Ambilis din niyang maka recover no? But I'd still ask her what happened after this.
Humilig sa balikat ko si El na kanina ko pa katabi dito sa mahabang sofa habang nakangiwi. She groaned at natawa ako habang tinapik tapik ang kanyang ulo. "Make it stooop."
9:45 p.m.
Marianne twirled her hair and acted with sass while she was singing. "Oh my God. I'm a fool. keep on coming back to you. I'm so stupid for you, I'm so stupid for you."
"Yes you are." Napailing ako nang magsalita si Lorraine, hindi naman siya pinapansin ni Rian.
I felt like she felt this song on another level. "You're so bad for my health. But I just can't help myself. I'm so stupid for you, I'm so stupi—"
"Yes, you really are." Tumawa ako kay Lorraine.
10:45 p.m.
"Treasure! That's NOT what you are! You are NOT my golden star. You can't make my wish come truuuuue BABY I DON'T TREASURE YOU! OH OH."
Napapakunot ang noo ko nang marinig ang pagbago niya sa lyrics ng kanta.
"Oh God." I chuckled while calming myself. Pinipilit kong pigilan para hindi magising si El na nakatulog sa balikat ko.
"Hoy tama na 'yan." Saway ni Rossana na naka subsob na ang mukha sa braso ni Lorraine na ginawa niyang unan habang nakahiga silang dalawa sa sofabed.
12:00 a.m.
"Shoutout to my ex you're really quite the man!" Napangiti ako. Cute ng song kaso nabaliw na ang kumakanta.
Napasabunot ako sa sarili at sinaway siya, pero parang hangin lang kinakausap ko kasi patuloy siya sa pagkanta at pagtalon.
Alak ba talaga nilaklak nito o enervon? Kanina pa to eh. Kinaya ba naman niyang mag isang kumakanta ng ilang oras?! Masyado siyang full battery habang ang tatlo tulog na.
While she's singing, sumandal ako sa ulo ni El na nasa balikat ko and let sleep overcome me.
"Ooooh! Jusko!"
Bigla akong napabangon nang marinig ang sigaw na nagpagising ng puso ko. Napatayo rin si Ellena na nakasandig sa akin, at 'yung dalawa sa harapan. Nagkatinginan kaming apat bago ibinaling ng tingin sa nakabukas na pintuan ng balcony.
"Layuannn mo naman ako!"
Tumakbo si Rossana papunta sa labas pero nanatili lang siya sa hamba ng pintuan and we all followed her.
Ellena's eyes grew so wide after seeing Riri outside. Si Lorraine ay nakakunot lang ang noo habang pilit pinipigilan ang lumalabas na tawa.
"Tangina ka Danny! Pinagmukha mo akong tanga! Pinaasa mo lang akoooooo!" Parang puputok na ang ugat ni Rian sa leeg sa taas ng pag-kanta niya. Nasa gilid siya ng balcony habang nakahawak ang kaliwang kamay sa barandilya at ang kanang kamay ay may hawak na alak na ginagawa niyang microphone.
"Hindi ba na'tin ipapasok ang babaeng yan dito sa loob?" Nagaalalang tanong ni Ellena.
"Na. Let her be." Sagot ni Lorraine. I was also trying to stop laughing, but I lost it when I saw Rossana trying to find her balance while recording our friend with her phone.
"Putanginang pagibig toooooo ohh woaahhh!"
Tiningnan ko ang wall clock sa loob at nakitang ala-una na.
Oh my God?
Grabe naman ang kaibigan naming 'to, may sapi pa rin. Napatingin ako sa buwan, dahil ba full moon kaya grabeng ultramega full sa power ang isang 'to? Ganito ba pag broken hearted?
ESTÁS LEYENDO
Red Strings of Fate (Haunted Series 2)
RomanceScarlet Hope is a broke college student who applied as a maid for a rich family. Timothy James Del Valle is an agent on a mission. His secret mission is to protect her, and being their maid made it easier. Secrets and red strings interwoven too much...
Strings 5: Girlfriends for life
Comenzar desde el principio
