama na 'yan Marianne. Pumasok na tayo sa loob." Sabi ng nanay namin at hinila na si Rian sa loob. Nagpatianod naman ang huli. Mabilis naman akong tumakbo at hinawakan ang kabilang kamay ni Rian para alalayan siya. Si Lorraine ay dumiretso sa kusina. Si Rosanna ang nasa likod at sinarado ang pintuan ng balkonahe.

Pag bitaw namin kay Rian ay sumalampak agad siya sa sofabed. Lorraine went out of the kitchen with a glass of water on hand at lumuhod sa tapat ng mukha ng kaibigan namin. "Ri. Water, drink."

"Water? Hmm mas kailangan yan ni Danny! Ansarap tapunin sa mukha niya para mahimasmasan siya. Magising sa katangahang ginagawa niya!" Sigaw ni Riri habang tinutusok tusok ang baso ng tubig at mariing tinitingnan ito. "Oh! Guy neighbor is flirty! He dirtyyy."

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon